Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Claudine nagkasakit, na-allergy, inatake ng nerbyos sa bagong teleserye

Nagkasakit, na-allergy at sobrang ninerbyos pala si Claudine Barretto habang nagti-taping siya ng Iisa Pa Lamang, ang bagong teleserye niya kasama si Gabby Concepcion, Diether Ocampo, Susan Roces at marami pang iba. As in sobra raw ang naramdaman niyan...

 

Claudine nagkasakit, na-allergy, inatake ng nerbyos sa bagong teleserye

Author: Pilipino Star Ngayon

Nagkasakit, na-allergy at sobrang ninerbyos pala si Claudine Barretto habang nagti-taping siya ng Iisa Pa Lamang, ang bagong teleserye niya kasama si Gabby Concepcion, Diether Ocampo, Susan Roces at marami pang iba. As in sobra raw ang naramdaman niyang takot na nang tanungin niya si Mayor Vilma Santos kung bakit ganun siya kakaba, ang sagot ni Ate Vi: "Natural lang daw yun. Mas nakakatakot kung hindi ako kabahan dahil over confident na ako," kuwento ng aktres sa isang tsikahan kahapon.

Kahit sa workshop nila conducted by Direk Laurice Guillen, ikinuwento ni Claudine na sila nina Gabby at Diether ang nakakuha ng maba­bang grado kay Direk Laurice dahil sa kaba. "Sobra-sobra kasi akong kinabahan. Sa buong career ko, pangatlong beses ko pa lang yata itong pagwo-workshop. Sobra akong takot, sob­ra akong nanginginig sa mga ganyan. Pero ma­la­ki ang naitulong nun. Nawala ang mga inhi­bations namin," sabi ng aktres.

Malaki rin daw ang naitulong ng workshop para ma-relax sila at kung paano mag-shift sa kanilang mga character.

Iniisip niya raw kasi minsan na bakit kaila­ngan nilang gawin yun. "Eh sila Melissa (Ricks) and Matt (Evan), siniseryoso nila talaga," pagkukuwento niya pa tungkol sa mga kasama niya.

Nakaka-three weeks na pala sila ng taping na madalas ay inuumaga.  "Mahal ang teleser­yeng ito," say ni Claudine.

Bigatin nga naman ang mga kasama niya. Bukod sa comeback project ito ni Gabby Con­cepcion, kasama rin nila si Ms. Susan Roces na nakikipag­sabayan sa puyatan. Mismong si Claudine na ang nagkuwento na minsan pag inumaga na sila, tinutuhog na nila ang ibang eksena na parang pakiramdam daw niya ay wala silang mga pamilya.

Anyway, hindi rin niya napi-feel na may age gap sila ni Gabby. "Gabby looks very young, though hindi ko alam ang age niya. Sobrang fresh lagi. Parang hindi siya tumanda. Yung iba di ba, pag nag-stay sa Amerika nag-iiba dahil sa weather, pero si Gabby parang hindi tumanda at all," sabi ni Claudine.

Sobra-sobra nga raw ang bonding nila sa taping na parang di siya (Gabby) nawala.

Kung hindi ba naman sila nag-bonding eh more than 10 minutes ang kissing scene nila ng aktor. Bukod sa kissing scene meron din silang lovescene.

Anyway dahil sa rami ng biyaya, ang makatulong naman sa kapwa ang iniisip nilang mag-asawa. "Nakita na namin ang purpose namin. Kaya kung hindi ninyo masyadong nakikita si Raymart, because he's fixing a lot of things. Kasama na yung project sa Bantay Bata at Bantay Kalinga. "

Madalas din silang magkaroon ng marriage counselling at naka­tutok sila sa nutrition ng mga bata. Nag-order din sila ng maraming libro para sa mga batang minomo­listiya. Nakuha niya ang nasabing libro sa internet na magi-educate sa mga bata ng different kind of touch na kadalasan ay nauuwi sa kabas­tusan na hindi namamalayan ng mga bata.

Plano nilang ipamigay ang nasabing libro sa mga eskuwelahan para ma-ex­plain sa mga bata ang ganitong prob­lema.

Tutok din silang mag-asawa sa 'anak' nilang si Sabina na super smart sa numbers and language. Nakakabasa na raw ito ng 5 letter word samantalang four years old pa lang. "Mabilis ang utak ng anak na­min,"  na sinubukan nilang hanapin ang magulang pero hindi na nila ma-trace. Pero hindi naman pala nila inililihim sa bata na ampon lang nila ito though hindi pa nga naman nito naiintindihan ang adoption.

Bukod sa pagsi-share ng knowledge tungkol sa pag-aampon at pang­mo-molistiya, tumutulong din sila sa Caritas Manila. Goal daw talaga yun nila Raymart na hagga't kaya nila, "we will help, help, help dahil we're so blessed. "

Kung magkakaroon din ng chance, gusto rin nilang magtayo ng orphanage. Yup, you read it right. 

At dalawang gabi rin silang hindi nakatulog ni Raymart nang lumabas ang balita na itinapon ng ina ang bata sa bubong ng condo at yung isa ay sa taxi. "Ang dami-dami namang bahay-ampunan. Hin­di kami makapaniwala," sabi ni Claudine although siya, kahit paano ay naka-relate dahil nang manganak siya kay Santino na mag-iisang taon na sa July 19 ay nakaramdam din siya ng postpartum - yung kakaibang nararamdaman ng isang nanganak. After daw niyang manganak kay Santino, almost three weeks siyang walang gustong makita. "I wanted to get out of the house. Nagre-reklamo ako noon kina Gretchen at Marjorie na I feel like a cow kasi nagpapa-dede ako every two hours. Sobra akong stressed noon at hindi ako maka­pa­niwalang may anak na pala ako. Wala ako nung gustong makita. Hindi sa anak ko ang nararamdaman ko kundi natatakot ako sa responsibility ko as a mother and as a wife," pag-alaala ni Claudine.

Anyway, sabay silang magce-celebrate ng birthday ni Raymart sa July 20.

* * *

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin napag-uusapan nina Dingdong Dantes at Karylle ang tungkol sa kasal. Kung sabagay makulit din kasi minsan ang iba eh. Ilang beses na nga ba siyang tinanong tungkol dito, pero consistent ang sagot niya na hindi pa nila napag-uusapan kahit biruan man lang. "We have all the time in the world. Marami pa kaming dapat gawin," sabi ni Dingdong nang makatsika siya after the launching ng kanyang bagong endorsement na Mario D' Boro kasama si Angelica Panganiban na bago ang hairdo.

Hindi rin pala favor si Dingdong na mag-pose sa FHM si Karylle. Pakiramdam daw niya, hindi na nito kailangang patunayang sexy siya. (SALVE V. ASIS)

Source: The Philippine Star