Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cesar mas bagay maging Ninoy

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

Balak ng Star Cinema na isapelikula ang buhay ni Ninoy Aquino at si Piolo Pascual ang napipisil nilang gumanap ng batang Ninoy.

Pero may balak din pala si Cesar Montano, along with Direk Marilou Diaz-Abaya, na gumawa ng Ninoy film as early as two years ago and they were planning to approach pala Star Cinema for a collaboration.

Anyway, para sa amin ay mas bagay na gumanap na Ninoy si Cesar.

Kasi, Cesar is a more mature and seasoned actor.

At na-potray na mismo niya ang national hero natin na si Jose Rizal with flying colors!

Mas bagay din silang dalawa ni Ate Vi, na napipisil ng Star Cinema na gumanap nilang Tita Cory.

So how about it, Ms. Malou Santos?

* * *

Nagmistulang "artista search" ang katatapos lang na singing contest na Are You The Next Big Star na ipinalabas last Sunday sa SNBO pagkatapos ng pilot episode ng Show Me Da Manny.

Sina Frencheska Farr at Geoff Taylor ang itinanghal na female and male grand winners at marami ang nagsasabing pang-artista ang dating ng dalawa dahil bukod sa maganda nilang mga mukha at matatangkad pa sila.

Marami naman ang nalungkot sa press people nang hindi napili si Jay Perillo dahil kung vocals lang ang pag-uusapan ay hands down winner itong di-hamak dahil sa galing niya sa pagkanta.

Kaso nga, maliit lang si Jay sa height niyang 5'6 kaya 'yun ang naging disadvantage niya sa mga kalaban niyang sina Geoff at Alex Castro, na pawang matatangkad.

Naalala namin bigla si Rainier Castillo noon na naging runner-up lang kay Mark Herras sa kauna-unahang Starstruck dahil maliit din ito.

Bakas sa mukha ni Alex Castro ang lungkot at pagkadismaya nang ang pangalan ni Geoff ang sinabi ni Regine Velasquez bilang grand winner sa mga lalaki.

Pero para sa amin ay walang dapat na ikalungkot si Alex dahil artista na siya at kilala na siya ng mga tao.

Naka-tatlong pelikula na siya at ang manager niya ay si Rochelle Monteverde mismo ng Regal Films kaya siguradong hindi siya mawawalan ng project.

As for Geoff, napakasuwerte niya dahil pagkatapos niyang matalo sa Season 1 ng Pinoy Dream Academy ay sa GMA pala uusbong ang kanyang career.

Manager ni Geoff si Carlo Orosa na manager din nina Karylle at Christian Bautista.

Mula naman noong Day 1 palang ng Are You The Next Big Star ay alam na ng lahat na mananalo si Frencheska.

Pinaghalu-halong Toni Gonzaga, Nikki Gil at Valerie Concepcion ang beauty niya at silang dalawa ngayon ni Geoff ang latest Kapuso artists!

Naloka naman kami sa suot na damit ni Pops Fernandez sa production number ng mga judges.

Mukha itong puting kurtina na isinampay lang sa kanyang slim na katawan.

Kung sino man ang gumawa ng damit na ito ni Pops ay dapat na ibitin nang patiwarik.

Mas okey pa sa amin ang unang damit na sinuot ni Popsie na prints with matching shoes.

* * *

Sinabay ang launching ng debut album ng PDA 3rd runner-up na si Miguel Mendoza sa kanyang birthday last Aug. 21.

Gustung-gusto namin ang kanyang carrier single na Hanggang Tingin na siya mismo ang sumulat.

He also composed two other cuts, ang Ligaw Na Damdamin at Sa Piling Ko.

Tapos may revivals siya ng classic rock songs na Somebody, Be My No. 2 at Beauty and Madness na bumagay nang husto sa kanyang boses.

Sa kasalukuyan ay busy siya sa mall tour at pinaghahandaan din niya ang first musical stageplay na Spring Awakening with Agot Isidro na ipapalabas na sa Sept. 25 sa RCBC Theater.

Naintriga lang kami nang dumating si Janna Dominguez sa kanyang party-album launching sa Techno Wave Bar at sweet na sweet sila sa isa't isa. Sila na kaya?

Pakisagot Charlotte!

Source: Taliba