|
|
| Claudine, ayaw ng TV coverage sa birthday ni Rodrigo SantinoAuthor: Eric John Salut ANG ganda-ganda ni Pokwang nang makausap ko pagbalik nito mula sa show ng Wowowee sa Boardwalk Hall, Antantic City, New Jersey noong July 12. Ang balita kasi, big hit ang komedyante sa mga Pinoy doon. Biniro ko nga ito kung ano na naman ang pinaggagawa niya. "Alam mo naman ako, kung sa tingin ng iba, effort yung ginagawa ko, sa akin normal na 'yung tumambling," lahad nito sabay tawa. Ibinalita ni Pokwang kung gaano katagumpay ang nasabing show nila. "Imagine, 12,000 ang nanonood? Imagine-in mo 'yun, kung gaano kadaming tao yun," kuwento pa nito. Ang nasabing venue pala ang pinakamalaking concert venue sa Atlantic City. After ng Wowowee show nila, naka-schedule nang mag-show doon ang iba pang superstars like Madonna, Celine Dion, Elton John, American Idol Tour, Jesse McCartney at Jordin Sparks. "Saan ka pa? Level? Madonna and Wowowee. Ha-ha-ha!" pagpapatawa nito. Bukod kay Pokwang, join din sa nasabing show sina Roxanne Guinoo, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at si Willie Revillame. Special guests sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Third time nang mag-show ni Pokwang sa New Jersey pero everytime na magsu-show siya, ramdam niya ang init ng pagtanggap sa kanya ng mga kababayang Pinoy doon. Malaki raw talaga ang tulong ng The Filipino Channel kung bakit sikat ang mga ABS-CBN stars sa abroad. Pagbalik ni Pokwang, back to work siya. Balik siya sa everyday hosting sa Wowowee. Hindi pa pala siya informed about the Bong Revilla movie kung saan kasama siya sa cast. Magkakaroon din ng repeat performance ang Poohkwang sa July 25 at 26 sa Music Museum. * * * INAASAHAN ang pagdalo ng mga celebrity kids sa birthday party today ng anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Rodrigo Santino. Magaganap ito ngayong hapon sa Blue Leaf, The Fort, City of Makati. Kinareer nina Claudine at Raymart ang pagi-invite sa mga kaibigan. Apat na beses akong tinext ni Claudine para makasigurong natatanggap ko ang imbitasyon. At kapag hindi ka sumasagot sa text, tatawagan ka na nito. Kahapon, inalam ni Claudine ang pangalan ng mga bata mula sa mga kaibigan niyang artista. Pati names ng yaya ay kailangan ding ma-register. "Pati yaya, may goodie bag din," sabi ng isang malapit kay Claudine. 1 p. m. ang dedication ni Santino at 2 p. m. ang start ng kasiyahan. Nag-beg off si Claudine sa request ng The Buzz at Entertainment Live! na i-cover ang event. Malamang ay ganito din ang reply ni Raymart sa GMA talks shows. Gusto sana ng The Buzz na magkaroon ng live hook ang episode this Sunday sa party ni Santino. Pero hindi pumayag si Claudine. "Gusto ko maging masaya ang party ni Santino, ayaw kong ma-stress ang guests niya dahil may coverage," sabi ni Claudine. Since I have work today, hindi ako makakadalo. But I promised to Claudine na a-attend ang aking si Emmanuel John Salut sa party. Inaasahan ang pagdalo ng mga celebrity at executive ng ABS-CBN at GMA 7 sa event na ito ni Santino. Claudine is a Kapamilya while Raymart is a Kapuso. You can just imagine kung gaano ka-grand ang 1st birthday ni Santino. * * * MAY on-going poll ngayon ang www. ABS-CBN. com tungkol sa kung sino ang tunay na prinsesa ng drama ng ABS-CBN. Mabilis ang mga fans sa pagboto sa kani-kanilang idolo. Nakakatuwa ding magbasa ng kanilang comments kung bakit. Ang limang pinagpipilian ay sina Bea Alonzo, Angel Locsin, Anne Curtis, Kim Chiu at Roxanne Guinoo. Hindi ko iri-reveal kung sino ang leading from among the five princesses. It's for you to find out. At may ilang hindi pa nakuntento. Ipipilit ang kanilang bet pero wala sa pagpipilian. Kaya maasar kung bakit kailangan itong mapasama bilang "princesses of ABS-CBN". Check n'yo na lang sa www. ABS-CBN. com at kung type ninyo, vote na rin kayo. I already voted but I'm not gonna tell who I voted for. Mahirap na. Ha-ha-ha! Source: People's Tonight |