Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Claudine Barreto, handa nang harapin si Gretchen Barreto!

Claudine Barreto, handa nang harapin si Gretchen Barreto!

Author: Dondon Sermino
Column: Palaban 'To No!

KASABIHAN na malas ang araw na Friday the 13th at dapat na mag-ingat ang lahat. Pero, para sa ibang tao, suwerte sa kanila ang araw ng numerong 13, lalo na ang Biyernes, dahil masarap gumimik at palagi na natatapat sa suweldo.

Ngayong gabi (Friday the 13th), siguradong marami ang susuwertehin, dahil sa Undercover Uncut show na kung saan ay ilalabas ng mahusay na fashion designer ang�kanyang�Underwear Summer Collection sa isang bonggang fashion show.

Sabi ng mahinhing si Armando Fabia, buburahin niya ang paniniwala ng iba na mamalasin sila sa ganitong araw. Ang totoo raw, manghihinayang ka kapag hindi mo nakita ang mga brusko at seksing modelo na walang tatakot na rarampa na tanging maninipis at makikipot na saplot lang ang suut-suot.

Ang Undercover Uncut ay handog ng Double Diamond �02 Production, sa kooperasyon ng Ciboney Bar and Restaurant (602 Remedios Circle, Malate Manila). Ang ilan sa sponsors ng Undercover Uncut ay ang Epitome, Che�lu Bar and Grill at Jefz Caf� sing-along bar.

Para sa mga detalye, puwede kayong tumawag sa 551-7550 o mag-text kaya sa�0915-7435335/0927-2128318.

***

Todo-depensa si Bea Alonzo sa mga tsismis tungkol kay John Lloyd Cruz at sa ibang babae na nauugnay rito. Sabi ni Bea sa presscon ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin, pinaniniwalaan niya ang lahat ng sinasabi sa kanya ni John Lloyd, kahit taliwas pa ito sa isinusulat ng ibang movie press.

"Kung ano ang sinasabi niya sa interview, alam ko na `yon ang totoo. Dapat natin siyang paniwalaan," say lang ni Bea.

Kunsabagay, dapat lang na idepensa ni Bea ang leading man niya, dahil malaki ang obligasyon na ipinatong sa balikat nila ng ABS-CBN. Kailangan nga nilang patunayan sa lahat na sikat pa rin ang loveteam nila, kahit usung-uso ngayon ang mga telefantasya.

Dapat ding sabihin ni Bea na sobrang kampante na siya kapag si John Lloyd ang kaharap niya at magkasundung-magkasundo silang dalawa. At sabi pa ng isang manunulat, dapat talagang paniwalaan ni Bea ang lahat ng pambobola ni John Lloyd sa kanya, alang-alang sa mga tagahanga nila.

"Sobrang kumportable na talaga kaming dalawa, na nagbibiruan na kami at nagkukulitan na. Ang maganda sa amin, nakakapag-open na kami ng mga problema namin sa isa�t isa.

"At saka, never na nambola si John Lloyd. Napaka-sincere niyang tao," say pa rin ni Bea.

Hindi pa ba siya nililigawan ni John Lloyd? Hindi pa ba niya masasabing si John Lloyd na ang tamang lalake para sa kanya?

"Hindi pa natin alam kung sino ang right guy na `yon. Hindi pa dumarating ang kabanata na `yon sa buhay ko. Pero, masasabi ko na siya ang pinaka-close na guy sa akin, at kumportable na talaga ako sa kanya.

"Almost 4 years na kaming nagtatrabaho together, `di ba?"

Ano ang mangyayari kapag naglahad na ng pag-ibig sa kanya si John Lloyd? Maiilang ba siya?

"Ah, yeah! Pero nu`ng nag-show kami sa States, mas naging close talaga kami. Mas marami kaming na-discover sa isa�t isa," nakangiting say na lang ni Bea.

***

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakausap ni Claudine Barretto ang ate niyang si Gretchen Barretto, kaya patuloy pa rin ang pang-uurirat sa kanya ng movie press kung imbitado ba o hindi imbitado ang huli sa kasal nila ni Raymart Santiago sa 2006.

"I don�t wanna say that she is and I don�t wanna say she�s not (invited). I think, it is better na ako na mismo ang makipag-usap sa kapatid ko, kapag may oras, pag may chance, at maimbitahan ko siya.

"Ayokong lumabas na hindi siya imbitado o inimbitahan namin tapos hindi siya dumating. Honestly, it really hurts me, the way pa lang na lumalabas sa TV na hindi siya imbitado.

"Nasasaktan ako, dahil iniisip ko rin kung ano ang mararamdaman ng sister ko, `di ba? You know, it�s supposed to be a celebration, and then, parang may inaapakan kaming tao, na hindi lang basta tao, kundi sister ko pa, `di ba?

"I really would want to really go up to her para magkausap kami. I�m praying for it, I�m really praying for it, na makausap ko ang kapatid ko at masabi ko sa kanya na �Gretchen, I want you, I really want you to be there. If you can not make it, at least, I want Dominique (anak ni Gretchen kay Tony Boy Cojuangco) to be there.

"Kung hindi talaga siya puwede, sana kahit si Dominique makapunta, `di ba? Pero mas maganda kung pareho silang makapunta.

"But I really want, na sasabihin ko talaga sa kanya `yon kapag nakausap ko na siya. Hindi pa lang kami nagkakausap talaga. Wala pa kaming means of communication ng kapatid ko. But when the times come na meron na, right away, kakausapin ko talaga siya.

"Waiting lang ako ng tamang panahon," esplika ni Claudine.

Anyway, sa tipo ng pananalita ni Claudine ngayon, tila hindi na malayo ang posibilidad na maibalik ang magandang pagtitinginan nila ni Gretchen. Habang kinakausap kasi namin si Claudine sa taping ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin, naramdaman namin ang sinseridad niya makaharap at maimbitahan si Gretchen sa kasal nila ni Raymart.

Sana lang ay walang humadlang at maayos na talaga ang lahat. Mas masaya naman siguro na makapiling din si Gretchen ng kanyang tunay na pamilya, na nakasama niya sa pakikipaglaban sa buhay noon, �di ba?

Source: Abante