|
|
| Ciara, 'di nagpatalbog kay Heart!![]() Author: Jun Nardo HINDI nagpatalbog si Ciara Sotto sa FAMAS best actress na si Heart Evangelista nang kunan ang mga eksena nina Sharon Cuneta at Heart sa Mano Po 6: My Mother na nagtatarayan! Kahit na nga reaction shots lang ang eksena ni Ciara, ramdam na ramdam daw ang emosyon niya sa role na unwanted child ng megastar. “Ang galing-galing ni Ciara! Kahit wala siyang dayalog, sumakto ang akting niya sa eksena!” sey ng nakapanood ng shooting. Eh, very professional pa raw sa set ang anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa dahil never nali-late sa call time. Pati mga damit at alahas, pabulosang lahat. Sabi ng nakaaalam, with Helen G as her real mother, hindi papayag itong madehado ang kanyang bunsong anak sa pagiging sosyal, huh! Biggest acting break ni Ciara ang MP6 dahil 'yung mga nagawa niyang movies noon ay hindi ganoon ka-challenging. Besides, sa singing siya nahasa kaya naman nang siya ang piliing lumabas bilang isa sa anak ni Sharon, aba, ginulat lahat ni Ciara ang mga taong namamahala sa MP 6 maging si direk Joel Lamangan. Bukod sa eksenang aming nabanggit, kaabang-abang din daw ang eksena ni Ciara na inaaway si Dennis Trillo sa kotse na lumabas na boyfriend niya. Very true to life daw ang eksenang 'yon kaya walang effort mula kay Ciara! Ha! Ha! Ha! Anyway, isa rin pala sa firsts sa MP6 ay ang pagpapakita ng bahay sa Greenhills ni Mother Lily na renovated na. First dahil sa MP6 lang nagpa-shooting ang Regal produ sa mismong bahay niya na sa movie ay bahay ni Shawie. Worried na worried nga si Mother Lily dahil baka dikitan ng masking tape ng production staff ang interior ng house niya. Kahit na nga nagpabayad siya ng renta na P150,000.00, still, baka kulangin 'yon kung sakaling madumihan o magasgasan ang interiors na pinagpaguran niya, huh! Nakakasawa na rin ang pagpapa-girl ni Joel Cruz sa mga production numbers niya sa Celebrity Duets gaya last Saturday kasama si John Lapus. Hindi nakaka-businessman ang dating to think na first and foremost na ganoon ang drama niya bago napasabak sa show! Pre-taped naman ang kanta ni Gina Alajar na nasa States nu'ng pumasyal kami sa taping kaya wala kaming comment. Pero si Akihiro Sato, sing and dance na ang ginawa niya sa prod number nila ni Gino Padilla at hindi na nawala ang pagiging bungisngis niya, huh! Ay, may nawala pala kay Akihiro sa taping at 'yun 'yung pagiging basa ng suot niyang damit sa bandang kilikili, huh! Ha! Ha! Ha! Three weeks na lang at ending sa GMA 7 ng CD kaya i-text na ninyo sa limang celebrities ang favorite ninyong magwawagi ng isang milyong piso, huh!*** Hindi itinanggi ni Sen. Loren Legarda na nililigawan siya ng administrasyon upang maging bise presidente ng manok nilang si Secretary Gibo Teodoro. Sad to say, nagdeklara na si Sen. Legarda bilang vice president under her party, Nationalist People's Coalition, kay Sen. Francis Escudero na wala pang deklarasyon. Nu'ng Sabado nang gabi sa Luneta Park sa likod ng Rizal Monument nagpahayag si Sen. Loren ng intensyon niyang maglingkod sa bayan. That day, nagkaroon ng jobs fair at libreng gupit ang senadora sa kababayan natin. Nu'ng araw ring 'yon pinirmahan ni Pangulong Gloria Arroyo ang panukala niyang batas na The Climate Change Act of 2009. Kapag nagsimula ang filing ng candidacy sa buong buwan ng Nobyembre, malalaman natin kung ano ang final decision ni Sen. Legarda at kung mananatili ba siya sa NPC o papanig na sa administrasyon.*** Kahit may dinaramdam ang ina at kasalukuyang nasa ospital, nagagawa pa rin ni Roderick Paulate na harapin ang taping niya sa Rosalinda. Lalo ngayon at lumabas na si Paloma (Carla Abellana) bilang si Rosalinda, kaya si Dick bilang Florencio, makakadaupang-palad muli ang ala-alaga. Anyway, tonight sa Rosalinda, malalaman kung mapapatay ni Fedra (Katrina Halili) si Rosalinda dahil sa muli nilang pagsasama ni Fernando Jose (Geoff Eigemann.) Source: Abante |