|
|
| Charice, natsugi sa Obama inauguration?Author: Jojo Gabinete “NASAAN ang pangalan ni Charice?” ang tanong ng mga kababayan natin na hinahanap ang pangalan ng young Filipina singer sa listahan ng mga performer para sa President-elect Barack Obama inauguration celebration na gaganapin sa January 18 (7 p.m. EST) at live na ipalalabas sa HBO. Inilabas ng Presidential Inaugural Committee ang listahan ng mga performer, pero wala ang pangalan ni Charice Pempengco Sina Jamie Foxx, Martin Luther King III, Queen Latifah at Denzel Washington ang nakatoka na magbasa ng historical passages at si Reverend V. Gene Robinson ang magbibigay ng invocation. Sa mga naghahanap sa pangalan ni Charice, maghintay tayo sa mga susunod na pangyayari o announcement dahil baka sa ibang presidential inauguration event siya kasali. Marami pa ang puwedeng maganap bago manumpa sa tungkulin si President-elect Obama. Source: Abante |