|
|
| Cesar, pagita-gitara na lang sa Bohol!![]() Author: Rey Pumaloy KUNG ang ibang kandidato ay ligalig at problemado pa rin hanggang ngayon, kalmado naman daw si Cesar Montano, kasama ang misis niyang si Sunshine Cruz, na naghihintay sa magiging resulta ng bilangan. Sa panayam namin kay Sunshine sa telepono kahapon, ikinuwento niya na panay lang ang pagtugtog ng gitara ni Cesar. At panay rin daw ang pakikipaglaro nito sa kanilang mga anak, at pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan sa Bohol. At si Sunshine naman, wala raw siyang ginawa kundi ang kumanta nang kumanta. "Ipinaubaya na lang namin sa Diyos ang lahat. Kung ano ang gusto ng Diyos para kay Buboy (Cesar) tatanggapin namin. "Noong pumasok sa eleksyon si Buboy, ipinaubaya na talaga namin sa Diyos ang lahat. Kaya nga ganito kami ngayon, na kampante lang, at hindi kami napi-pressure, at hindi kami natatakot na maghintay sa resulta. "Kumbaga, hindi na namin pinipilit ilagay sa utak namin na kailangan manalo si Buboy," kuwento ni Sunshine. Sa ngayon, hindi raw muna inilalagay ni Cesar sa utak niya ang paghawak ng posisyon sa gobyerno. Mas mahalaga raw na magpahinga na lang muna sila ngayon. "Ang focus muna naming mag-asawa ay ang mga anak namin, at makasama ang mga anak namin," sabi pa ni Sunshine. "Pero siyempre, babalik si Buboy sa showbiz, dahil ito naman talaga ang buhay niya, o buhay namin." Teka lang, matutuloy pa ba ang pagpapagawa nila ng bahay ni Cesar? "Oo naman! Hindi naman namin ibinigay ang personal savings namin sa kampanya. May nakalaan para sa bahay. Gaya nga nung sinabi ko, natigil lang ang construction dahil naging busy kami ni Buboy sa kampanya," natatawang sabi ni Sunshine. Sabi pa ni Sunshine, hindi rin nila ginamit sa kampanya ang naipon nila para sa future ng kanilang mga anak. "Hindi talaga namin ginalaw `yon. Kung may inilabas man kaming pera, hindi `yon ganu`n kalaki," sambit na lang ni Sunshine.� *** Suportado ni Piolo Pascual ang buhay pag-ibig ni Regine Velasquez. Sabi nga ni Piolo, kung saan o kung kanino (kay Ogie Alcasid man) maligaya si Regine, susuportahan niya ito. Pero,paglilinaw ni Piolo, ayaw niyang makisawsaw sa isyu kina Regine at Ogie. Wala rin naman daw siyang alam kaya wala siyang karapatang magbigay ng kuwento o detalye tungkol kina Ogie at Regine. Sa kaso ni Piolo, sinabi niya na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang girlfriend. Sa launching nga pala ng soundtrack album ng Paano Kita Iibigin?, sinabi ni Piolo na hindi sinadya ni Regine na makagat ang labi niya. Kuwento ni Piolo, nagkabanggaan lang daw ang kanilang mga labi kaya hindi sinasadya na nakagat ni Regine ang labi niya. Nakakatuwa lang si Piolo, dahil hindi niya matandaan kung bakit sila nagkabanggaan ni Regine. Ang alam lang niya, basta naramdaman na lang niya na may sugat siya sa labi. Pero, puri ni Piolo kay Regine, malambot at masarap daw humalik si Regine. "Inalalayan nga niya ako sa kissing scene namin," nakangiting sabi pa ni Piolo. Siyanga pala, kinailangang magtanggal ng mga eksena na naghahalikan sina Piolo at Regine sa Paano Kita IIbigin?, dahil sumobra raw ito sa dami. Baka raw magsawa na ang mga manonood sa sangkatutak na halikan nila. *** Nakakaloka, dahil hanggang sa pag-aayos ng bulaklak ng babae ay pinasok na rin ni David Bunevacz, ang mister ni Jessica Rodriguez. Kamakailan nga ay inilunsad ng Beverly Hills 6750 ang pinakabagong beauty enhancement procedure na tinawag nilang Laser Vaginal Rejuvenation. Kasabay rin nito ang paglulunsad ng isang injectable procedure para pa rin sa bulaklak ng babae. Aba, alam na alam ni David ang detalye ng mga naturang proseso. Iisipin mo nga na hindi siya isang atleta noon, dahil mukha talaga siyang doktor o beauty specialist. Sabi ni David, bilang presidente�at CEO ng Beverly Hills 6750 Cosmetic Surgery and Skin Institute, kailangan niyang malaman at pag-aralan ang lahat para sa kanilang mga kliyente. Samantala,�sumalang na sa surgical, dental at dermatological procedures ang tatlong finalist ng Ms�Ugly�(No More) na sina Maria Luisa Ramos, Maria Lourdes Martillo Victorioso, at Jeralyn Escorel. Sa July na gaganapin ang coronation night nila. �������������������������������������������� *** MALUNGKOT si Maureen Larrazabal ngayon dahil nag-cool off sila ng boyfriend niya na isang guwapong modelo at negosyante. Nang makausap namin si Maureen, ramdam na ramdam namin ang lungkot niya dahil nangungulila siya sa kanyang boyfriend. Sa kuwento ni Maureen, nag-cool off sila ng lalake dahil hindi pa raw siya handa na magpakasal sila. Kumbaga, niyayaya na kasi siya ng lalake na magpakasal na sila, pero hindi nga siya pumayag. Sabi pa rin ni Maureen, wala pa raw siyang lakas ng loob na iwanan ang kanyang showbiz career. Aba, dalawa ang show niya ngayon sa GMA 7, ang Pati Ba Pintig Ng Puso, at Bubble Gang. Sabi pa rin ni Maureen, gusto pa niyang ma-enjoy nang husto ang kanyang career. Ayaw rin daw niyang magpakasal na wala siyang pera. Kumbaga, gusto rin muna niyang makapag-ipon ng malaki-laking pera bago lumagay sa tahimik. Pero, aminado pa rin si Maureen na mahal pa rin niya ang lalake. Madalas pa rin daw niya itong nakikita, dahil madalas din itong dumalaw sa dalawa nilang adopted kids. Hindi raw puwedeng ipagkait ni Maureen ang dalawang bata dahil nakapangalan ang mga ito sa nasabing lalake. Umaasa si Maureen na sana ay pagtiyagaan pa siya ng kanyang boyfriend. Kumbaga, maisip ng boyfriend niya na sa kasal din naman sila mauuwi, kaya okey lang na maghintay na muna ito kung kailan siya handang-handa na magpakasal. Hiling din ni Maureen na huwag munang makahanap ng ibang babae ang mahal niya.� Source: Abante |