Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Claudine, lilipat sa Siyete?

Author: Mercy Lejarde

KAHIT pala may hidwaang naganap between Gabby Concepcion and his business manager, Mommy Rose Flamiano, ibinibigay pa rin ng aktor ang komisyon na dapat matanggap ng huli kapag nakakatanggap ng projects.

Mismong si Gabby ang nagsabi nito sa amin nang makapanayam namin last week sa DZMM Showbiz Mismo radio program ni Jobert Sucaldito.

Well, sana lahat ng talents katulad ni Gabby na alam ang kasabihang. .. 'give credit where credit is due,' tsuk!

* * *

MAY tsikang from the Kapamilya Network ay lilipat na sa Kapuso channel si Claudine Barretto one of these days.

Ayon sa tsismis, buryong na kasi si Claudine sa kakahintay kung kailan mabibigyan uli ng project sa kanyang mother studio.

Kung true ang tsika, at least magkakasama na sila sa iisang bakuran ng esposo niyang si Raymart Santiago.

Who knows, baka mabigyan pa sila ng GMA-7 ng sitcom na mala-George & Cecil nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Dos?

* * *

THE red carpet is set to hail the most beautiful, the most glamorous and the most fashionable sa Us Girls ng Studio 23 August Awards '09 sa New Eastwood Mall, Open Park ngayong August 20, 7 p. m.

Siyempre, pangungunahan ang event ng Us Girls hosts na sina Angel Aquino, Iya Villania at Megan Young.

* * *

KAY daming batang mahilig sa anime characters ang sumali sa pa-contest ng TV5 na Costube Video Contest.

Nakabihis sila ng kanilang fave cartoon characters tulad nina Spongebob, Dora, Bob the Builder, atbp.

Sa August 22 pa pipiliin ang tatanghaling Top 5 at isa sa kanila ay magwi-win ng P70,000.

* * *

AYAW nang pag-usapan pa ni Desiree del Valle kung ano ang naging dahilan ng breakup nila ni Vhong Navarro.

Dahil mas madalas silang magkita ni Oyo Sotto sa set ng Midnight DJ ng TV5, may nagtanong kung may attraction factor ba sa dalawa?

"Ay, hindi, hahaha! Wala, hindi talaga!" ang natatawa lang na salag ni Des.

Source: People's Tonight