|
|
| Child star, natulala nang makaharap si Juday!Column: Star Nga Ba? SEVEN years old na noong August 27 si Mikylla Ramirez, ang batang kahawig ni Juday. Sa party na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN last Wednesday, paulit-ulit na sinabi ni Mikylla na kaya siya pumasok sa showbiz ay dahil gusto lang niyang makita ang Ate Juday niya. "Idol ko po talaga siya. Friendly at beautiful po kasi si Ate Juday. "Nu`ng nagkita po kami sa ABS-CBN, tumawa po siya. Nu`ng nag-taping po kami noon para sa Krystala, natulala po ako nung makita ko siya. "Nu`ng nag-taping po ako ng Goin Bulilit, dumaan po siya sa studio namin at binati niya ako. Ang bait-bait po talaga niya," sabi ni Mikylla. Naniniwala si Mikylla na kahawig talaga niya ang kanyang Ate Juday. At sabi niya, alam niyang mahihirapan siyang maabot ang naabot ni Juday. "Pero, gagalingan ko na lang po. Sa ngayon po, hindi pa ako sikat." Ipinagmamalaki ni Mikylla na nakabili na siya ng cellphone with built-in camera, at pati ng kotse, mula sa kinita niya sa commercials at TV shows. "Lahat po ng gusto kong bilhin, nabibili ko po. Ang mommy ko po ang humahawak ng pera ko. Nag-party rin ako sa Jade Valley at ang dami ko pong bisita." Make-up na Barbie ang pinakagustong regalo na natanggap ni Mikylla sa kanyang birthday. Sa age niya ngayon, marunong na raw siyang mag-retouch. Plano ni Mikylla na maging doctor in the future. *** Pamilyar na ang lahat sa kantang Stay. Eh, di nga ba at paborito itong kantahin ngayon ng mga bagets. Madalas nga itong i-request sa mga radio programs, at lalo naman sa TV, dahil mayat maya ay hinihiling na pakantahin ang kumanta ng Stay. Ang bandang Cueshe ang kumanta ng Stay. Ang Cueshe ay galing sa Cebu, at nambulabog dito sa Maynila. Hindi nga sila nagkamali na magpunta sa Maynila para ipakita ang kanilang talent. Ang bumubuo ng bandang Cueshe ay sina Jay (vocals), Ruben (guitars and vocals), Mike (drums), Fritz (bass), Jovan (guitars) at Jhunie (keyboards). Ang Stay ay hango sa una nilang album na Half Empty, Half Full, na mula sa Sony BMG. Ang second single nila na Sorry ay kinagigiliwan na rin ngayon. Sigurado ako, dudumugin ng mga fans na bagets ang mall tour ng Cueshe, na magsisimula ngayong hapon (September 2) sa SM Fairview. Sa Sept. 9 naman ay nasa SM San Lazaro sila. Sa Sept. 23 ay nasa SM Manila, SM Bacoor sa Sept. 24, SM Dasmarias sa Sept. 25, SM Megamall Megastrip B naman sa Sept. 30. Lulubusin na nila ang mall tour kaya sa Oct. 1 ay nasa SM North Edsa sila, SM Southmall naman sa Oct. 9, Robinsons Starmills Pampanga sa Oct. 14, Robinsons Metroeast sa Oct. 15, Robinsons Imus sa Oct. 16, SM Marilao sa Oct. 22, Robinsons Place Manila sa Oct. 23 at SM Baguio sa Oct. 28. Sa tambak na schedule na gagawin nila ngayong Sept. at Oct., malaki ang chance ng mga fans nila na makapagpa-autograph. May chance din ang mga bumili ng album nila na manalo ng Mossimo, GBX and Mobile Myx. Para sa mga gustong mag-download ng ring tones ng Cueshe, mag-text lang MYX Stay or MYX Sorry para sa monotones at MYXPT Stay or MYXPT Sorry para sa polytones at ipadala sa 2366. So, ano pa ba ang hinihintay niyo? Source: Abante |