Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cesar tinanggap ang hamon ni Richard

Author: Vinia Vivar

May sagot si Cesar Montano sa mga pahayag ni Richard Gomez recently tungkol sa hamon niyang maglaban sila sa loob ng ring.

Matatandaang noong nagsisimula pa lang ang Pinoy Mano Mano: The Celebrity Boxing Challenge ni Buboy sa ABS-CBN, nagpahayag ang aktor na hinahamon niya si Goma sa boxing.

Kamakailan ay sumagot naman si Richard sa hamon ni Buboy at anang asawa ni Lucy Torres, hindi niya ito tinatanggap.

"Hindi naman ako boxer, eh," Goma was quoted to have said. "Siguro kung sa ibang larangan, tulad ng fencing o target shooting, tatanggapin ko," sabi pa ng aktor.

Sa nakaraang presscon ng Pinoy Mano Mano, nahingan ng pahayag si Buboy tungkol sa sinabing ito ni Goma at narito naman ang kanyang pahayag.

"Sabi nga niya, hindi siya nagba-boxing. Eh, ako rin naman, hindi nagpi-fencing. Pero, tinatanggap ko ang hamon niya kahit ano pa 'yun. Kahit pitik-bulag o piko, tatanggapin ko basta tanggapin din niya ang hamon ko na mag-boxing kami. "

So, exchange deal pala?

"Yes. Pero, for a good cause naman ito at walang personalan. Gusto ko lang linawin na hindi ko siya hinahamon dahil gusto kong makipag-away sa kanya. Hindi po ganu'n," say pa ni Buboy.

Kaso, hindi namin alam kung magma-materialize pa ang hamunan ng dalawa dahil patapos na ang Pinoy Mano Mano.

In fact, sa Sabado (December 15) na mapapanood ang huling duwelo sa programa.

Sina Rico Robles at Jordan Herrerra ang natirang dalawang matibay na celebrity boxers, kaya sila ang nakatakdang magharap sa Sabado. Kung sino ang mananalo sa kanila, 'yun ang tatanghaling Hari ng Ring.

* * *

Last Monday night, nagharap na nga si Valerie Concepcion kasama ang manager na si Becky Aguila at si Manny Pacquiao.

All's well that ends well sa pagitan ng magkabilang kampo dahil maayos na natapos ang usapan at nagkasundong tatanggalin na ang kontrobersiyal na kissing scene nina Val at Pacman sa Metro Manila filmfest entry na Anak ng Kumander.

Nagpaliwanag si Pacman na hiyang-hiya siya kay Valerie sa nangyari at bilang producer, hindi niya alam na may verbal agreement si Tita Becky at ang direktor ng movie na si Jose "Kaka" Balagtas na no kissing scene for Val.

Nakausap din namin ang People's Champ at aniya, kahit producer siya, dumarating siya sa set bilang artista na sinusunod lang ang utos ng direktor.

Nilinaw din ng kontrobersyal na boksingero ang tungkol sa diumano'y text message ni Jinkee Pacquiao kay Valerie.

Ipinakita ng young actress sa kanya ang number ng texter at ani Pacman, hindi iyon ang mobile number ng asawa.

"At saka, kilala ko po ang asawa ko, hinding-hindi niya magagawa ang bagay na 'yan. Ang gumagawa lang niyan ay mga walang pinag-aralan," sabi pa ni Manny.

Hindi rin daw niya alam kung bakit sila na-link ni Valerie gayung hindi naman sila nagkakausap nang madalas.

"Nagkikita lang kami sa shooting. Ni hindi kami nag-uusap sa cell phone. Kaya 'yung sinasabing ibinigay ko raw na bahay at kotse, saan galing 'yun?" tila nagugulumihanang tanong ng Pambansang Kamao.

Natutuwa raw siya't tapos na ang issue kay Ara Mina, pero heto naman at may bago na namang inuugnay sa kanya at pareho pang leading ladies niya sa pelikula.

Gayunpaman, nilinaw nina Pacman at Val na hindi ito gimmick para sa pelikula nila, tulad ng hinala ng ilan.

* * *

Paki ni katotong Jobert Sucaldito: Global Gateway Productions is looking for gay singers for a musical play to be staged early next year.

Auditions will be held tomorrow, Dec. 13, 1 to 6 p. m. , at J&G Rehearsal Studio, 56 Doña Hemady corner 8th Street, New Manila, QC.

Please bring resume, pictures, minus-one of fast and slow songs.

Source: People's Tonight