Oct 11
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Claudine Barretto bibigyan ng royal welcome ng Dos

Pagkatapos nang matagal na paghihintay, balik-TV na ulit si Claudine Barretto sa pamamagitan ng makapanindig-balahibong pagganap sa Maligno. Ngayong Abril, isang royal welcome ang handog ng ABS-CBN para kay Claudine at sa bago nitong proyek...

 

Claudine Barretto bibigyan ng royal welcome ng Dos

Column: Footloose
Author: Leo M. Bukas

Pagkatapos nang matagal na paghihintay, balik-TV na ulit si Claudine Barretto sa pamamagitan ng makapanindig-balahibong pagganap sa Maligno.

Ngayong Abril, isang royal welcome ang handog ng ABS-CBN para kay Claudine at sa bago nitong proyektong siguradong makakadagdag sa kanyang tagumpay bilang aktres -- ang TV adaptation ng isang Susan Roces classic, ang horror film na Maligno. Gagawin ng Dos ang royal welcome para patunayang si Claudine pa rin ang reyna ng kanilang primetime block.

Pagkatapos ng teleseryeng Walang Kapalit, pansamantalang nagpahinga si Claudine para makasama at alagaan ang kanilang anak ni Raymart Santiagao na si Rodrigo. Pero ngayon, nakahanda na siyang bumalik sa pag-arte.

Sa kanyang comeback project sa telebisyon, pagbibidahan niya ang TV remake ng Maligno, ang ikalawang paghahandog ng Sineserye Presents: the Susan Roces Cinema Collection.

Sari-saring papel na rin ang nagampanan ni Claudine sa kanyang mga teleserye. Sa pelikula, nagbida na rin siya sa block-buster horror film noong 2007 na Sukob. At ngayon, muling susubukan ang kanyang lakas sa Maligno.

"Excited talaga ko para sa show na ito. This is my first horror series on television. At mahirap talaga ang horror, yung kakaibang emosyon ng takot, napakahirap ipakita at ipadama ng ganon sa tele-bisyon. Kaya challenging talaga 'yung role na ito for me," ani Claudine.

Makakasama ni Claudine sa Maligno sina Diether Ocampo, Rafael Rosell, Kim Chui, Gerald Anderson, DJ Durano, Arlene Tolibas, Empoy at ipi-nakikilala si Carlo Lacana.

Reunion show rin ito Claudine nina Claudine at Direk Wenn Deramas.
* * *
Mas mature na ngayon ang loveteam nina Melissa Ricks at Matt Evans na nasubaybayan natin sa Pedro Penduko at Princess Sarah.

Napansin ito nang marami sa photo shoot ng kani-lang gagawing episode sa Your Song simula April 6.

Nag-iba rin ang itsura ng dalawa. Hindi ng nga namin nakilala si Matt sa bagong pictures na ipinadala sa e-mail namin kasi, hindi na kulot ang buhok niya.

Nagpakita na rin ng konting flesh si Melissa. Ready na rin kaya siyang mag-pose sa men's magazine?

Anyway, sa Your Song unang-unang makikita ang maturity ng dalawa.

"Excited kami sa project na to kasi kakaiba po talaga ang kuwento. Magkababata kami at nag-promise kami sa isat isa na magpapakasal kami pag tanda namin kaya lang nagkahiwalay kami nang matagal na panahon dahil nag-migrate ang pamilya ko sa States," kuwento pa ni Melissa.

Dahil feeling mature na si Melissa, pumayag siyang mag-two piece sa mga eksena nila ni Matt.

First time din nilang magkaroon ng kissing scene.

Ang kantang Sayang Na Sayang ni Sheryn Regis ang featured song sa Your Song nina Melissa at Matt.

Mapapanood ito sa April 6 under the direction of Manny Palo.

Source: Taliba