Claudine Barretto, not switching networks Author: MJ Felipe Ang Optimum Teleserye Star na si Claudine Baretto ang pinakabagong endorser ng Belo Essentials. Kahilera na niya ngayon sina Regine Velasquez, Lucy Torres, ZsaZsa Padilla, Sarah Geronimo at Bea Alonzo sa lumalaking pamilya ng mga Belo Essential endorsers. Sa official launch ni Claudine, naikwento niya na karerecover lang niya mula sa kanyang pagkakasakit at ayon sa findings, bumaba ang count ng kanyang red blood cells na siyang sanhi ng pamumutla at panghihina ng kanyang katawan. Payo ng kanyang doktor, magpahinga at iwasang ma-stress at mapagod. Timing lang dahil kakatapos lang ng kanyang teleseryeng Iisa Pa Lamang. Pahinga na muna daw si Claudine ngayon at raratsada na lang muli sa pagpasok ng susunod na taon. Excited na siyang makipag-usap muli sa ABS-CBN management sa kanyang mga gagawing projects next year. Isang pagpapatunay lamang ito na hindi totoo ang mga bali-balitang lilipat na siya ng network. Wala daw dahilan para lumipat siya dahil maganda naman ang plano ng Kapamilya network sa kanya. In fact, isang pelikula ang gusto niyang gawin next year. Wala din naman daw kaso sa kanya kung magka-project sila ni Judy Ann Santos together. Matagal na rin ang intriga na di pagkakaunawaan daw ng dalawang big stars ng network na ilang beses na rin pinabulaanan ni Claudine at Judai. Sa nasabi ding presscon, nagkaroon ng pagkakataon ang ABS-CBN.com na makausap si Claudine tungkol sa napapabalitang plano nitong pag-a-adopt muli. Masayang binalita nito ang plano nila ng kanyang asawang si Raymart Santiago na mag-adopt muli -- hindi ng panibagong bata, kungdi ng isang orphanage. Pakiramdam kasi ni Claudine ay calling ito nilang mag-asawa na tumulong sa mga bata. Natawa naman siya nang tawagin namin siyang "Angelina Jolie ng Pilipinas". Naitanong din kay Claudine kung ano ang plano nilang magkakapatid sa nalalapit na golden anniversary ng kanilang mga magulang. Ayon sa aktres ay hindi pa raw nila napag-uusapang magkakapatid ang kanilang mga gagawin. "Actually wala pa. Si Marjorie at yung kapatid kong si Gina ang nagpaplano ng lahat." Naitanong tuloy sa kanya kung darating ba si Gretchen sa nasabing pagtitipon, pero umiwas si Claudine sa pagsagot. "Well, I dont want to answer for my sisters." Paglilinaw ni Claudine, mas mabuti nang si Gretchen na lang daw ang tanungin. Pero noong Linggo sa The Buzz, nagkomento si Ruffa sa naturang balita at sinabi nitong hindi raw talaga ugali ni Gretchen ang umatend sa mga family gatherings ng mga Baretto. Sa kanyang pagpapaliwanag, ang dating ay parang hindi pa tapos ang gusot sa pagitan ni Gretchen at ng kanyang mga magulang. Tuluyan na ngang tinuldukan ni Claudine ang gusot sa kanila ni Angel Locsin dahil nang tanungin siya ng press people tungkol dito ay binahagi nitong madalas na silang nag-te-text ngayon ni Angel at masasabi niyang nagiging maayos naman daw ang kanilang pagkakaibigan. Source: ABS-CBN Interactive |