|
|
| Chavit Singson magpapabango ng pangalan sa pamamagitan ng pelikulaAuthor: Ed De Leon GAGAWA na naman daw ng isa pang pelikula tungkol sa buhay ni Chavit Singson. Sa pagkakataong ito, sinasabi ni Chavit mismo, na ilalabas maging ang tungkol sa kanyang love life. Definitely, ma-katutulong ang paggawa ng pelikula sa kanyang buhay para kahit na papaano ay ma-soften ang kanyang image na medyo nasira dahil sa sinasa-bing pambubugbog niya sa common law wife niyang si Che at sa boyfriend nito. Pero itinatanong nga nila, hindi ba may ginawa nang movie noon tungkol sa buhay ni Chavit at hindi naman kumita iyon? Hindi nga ba't sinasa-bing doon unang nakatikim ng flop si Cesar Montano? Pero siguro nga, ang talagang motibo ng pagsasapelikula ulit sa buhay niya ay para muling mapaganda ang image ni Chavit lalo na nga't ma-lapit na naman ang eleksyon. Walang duda na may ambisyong muling kumandidato si Chavit. Ang pelikula ay sinasabing isa sa mga pinakaepektibong material sa pangangampanya ng isang kandidato. At wise na propaganda material 'yan dahil kapag kumita ang pelikula niya, bawi ang kanyang pinuhu-nan sa pagpu-produce. Bukod doon, maga-gamit pa niya nang paulit-ulit ang pelikula tungkol sa kanyang buhay, at ka-launan ay maisasalin pa niya sa video. Napakalaking advantage talaga para sa isang pulitiko kung maisasalin sa pelikula ang kanyang life story. Kaya nga naisip iyan ni Chavit, at baka ng iba pang kakandidato rin next year. * * * UNFAIR naman yata para kay Imelda Papin iyong mga tsismis na kaya hindi natuloy ang concert niya sa buwan na ito na kasama si Melissa Manchester ay dahil walang bumi-bili ng tickets noon nila. Ang totoo, nagka-problema nga sila nang magdesisyon sila na mag-palit ng petsa ng kanilang concert. Kinailangan pa nilang magpaliwanag nang husto sa napaka-raming bumibili ng tickets sa iba't ibang outlets. Ang dahilan ng pagpapalit ng petsa ng concert nina Imelda Papin at Melissa Manchester, nagkaroon sila ng problema sa working permit ng ilang musicians na kasama sa production ni Melissa. Matutuloy ang concert nina Imelda at Melissa sa Dec. 18 sa Waterfront Hotel sa Cebu, at sa Dec. 19 naman sa PICC, Maynila. * * * NAPAG-UUSAPAN na rin lang si Imelda, naki-pag-appointment siya sa ilang press people sa isang coffee shop sa harapan ng Channel 7, sa Café Coeli. Pero kunsumisyon naman pala ang kumain sa coffee shop na iyon. Isipin ninyo, toasted bread lang inabot na ng dalawang oras, hindi pa isini-serve. Sa inis nga namin ipina-cancel na lang namin ang order na iyon. Nahalata namin na ang problema ay iyong pagiging inefficient ng mga serbidor nila. Source: Taliba |