Mar 15
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ciara, simple pero elegante

Author: Vinia Vivar

AS expected, super haba ang naging coverage ng GMA-7 sa Pacquiao-Marquez rematch kahapon dahil sa dami ng commercial.

Pasado alas-kuwatro ng hapon na natapos ang Pacquiao-Marquez: Unfinished Business, hitsura nang pasado ala-una pumasok ang main match.

Siyempre, alam na ng publiko na win si Pacman bago pa man natapos ang telecast.

Thanks to the AM radio stations and live screening sa mga sinehan.

Gaya ni Kyla, impressive rin ang naging pagkanta ng Las Vegas-based na si Ciara Sotto sa ating Pambansang Awit. Walang kaarte-arte at walang ka-pressure-pressure ang hitsura niya habang umaawit. Punumpuno ng confidence ang dalaga.

Simple pero elegante rin ang hitsura ng anak nina dating Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa sa Filipiniana gown.

Hindi naawat umeksena ang Pinoy Black Eyed Peas member na si Apl. d. ap, dahil talagang ipinakita pa ito sa stage, yapus-yapos si Pacman, bago nagsimula ang laban.

* * *

MABUTI na lang at nagbago ang isip ni Rochelle Pangilinan ng Sex Bomb dahil kung hindi, baka nag-asawa na rin ito at sumunod na sa mga kagrupong sina Weng Ibarra at Yvette Pabalan.

Ayon kay Joy Cancio, manager ng Sex Bomb, nagpaalam na si Rochelle sa kanya na hindi na magre-renew ng contract dahil gusto na ring mag-asawa.

Meron daw kasing non-showbiz guy na sobrang persistent at nag-o-offer ng marriage.

"Hindi naman daw niya boyfriend 'yung tao, lumalabas-labas sila and for a while, sila talaga 'yung laging magkasama. Eh, nag-offer na nga raw ng marriage at parang gusto nang tanggapin ni Rochelle.

"That time, papa-expire na 'yung contract niya sa akin ng January this year, so ang sabi niya, hindi na siya magre-renew," kuwento ni Joy nang makausap namin sa presscon ng Season 18 ng Daisy Siete.

Pero, kinausap daw niya ang alaga at pinaalalahanan na pag-isipang mabuti ang desisyon. Wala naman daw siyang tutol sakaling mag-asawa na ang members ng Sex Bomb dahil dito naman lahat papunta ang mga ito.

In fact, pinayagan nga raw niya sina Yvette at Weng dahil nasa tamang edad na ang mga ito.

Ang kanya lang naman daw ay advice, pero at the end, ang mga bata pa rin ang nasusunod kung ano ang gusto nilang gawin.

"Eh, si Rochelle, medyo na-realize niya siguro na hindi pa right time para mag-asawa. At saka, medyo nag-away sila nun'g guy that time hanggang sa mag-split na," kuwento pa ni Joy.

Ang ending, hindi na itinuloy ni Rochelle ang balak na pag-aasawa at sa ngayo'y nakapirma na naman ng bagong kontrata sa kanya.

Samantala, sina Yvette at Weng naman ay balik-Sex Bomb matapos manganak. Kasama na sila sa Season 18 ng Daisy Siete na Prince Charming and the Seven Maids.

Ayon sa dalawang ina, thrice a week lang ang taping ng serye at 'yung four days na matitira, ilalaan nila sa pamilya.

* * *

SA nasabi ring presscon ng Daisy Siete, kasama si Alma Concepcion sa cast and since nasa news ngayon ang ama ng kanyang anak, si Dodie Puno, dahil sa pagkaka-involve kay Gretchen Barretto, ito ang itinanong sa kanya.

Ayaw magbigay ng pahayag ni Alma tungkol sa rumored Gretchen-Dodie affair at anuman daw ang totoo rito'y out siya.

Matagal na raw silang wala ni Dodie kaya wala siyang business na makialam sa affairs nito.


Ang worry lang niya ay ang anak nila dahil siyempre, nadaramay din ito sa kontrobersiya sa ama.

"Mas showbiz pa nga sa akin si Dodie ngayon, eh," pagbibiro ni Alma, na ewan kung may bad meaning o wala.

* * *

NGAYON naipakita na ang transformation scene ni Angel Locsin sa Lobo, kaabang-abang ang mga susunod na episode dahil magkakaroon ng pagbabago sa buhay nila ni Piolo Pascual at kung paano ito makakaapekto sa pagmamahalan nila.

Sa mga susunod na kabanata rin makikita kung paano nila ipaglalaban ang pagmamahalan, kaya expect more heavy scenes.

Samantala, tuwang-tuwa naman sina Angel, Piolo at Shaina Magdayao sa warm reception ng mga Pinoy at TFC subscriber sa Dubai nang magtungo sila roon recently.

"Wala akong masabi nu'ng lumabas kami ng stage. Grabe, overwhelming ang feeling, mahal na mahal nila ang Lobo at ang mga show ng ABS-CBN, inilalapit daw namin sila sa mga pamilya nila rito sa Pilipinas.

"Kaya in that sense, nagpapasalamat kami at nagiging instrumento kami, nagiging inspirasyon sa mga Filipino dahil sa mga programang ginagawa natin.

"Ang Lobo, malaki ang faith namin sa project, na makakapagpasaya kami ng tao, makakapagbigay-aliw, makaka-inspire. Salamat din sa production at management, dahil hindi kami pinababayaan," sabi ni Piolo.

Source: People's Tonight