Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Chynna pinalitan si Iwa

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

MATUTUPAD na rin ang pangarap ni Klaudia Koronel na magpakasal ng simple at solemn na seremonya.

Nabatid namin ito mismo kay Klaudia nang dumalo ang aktes sa anniversary party ng isang tabloid sa National Press Club last Friday.

Ayon kay Klaudia, ika-kasal siya sa August 28, alas-4 ng hapon, sa Central Church ng Iglesia Ni Kristo sa Commonwealth Ave. , Quezon City.

Almost 10 years na rin kaming hindi nagkita ni Klaudia pero napansin na-ming halos wala siyang ipi-nagbago.

Naroroon pa rin ang angelic face na hinangaan ng libu-libong male fans noong kanyang kasikatan at bida sa ilang sexy movies ng Seiko at Regal Films.

Parang hindi tumatanda si Klaudia at fresh pa rin ang beauty niya.

Halatang maalwan siya ngayon sa buhay, patunay na hindi siya bulagsak sa kanyang mga kinita.

Nang hindi na siya aktibo sa showbiz ay inatupag niya ang pag-aaral at nakatapos ng Computer Science course noong 2005 sa New Era University.

Huli siyang napanood sa controversial movie niyang Live Show na umani ng batikos at papuri sa Berlin International Film Festival noon.

Pagkatapos ng ilang taong pagkawala sa showbiz scene, nagbalik ang aktres para ianunsiyong magpapakasal na sa isang successful IT businessman from Atlanta, USA na si Andy Zhang.

Ang pangunahing ninong sa kasal ng dalawa ay si Senador Miguel Zubiri na isang private affair dahil tanging ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan ang invited.

Nagkatagpo sina Klaudia at Andy nang magbukas ng sariling website si Klaudia bilang thesis niya para sa kanyang kurso.

Through Friendster at e-mail lang ang kanilang communication at matagal bago sila nagkita nang personal.

Pero maganda ang ibinu-nga nang makilala ni Klaudia ang magiging asawa dahil nakagawa si Klaudia ng tatlong websites catering to Filipinos, lalo na ang OFWs.

Ito ay ang mabu-haycity. com; bahay-tala-an. ph at roommate. ph.

Nakakatulong nang husto ang mabuhaycity. com sa OFWs dahil kasi puwede silang makapag-chat sa website.

Samantalang ang bahay-talaan. com ay para sa mga Pinoy o foreigner na gustong kumuha ng condo, bahay o lupa sa Pilipinas o sa ibang bansa.

Habang ang roommate. ph ay para sa working at estudyanteng Pinoy na gustong magkaroon ng roommate para maging magaan sa kanila ang pagbabayad ng inuupahang bahay.

Isa si Klaudia sa magandang halimbawa ng sexy actress na naging matalino sa paghawak ng kanyang kinita matapos mamayagpag sa pagiging sexy actrress.

* * *

PAPASOK na sa Adik Sa 'Yo si Chynna Ortaleza bilang bagong kontrabida sa buhay nina Karen (Jennica Garcia) at Joana (Jolina Magdangal) .

Magpapakilala si Chynna bilang anak ng katulong na nabuntisan ng kanilang ama na ginagampanan ni Joey Marquez.

Eh, ayaw tanggapin ni Joey na anak niya si Chynna kaya maghihiganti siya kina Jolina at Jennica.

Magkakasama sina Jennica at Chynna sa isang fastfood chain kasi magtatrabaho na si Jennica dahil purdoy na ang pamilya nila.

Ang aangat ang buhay ay si Ruben (Dennis Trillo), kasi pinautang siya ng puhuhan ni Madam F (Eugene Domingo) nang malaman ni Madam F ang pagmamaltrato ni Elizabeth Oropesa kay Ruben dahil sa pag-ibig kay Karen.

Pinalitan Ni Chynna si Iwa Moto sa Adik Sa 'Yo.

Nawala si Iwa sa soap dahil lumipat sa Darna bilang si Valentina.

* * *

ASAHAN na laging nakahubad ang host ng OC to the Max na si Paolo Contis.

Bumagay naman ito sa image ni Paolo dahil hunk siya ngayon, huh.

Bukod sa pagbabagong image ng host, lagi pang on the move si Paolo.

Mapapanood ang OC pagkatapos ng Cruel Love.

* * *

MAS masarap panoorin ang Wow, Hayop ngayong Miyerkules ng gabi dahil magkakaroon ng elimination ng mga aso para sa reality show na Greatest American Dog.

Ito rin ang pagkakataong mapanood ang aso at ang kanilang amo.

Ang magpartner na Tilie at Bruno, na ginagampanan nina Jose Manalo at Wally Bayola, ay magpapakitang muli ng kanilang tricks.

Sino kaya ang lalabas na aso sa kanilang dalawa?

Mapapanood ang Wow, Hayop pagkatapos ng Cruel Love.

* * *

ANG paboritong ospital ni Melanie Marquez kapag siya'y nanganganak noon, ang Dr. Fe del Mundo Medical Center, ay may aktibidad sa August 13 and 14.

Ito ang taunang activities ng Department of Pediatrics, ang pagkakaroon ng post-graduate course.

Para ngayong 2009, ang post-graduate course ay ang Raising The Bar in Pediatric Health na idaraos sa Quezon City Sports Club.

Para sa iba pang detalye puwedeng tawagan si Dr. Sandra Kison sa 712-0845.

* * *

Markahan ang inyong mga kalendaryo sa August 14 at 15 para sa pinakamalaki at pinakamaningning na celebrity bazaar na pangungunahan ng sikat na bida ng teleseryeng Only You at ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

May pagkakataon kayong makasama sina Angel Locsin, Diether Ocampo at Sam Milby sa two-day celebrity bazaar mula 9 am hanggang 10 pm sa PDA Hall, Lopez Drive (tapat ng ABS-CBN Foundation Building).

Maraming mapagpipiliang mga kagamitan mula sa inyong mga paboritong stars, pati vintage movie posters, props at iba pang Only You collectors item, na garantisadong dudumugin ng fans habang papa-lapit na ang pagtatapos ng matagumpay na teleserye sa Dos!

Source: Taliba