|
|
| Christmas party ni FG sa press bonggang-bonggaAuthor: Joferd Nievera TAMA si Boy Abunda na hindi pa nga big star si Marian Rivera lalo't hindi naman tinangkilik nang husto ng moviegoers ang kanilang nakaraang pinagtambalang pelikula ni Dingdong Dantes. Mukhang sa telebisyon lang kinakagat ng mga tao ang hottest loveteam ng Kapuso network. Sa tingin din namin, marami pang dapat patuna-yan si Marian at hindi pa niya nakamit ang narating dati ni Angel Locsin noong nasa GMA-7 pa ito. Hindi lang kasi sa telese-rye ng Kapuso network naging patok ang syota ni Luis Manzano kundi dinudumog din maging ang kanyang naging mga pelikula. Lalo ngayong si Marian ang itinuturong dahilan ng hiwalayan ng dating mag-kasintahang Karylle at Dingdong kaya bumaba ang pagtingin sa kanya ng mga tao. Hula tuloy ng mga kasamahan namin sa showbiz ay hanggang 2008 lang ang popularidad ni Dyesebel. Kaya gaya ng hula ng economic analysts na magkakaroon ng economic slowdown, magkakaroon din daw ng slowdown sa popularidad ni Marian si-mula sa first quarter ng 2009. Kung hindi raw ito magagawan ng paraan ng Kapuso network, malamang mauwi sa paglubog ang kasikatan ng mestisang aktres. * * * TAUN-TAON ay hina-handugan ni First Gentleman Mike Arroyo ang mga miyembro ng SUGAR ng bonggang Christmas party. Gaya ng nakaraang taon, ginanap ito sa The Pit, isang dinudumog na resto bar sa tabing dagat ng SM Mall of Asia. Sa sobrang trapik noong Biyernes ng gabi kaya na-late kami at hindi umabot sa pa-raffle. Pero sa generosity ng chief of staff ni Atty. Mike at pangulo ng FG Foundation, Inc. na si Ms. Juris Soliman at tauhan nitong si Ms. Minerva Salvador, ina-butan pa rin kami ng minor prize. Samantalang ang aming entertainment editor dito sa People's Taliba at pa-ngulo ng SUGAR na si Butch Roldan ay pinalad na maiuwi ang major prize na isang 21"colored TV. Ayon nga kay Ka Fundy Soriano, founder ng SUGAR at isa rin sa nag-asikaso sa party, napilitang umalis sa gobyerno bilang undersecretary si Ms. Juris dahil sa rami ng sabay-sabay na mga pro-yektong isinasagawa ng FG Foundation. Bilang pangulo ng nasabing foundation, siya ang na-mamahala sa lahat ng proyekto na may kinalaman sa pagtulong sa mga pasyenteng mahihirap, operasyon sa mga may sakit sa puso, scholarship para sa mga doktor na pinag-aaral ng FG Foundation at marami pang iba. Ibinalita rin ni Ms. Juris na nagsimula na ang proseso sa pagpili ng mga bubuo sa Batch 4 ng "Bagong Doktor Para sa Bayan" scholarship program ng FG Foundation. May kabuuang 38 scholars ang pipiliin ng foundation para makumpleto ang nais ng Unang Ginoo na 100 doktor para sa programa pagsapit ng taong 2010. Tama ka, Ka Fundy, sa kabila ng pagiging workaholic ni Ms. Juris ay seksing-seksi pa rin at may asim pa, pero mayroon kaya siyang lovelife? Ito ang maintrigang katanungan ng aming bosing sa SUGAR, samahan ng mga showbiz editors and columnists na sumusuporta sa proyekto ng mahal na Pa-ngulong GMA at kabiyak niyang si Atty. Mike Arroyo. * * * LALAYASAN ng magka-patid na Robin at Ram ang kanilang inang si Pops Fernandez ngayong Kapaskuhan dahil sa piling ng kanilang amang si Martin Nievera sa U. S. sila magpa-Pasko. Matagal na kasing panahon na hindi nakakasama ng concert king ang mga anak kaya ito ang naging kahilingan sa dating asawa, ang makasama ang mga ito ngayong Pasko. Actually, maging ang magkasintahang Pops at Jomari Yllana ay kinumbinsi rin ni Martin na makasama sila ngayong Pasko sa America, pero sa sobrang busy ng dalawa ay tumanggi silang sumama. Kaya malungkot si Pops ngayong Christmas dahil aalis ang mga anak. Pero sinabi naman ng concert queen na babawiin na lang ang kalungkutan sa pi-ling naman ng anak ni Jomari Yllana kay Aiko Melendez na si Andrei. Source: Taliba |