|
|
| Claudine, ayaw makaharap si JohnAuthor: Vinia Vivar Aminado si Claudine Barretto na noong una, nahirapan siyang magdesisyon kung tatanggapin niya ang Maligno dala na rin ng maselang tema nito. As everybody knows, Claudine is a Born-Again Christian, which very much contradicts her role sa Maligno bilang si Angela na naanakan ng isang demonyo. "Yes, actually, it was very difficult for me because unang-una, nakakatakot kasi normally kapag gumagawa ka ng horror na pelikula, you deal with spirits, but this time, you deal with demons. "When we had the story conference, I asked my pastor from Victory Fellowship for advice if I should go on and his answer was he believed that I am emotionally, spiritually, physically and mentally equipped as a Christian to play or do this role. "Everytime we start taping, we pray. At the same time, everytime na may mga nakakatakot na eksena, may verses ng bible na paulit-ulit kong pine-pray sa utak ko. And Ms. Rio Locsin also, who is a wife of a pastor (Padim Israel), is with us here, so, malaking naitulong ni Tita Rio, lalo na sa maseselang eksena. "At the end of the day, it's just a role and what's important is how strong your faith is," mahabang paliwanag ni Claudine sa presscon-preview ng Maligno sa Studio 1 ng ABS-CBN last Wednesday night. Ang Maligno ay pangalawa sa Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection following the very successful Patayin sa Sindak si Barbara. Isinapelikula ito maraming taon na ang nakararaan, na pinagbidahan at prinodyus ni Susan Roces. Nakamit niya roon ang unang Best Actress award. Sa presscon, naroroon din si Ms. Roces at sabay-sabay naming pinanood ang first episode. After the preview, kinunan ng reaksyon ang biyuda ni Da King Fernando Poe Jr. at buong pagmamalaki niyang sinabing she's very impressed sa napanood. Ipinakita rin sa first episode ang rape scene nina Claudine at Rafael Rosell (as the demon) at sobrang positibo ang reaksyon ng lahat sa acting na ipinamalas ng dalawa, lalo na sa nakakapanibagong intensity ng aktor. Sa nasabing eksena, ipinakitang hubo't hubad si Rafael na umani ng katakut-takot na reaksyon from the press. Thank God, ayon kay Direk Wenn Deramas, pinayagan ng MTRCB (Movie Television Review and Classification Board) na mailabas ang mga eksena. Ang Maligno ang comeback project ni Claudine matapos manganak sa panganay nila ni Raymart Santiago na si Santino. Kaya naman sa kanyang pagbabalik, sinigurado ng Kapamilya network na she'd be given a royal welcome sa pamamagitan ng napakagandang proyektong ito. Magsisimula nang i-ere ang Maligno sa April 28 sa primetime slot ng ABS-CBN-2. Aside from Claudine and Rafael, kasama rin dito sina Diether Ocampo, Kim Chiu, Gerald Anderson, DJ Durano, Arlene Tolibas, Empoy at introducing si Carlo Lacana. * * * Samantala, sa one-on-one interview namin kay Claudine, naitanong sa kanya ang tungkol sa nabubuhay na namang rivalry nila ni Judy Ann Santos, na nagsimula uli nang mapabalitang nag-iwasan sila sa pictorial ng isang glossy magazine. Nasundan pa ito nang mag-guest si Juday sa Don't Lie to Me segment ng Showbiz Central, kung saan ay tinanong ang aktres kung totoo bang iniwasan niya si Claudine. Juday answered "no," pero "lie" ang resulta ng lie detector test. Ayon kay Claudine, hindi niya napanood ang nasabing episode at naikuwento lang sa kanya kaya ayaw niyang magbigay ng komento. Iba raw kasi 'yung ikinuwento lang kesa sa talagang napanood niya. Tungkol sa rivalry, hindi nga rin daw niya alam kung bakit nabuhay na naman, pero as far as she knows, in real life ay okay sila ni Juday. Nagkasama lang daw sila recently sa shoot ng isang commercial wherein magkasama sila at okay naman ang lahat. "We took pictures pa nga, she met my daughter and my son. Hindi kami textmates, pero when we're together, we had fun. Nagkuwentuhan kami. We're not close but we are friends," sabi pa ng aktres. Naitanong din sa kanya kung okay na ba sa kanya ang makasama si John Estrada sa isang project at anang aktres, "Hindi, hindi pa. " She was very honest in saying na hindi pa siya ready na makaharap o makausap man lang si John at kung hanggang kailan, ipinagdarasal daw niya na sana ay malapit na. Source: People's Tonight |