|
|
| Christine Jacob balik sa pagiging TV hostAuthor: Noel Asiñas NALOKA si Christine Jacob sa reaction ng kanyang husband nang sabihin ni-yang ang title ng kanyang bagong TV program ay Full Time Moms sa QTV11. Sabi raw ng husband ni-ya, sa pagtatrabaho niya bilang TV host, ibig sabihin ay palagi siyang magti-taping para sa show. Papaano raw siyang magiging full time mom? Natawa lang si Christine sa kanyang husband na busy naman bilang breadwinner ng kanyang pamilya na may limang anak. O, yes, kahit late nang nag-asawa si Christine ay biniyayaan naman siya ng lahat ay healthy kids. Ani Christine: "Masaya ako sa piling ng mga anak ko. I love kids. Kaya gusto ko pang masundan ng isa pang anak ang bunso ko ngayon. Dahil sa age ko ngayon, isa na lang, tama na. I enjoy playing with them. Laging may oras ako sa kanila. After school ka-mi naglalaro ng mga bata. Puwede kaming mag-swimming at mag-ball games. "Ang exercise ay may malaking naitulong sa akin para ma-maintain ang fi-gure ko. Kahit may limang kids ako, talagang dedica-ted ako sa execise. " Kahit makukulit kung minsan ang mga bata, maru-nong magdisiplina si Christine. Bukod pa rito'y siya ang naghahatid sa mga bata sa school tuwing umaga. Tapos, kung maluwag pa rin ang sked niya'y siya rin ang sumusundo sa mga bata. Gusto niyang mga bata ay nasa school. Kapag walang kaguluhan sa bahay, gi-nagawa naman niya ang ibang bagay para sa kanyang pa-milya. Mahilig din siyang mag-shopping o maggroceries para sa pamilya. Minsan ang pagsa-shopping ang kanyang escape kung may mga balakid sa kanyang buhay. Sa bagong show niyang Full Time Moms, mara-ming matututuhan ang mga mothers na manonood. Magsisimula ang programa sa Oct. 12. May mga celebrity moms na bibisita, may mga expert silang kausap at may games pa silang gagawin para sa kanilang panauhin. * * * KABALIKTARAN naman ang co-host ni Cristine Jacob na si Suzi Entrata -Ab-rera. Tigil muna siya sa pagbubuntis pagkatapos na mag-anak ng tatlong sunud-sunod na lahat ay babae. Ani Suzi: "Parehong wish namin ni Paolo (Ab-rera, husband niya) na mag-karoon ng anak na lalaki. Gusto ko pa naman na mag-kababy pa muli. Pero, mahi-rap pala ang sunud-sunod na anak. Mahirap magpa-laki at magdisiplina. Mis-mo ang asawa ko ang sumu-suko. Kasi, nag-aalaga rin siya ng bata kapag siya'y walang taping o business na ginagawa. " Basta si Suzi ay inilalaan niya sa mga bata ang weekends para makapiling niya. Hindi siya tumatanggap ng trabaho sa weekends. Gusto niyang magkaroon ng bon-ding sa mga anak. Nagluluto siya para sa pamilya. So far, okay ng schedule pa ni Suzi sa kanyang tra-baho. May daily siyang Unang Hirit, tapos ang ta-ping ng Full Time Moms ay twice a week lang naman. Kaya may panahon pa siya sa ibang trabaho niya. * * * MASARAP abangan ang Celebrity Duets ngayong Sabado dahil may kakaibang gagawin ang mga participants na celebrities. Aba, first time na maghuhubad sa show ang model-turned-actor na si Akihiro Sato. Ayon sa production source namin, ang boxing champ na si Nonito Donaire naman ay magpapakitang gi-las sa pagsasayaw. Ipu-prove niyang marunong din siyang sumayaw, bukod sa maipagmamalaki na ring ma-galing kumanta. Sa totoo lang, sa lahat ng contestants, para sa amin, may karapatan kumanta si Nonito. Mala-Jay-R ang kanyang boses. Tamang kan-tahin ang Rand B songs. Ayaw pang sabihin ng kausap namin kung ano ang gagawin ng ibang contestants. Basta, abangan lang pagkatapos ng Pinoy Re-cords. * * * NAKAKA-EXCITE ang Pinoy Records dahil first time nila ipi-feature ang Celebrity Dare portion na ang tampok pa ay si Bearwin Meily para sa kanyang pagiging escape artist nga-yon. Gagawin niya ang kahindik-hindik na water tank escape na nakakataas balahibo. May Celebrity Challenge pa rin, tampok ang Crocodile Challenge na magtutunggali sina LJ Reyes at Cherry Kubota. Tapos, nan-dyan pa rin ang inaabangang Pinoy Extreme Talent na maglalaban ang foot juggler, robotic kid, ball spinner, at trumpo king. Hosted ng programa si-na Manny Pacquiao at Chris Tiu. * * * MULI na namang magpapasikat sa pagpapayo hinggil sa pag-ibig sina Mr. Cari-ñoso at Mr. Shivaker. Walang sawang payo ang gagawin ng dalawa dahil bu-ong cast ng dalawang bagong soap ng GMA7, ang Tinik sa Dibdib at Kaya Kong Abutin ang Langit ang da-rating sa show. Siyempre, manood ka-yo at magtxt at tumawag pa-ra manalo ng P10,000 worth of groceries. Mapapanood ang Cool Center sa Saturday night, pagkatapos ng Imbestigador. * * * 'DI live in sina Jay-R at Krissa Mae. In fact, di pa rin umaamin si Jay-R na may relasyon sila ni Krissa Mae, hanggang close friends at steady dates lang silang dalawa. Nang nakausap namin si Jay-R sa set ng Dear Friend sa Los Baños, Laguna, na-sabi niyang ang kasama niya sa bahay ngayon ay ang friend niyang singer sa Los Angeles na si Chris Law-rence, ang dating syota ni Katrina Halili. Basta, masaya si Jay-R sa kanyang lovelife at career. Binigyan siya ng bagong drama series ng GMA via 3 Bachelors ng Dear Friend. Kasama niyang bachelors sina Mart Escudero at Paolo Avelino. Ka-love team naman ni-na Jay-R at Mart sina Kyla at Jennica Garcia, respectively. Walang ka-love team si Paolo, lalabas siyang black sheep sa kanilang pamilya. Very challenging role ito sa binata. Simulang ipalalabas ito sa Sunday, pagkatapos ng SOP. Source: Taliba |