Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Claudine-Raymart, Umabot Daw Sa Bugbugan Ang Away?; Claudine, humagulgol sa bangko dahil 'di na-withdraw ang P5M sa joint account nila ni Raymart

Claudine-Raymart, Umabot Daw Sa Bugbugan Ang Away?; Claudine, humagulgol sa bangko dahil 'di na-withdraw ang P5M sa joint account nila ni Raymart

Author: Gorgy Rula

Nagkaroon ng drama sa Unionbank Quezon Avenue branch kahapon ng hapon nang magwi-withdraw sana si Claudine Baretto sa joint account nila ni Raymart San­tiago. Naabutan ng Startalk na umiiyak si Claudine pero hindi ito nagpa-interview.

Ang abogado nitong si Atty. Agnes Maranan ang humarap sa naturang showbiz-oriented talk show para sagutin kung bakit nagkaganun si Claudine.

Ayon kay Atty. Maranan, iwi-withdraw daw sana ni Claudine ang pera sa joint account nila ni Raymart. Nang dumating daw sila sa bangko, na-check pa raw nila na nan­dun ang pera pero pagkalipas lang ng mahigit 30 minutes, nawala na raw ang buong laman sa kanilang account.

Hindi rin kumpirmado, pero ang narinig naming halaga na iwi-withdraw sana ni Claudine ay uma­bot ng limang milyong piso.

Walang binanggit si Atty. Maranan na pangalan kung sino ang nag-withdraw ng natu­rang pera pero ang posibleng kumuha nito ay si Raymart din na maaaring gumawa ng transaction sa ibang branch ng naturang bangko, dahil joint account nga nila ito.

Iyun ay speculation lamang dahil wala namang nakakita o nagkumpirmang si Raymart nga ang gumawa nito.

Dagdag pang impormasyong nakuha ng Startalk, nagkaroon daw ng matinding away ang mag-asawa at may bugbugan pa raw na nangyari?

Wala nga lang may makapagkumpirma sa kanilang dalawa dahil hindi nagsalita si Claudine at hindi naman ma-contact si Raymart.

Matagal na naming narinig na may problema talaga ang dalawa pero walang nagsasa­lita sa kanilang dalawa.

Abangan sa Startalk ang buong kuwentong ito at ewan ko lang kung merong may magsasalita sa kanila para linawin ang naturang pangyayari.

***

Kahit itinanggi nina Rocco Nacino at Sheena Halili ang tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, nakikita naman na sila na talaga kahit consistent sila sa pagsasabing magkaibigan lang talaga sila.

Sa Bench fashion show na nagbukas sa Philippine Fashion Week na ginanap sa SMX, du­malo si Sheena para panoorin si Rocco at kasama pa nito ang ina ng young actor.

“May event kasi ako sa Makati, kaya tumuloy na lang ako dito. Ganun naman lagi eh, 'pag may time nandiyan naman ako to support him,” sagot sa amin ng young comedienne.

Wala pa rin siyang sagot sa tunay na relas­yon, pero inaamin naman niyang si Rocco ang lalaking pinakamalapit sa kanya. Malapit naman daw siya sa pamilya ng aktor at ganun din naman si Rocco sa kanyang pamilya.

Naikuwento rin ni Sheena na sinamahan nga niya si Rocco nang lumaban ito ng boxing at hindi raw niya maintindihan ang nararamdaman niya nu'ng mga oras na iyun.

“Sobrang kabado ako. Ganu'n pala iyun? Hindi ko maintindihan kung gaano ako kabado. Mabuti na lang nanalo siya kaya masarap na rin ang feeling pagkatapos,” natatawa niyang kuwento sa amin.

Naramdaman ba niya ang feeling ni Jinkee Pacquiao nu'ng time na iyun?

“Hindi naman po! Nakakakaba lang talaga. Pero natutuwa ako para sa kanya kasi nakikita ko kung gaano siya kadeterminado,” pakli pa ni Sheena.

Ngayon naman ay nagpahayag din si Sheena ng all-out na suporta sa pelikula ni Rocco na Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa na magsu-showing na nga­yong araw.

Proud din daw siya sa ipinakitang galing ni Rocco sa pelikulang ito.

***

Isang out of school youth na taga-Bulacan ang hinirang na grand winner sa nakaraang Fashionissimo (Search for the Next Male Supermodel). Si Nelson Banzuela ang wagi sa patimpalak na ito ng Circle of Friends at CHU Productions na ginanap sa Palacio de Manila nu'ng nakaraang Linggo.

Si Nelson ang pinakapaborito ng audience at nakuha nito ang simpatiya ng mga judge­s sa question and answer portion na kung saan inilahad nitong wish daw niyang makabalik na rito sa bansa ang kanyang ina na nagtatrabaho bilang DH sa Singapore.

Malaki raw ang mai­tu­tu­long ng mapa­panalunan niya sa Fashionissimo para sa pagpapauwi sa kanyang ina.

Ang dalawang runners-up ay sina JB Espi­ritu at ang Sudanese mo­del na si Hamid Hasam.

Source: Abante Tonite