Oct 11
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Claudine guwapung-guwapo na kay Gabby

Nag-react ang manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila tungkol sa nasulat na item kahapon sa isang tabloid (hindi Pilipino Star Ngayon) na inisnab daw ng mga executives ng ABS-CBN ang malaking birthday party ng young actress.Truth is, wala pang party...

 

Claudine guwapung-guwapo na kay Gabby

Author: Pilipino Star Ngayon

Nag-react ang manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila tungkol sa nasulat na item kahapon sa isang tabloid (hindi Pilipino Star Ngayon) na inisnab daw ng mga executives ng ABS-CBN ang malaking birthday party ng young actress.

Truth is, wala pang party na ginaganap si Angel dahil sa April 23 pa ang kanyang kaarawan.

  "Angel's b-day is on April 23, Wednesday. She'll be celebrating her b-day at the sales convention of Avon at the PICC Plenary Hall in lieu to the launching of her Avon's UMR lipstick and Angel Locsin's Wish of Peace fragrance collection.

 "Angel will also be holding her birthday event for the poor kids of Payatas at The Good Shepherd Paris Hall in Regalado, Fairview this Sunday, April 20, between 3 and 6 p. m. after her birthday celebration in ASAP '08.

 "Angel is happy working with ABS-CBN. Lobo is doing great. Management is supportive and contented. I just hope that everyone else will be happy for Angel," ang mahabang text message ni tita Becky.      

* * *

Sa May 2 ay magsisimula na si Claudine Barretto ng teleserye nila ni Gabby Concepcion sa ABS-CBN na may working title na Iisa Pa Lang.

Now it can be told na talagang si Claudine ang unang Kapamilya actress na makakasama ni Gabby sa isang teleserye.

Ayon kay Claudine, hindi pa raw sila nagkikita in person ni Gabby at baka raw next week pa. Hindi pa raw kasi sila nagkakaroon ng story conference. Sa TV pa lang daw niya napapanood ang aktor.

"Bale prinesent sa akin (yung material) two days ago, tapos I think, na-present na rin sa kanya a day before that. Tapos ipi-present din sa iba pang cast bago kami mag-start," say ni Claudine.

At ano ang impresyon niya kay Gabby?

"Nang makita ko siya sa TV, sabi ko, ang guwapu-guwapo pala talaga niya. Ano pa kaya in person?" sabi ni Claudine.

Confidential pa raw ang kuwento ng serye pero hindi raw ito May-December affair.

"Iba siya. Pero napakagandang material. Basta, hindi pa kasi puwedeng ikuwento, basta maganda siya," pagdidiin ni Claudine.

 Ang nasabing serye ay ididirihe raw ni Ruel Bayani at ang iba pang makakasama nila ay sina Diether Ocampo, Eddie Gutierrez, Maricel Laxa, Cherry Pie Picache, Laurice Guillen at marami pang iba.

Samantala, ang Maligno naman ni Claudine ay magsisimula na sa April 28 sa primetime slot ng ABS-CBN. Ito ang second installment ng Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection matapos ang matagumpay na Patayin sa Sindak si Barbara.

Kasama ni Claudine sa Maligno sina Rafael Rosel, Diether Ocampo, Kim Chiu, Gerald Anderson, DJ Durano, Arlene Tolibas, Empoy and introducing Carlo Lacana, mula sa direksyon ni Wenn Deramas.  -- Vinia Vivar

Source: The Philippine Star