|
|
| Christmas at New Year wish namin for Dingdong-Karylle, Paolo-Isabel at Hayden-VickiAuthor: Dennis Aguilar SA celebrity lovers natin, tatlong pareha ang na-lungkot at tanging 'unan'ang nakayakap nila nitong Pasko ng gabi. Wala na kasi ang loves nila na nagpapainit sa ka-nila tuwing sumasapit ang malamig na Pasko. Ang tatlong pareha ay sina Paolo Contis-Isabel Oli, Dingdong Dantes -Karylle, at humabol naman ang magdyowang ala-May December affair na Dr. Vicki Belo-Dr. Hayden Kho. Ang nabanggit na celebrity couples ay siguradong nakaranas ng Blue Christmas nitong Kapaskuhan. Marami ang naghihina-yang sa relasyong Paolo-Isabel. Natatandaan pa na-min, tuwing iinterbiyuhin namin si Isabel, lagi niyang pinupuri si Paolo. Mabait daw ito. Ito raw ang lalaking pakakasalan niya dahil compatible sila sa lahat ng bagay. Kilala na raw sila ng kani-kanilang pamilya. Pati raw ang mga kamag-anak niya sa Cebu, botong-boto na kay Paolo. Walang bukambibig noon si Isabel kundi si Pao-lo. Ipinangako pa nga niya sa press na kay Paolo siya pakakasal dahil mahal na mahal niya ito. Pero, ang paghangang iyon ni Isabel sa kasintahan ay biglang nanlamig, hanggang sabihin niyang hindi na raw sila magkasundo kaya maghihiwalay na lang sila. Pati kami ay nanghina-yang sa naunsyaming pagmamahalan ng dalawa? Sino ba naman ang magsasabi na mauuwi sa hiwalayan sina Dingdong at Karylle? Tatlong taong singkad din ang itinagal ng kanilang relasyon. Sobrang init ang kanilang pagmamahalan sa loob ng mahabang taong iyon. Nagkasundo sila na walang selosang mamama-gitan sa kanila at nangyari naman iyon ng ilang taon. Nagtiis si Karylle kahit ma-sayang-masaya sa kalabtim na si Marian Rivera si Dingdong. Nagsabi pa ang dalawa na hindi sila puwedeng paghiwalayin ng intriga. Pero, nagulat ang lahat nang isang araw ay nag-anunsyo si Karylle na wala na sila ni Dingdong. Si Ma-rian Rivera ang itinuturong dahilan ng break-up ng da-lawa. Kahit nasa isip ni Ka-rylle na si Marian ang da-hilan ng panlalamig sa kanya ni Dingdong, pero ngiti lang ang isinasagot nito sa mga nang-iintriga. Pero, kahit naging ma-lamig ang kanyang Pasko, naging mainit naman ang pagtanggap sa kanya ng ABS-CBN bilang bagong Kapamilya. Ang latest at humabol sa hiwalayan blues ay ang couple na sina Dr. Vicky Belo at Dr. Hayden Kho. Hindi na nila pinaabot ang Pasko. Kung kailan sumikat bilang singer, actor at endor-ser si Hayden, saka naman siya hiniwalayan ni Belo. Ang matinding rason umano ni Vicki ay ang 'affair' ni Dr. Hayden ki-na Rufa Mae Quinto at kapareha niya sa isang bold pictorial, ang sexy actress na si Katrina Halili. Nasa U. S. ngayon si Belo at ginagamot ang nasaktang puso. Kinuha na ni Dr. Belo ang condo at sasakyang bi-gay niya kay Hayden at ngayo'y nasa bayan nito sa Marinduque ang pa-mosong doctor/ singer-turned actor. Kahit malaki ang ag-wat ng edad ni Vicky kay Hayden, hindi ito naging hadlang sa kanilang pag-ibig noon. Ngayong hiwalay na sila, ituloy pa kaya ni Hayden ang kanyang showbiz career? Ang Christmas at New Year's wish namin o maaa-ring ng fans para kina Paolo at Isabel, Dingdong at Karylle, Vicky at Hayden, sana ay matagpuan nila ang tunay na pag-ibig sa 2009. Source: Taliba |