|
|
| Claudine Barretto, kinasuhan na ni Pat Marcelo!![]() Column: The Source NATULOY na kahapon ang pagsasampa ng kaso ni Patricia M. Marcelo laban kay Claudine Barretto. Si Pat ang nag-iisang anak nina Jo-Ann Maglipon (Executive Editor ng YES! Magazine) at Ding Marcelo, Sports Editor ng Manila Bulletin. Kasama ni Pat sa Quezon City Regional Trial Court ang kanyang ama at ang legal counsel niya na si Atty. Rowena Guanzon. Civil suit for damages for causing "serious anxiety and besmirched reputation" ang kaso na isinampa ni Pat laban kay Claudine. May kinalaman ang demanda ni Pat sa akusasyon ni Claudine na gumamit siya ng ibang apelyido at nagpanggap na cast member ng Marina para makunan si Claudine sa set ng dating programa ng ABS-CBN. Mahigpit na pinabulaanan ni Pat ang mga bintang ni Claudine. May mga ebidensya ang anak ni Jo-Ann (pink slip) na makapagpapatunay na nakatanggap siya ng suweldo mula sa ABS-CBN bilang participation niya saMarina. Nilinaw rin ni Pat na hindi siya nagpalit ng apelyido para ma-penetrate ang set ng Marina. Marcelo talaga ang kanyang family name dahil Marcelo ang apelyido ng tatay niya at Maglipon ang maiden name ni Jo-Ann. Bago pa nagsampa ng kaso si Pat, naunang nagdemanda ang kanyang ina. Pitong counts ng libel ang isinampa ni Jo-Ann laban kay Claudine sa ibat ibang korte sa Metro Manila. *** Nagkaroon kahapon ng hearing ang mga abogado ng MTRCB at ang mga representative ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Ipinatawag ng MTRCB ang ABS-CBN representatives dahil sa mga reklamo na natatanggap nila tungkol sa bagong reality TV show ng Star network. Kinumpirma ng isang MTRCB insider na nakatanggap sila ng napakaraming reklamo mula pa noong Martes. Lalo raw dumami ang complaint nang sabihin ni Cassandra Ponti (isa sa labindalawang contestants) ang salitang malibog at nang pag-usapan nila ang virginity at mga size ng kanilang private parts. *** Dinaramdam pa rin ni Jennifer Aniston ang paghihiwalay nila ni Brad Pitt. Sa article na inilabas ng Vanity Fair, inamin ng isang kaibigan ni Jennifer na nasaktan ito nang makita ang mga litrato nina Brad at Angelina Jolie na nagbabakasyon sa South Africa. Mabilis na naubos sa mga magazine stand ang Vanity Fair September issue. Si Jennifer ang cover girl at ito ang unang pagkakataon na nagsalita siya tungkol sa relasyon nila ng kanyang equally famous husband. Sinuwerte kami na makabili ng Vanity Fair pero P699 ang presyo nito kumpara sa regular price na P425. Ipinaliwanag ng salesclerk na British version ang Vanity Fair na kanilang ibinebenta kaya mas mahal ito sa American version. Kahit sang anggulo namin tingnan, walang ipinagkaiba ang British version sa American version ng nasabing magazine. Source: Abante |