Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Claudine, nasaktan sa panghuhusga ng press

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

NU'NG July 23 nga sa opisina ng Star Cinema naganap ang kontrobersyal na pag-uusap nina Claudine Barretto at Angel Locsin.

Pagkatapos ng ilang oras na paghaharap ng dalawang aktres at ng ilang ABS-CBN executive at malalapit na kaibigan, nabigyang-linaw ang mga sumusunod: Walang sigawang nangyari sa salon, walang paninipa ng silya at walang nagtaas ng boses sa isa't isa.

Panandalian umanong naging seryoso ang pag-uusap at nagkaroon pa ng konting tension sa paligid.

Pero ang ending, nagkalinawan sina Claudine at Angel. Nagkaroon lang daw ng miscommunication at lumaki ang issue dahil sa mga intrigero't intrigera.

Sabi raw ni Claudine: "Ipinagdasal ko na maayos na ang gusot namin ni Angel. Matagal akong nanahimik pagkatapos ng pagkikita namin sa salon dahil ayokong lumaki pa ang isyu.

"Aaminin kong nasaktan ako sa mga nabasa ko na tipong hinusgahan na ako ng press.

"Pero nu'ng isa-isa na naming inilatag ni Angel ang mga isyu, du'n nabigyang-linaw ang lahat. Sa pagkakataong 'yun, naging madali na ang pagpapatawad. "

* * *

Isang malaking hamon kay John Lloyd Cruz ang pelikulang A Very Special Love nila ni Sarah Geronimo. Una, hindi si Bea Alonzo ang leading lady niya. Ikalawa, dito malalaman kung kaya na ba niyang magdala ng iba at bagong ka-loveteam.

Kahit minsan na niyang napatunayan na he can survive without Bea sa pelikulang Dubai, iba pa ring kaso 'yon, dahil doon, wala talaga siyang masasabing love interest.

Kumbaga, nakisawsaw lang siya kina Claudine at Aga Muhlach.

Malaking hamon din naman ang A Very Special Love kay Sarah, dahil dito makikita kung talagang bankable siya maging sa box-office.

As far as we are concerned, wala nang dapat pang patunayan si Sarah pagdating sa pagkanta at paglabas sa TV.

Pero kung ang pagbabasehan ay ang trailer ng AVSL, walang dudang kuha nito ang kiliti ng masa, lalo na sa eksenang ipinasasara ni John Lloyd ang pintuan ng opisina kay Sarah.

Mag-a-assume kasi agad ang dalaga na may mangyayaring something romantic sa kanila ng kanyang boss.

'Yun pala, ipinasasara ni Lloydie ang pintuan pagkatapos lumabas ni Sarah ng kanyang opisina.

Bukas na, July 30, ang grand opening ng A Very Special Love, na magsisilbing 15th anniversary presentation ng Star Cinema.

Ngayon pa lang, dagsa na ang mga tumatawag at nag-e-e-mail sa production arm ng ABS-CBN kung saan makahihingi ng premiere night tickets.

* * *

Last Sunday, si Penelope ang natsugi sa natitirang finalists ng Pinoy Idol.

Gaya ng sinulat ng katotong Nitz Miralles, ikinagulat ito ng mga huradong sina Ogie Alcasid, Wyngard Tracy at Jolina Magdangal.

Isa si Penelope sa mga paborito sa talent search dahil sa galing kumanta.

Anyway, pinatunayan naman nina Daryl at Jayann na may "K" silang manatili dahil sa ganda ng kanilang performance.

Teka, hindi kaya ang dalawa naman ang susunod na matsutsugi?

* * *

The best of '80s music ang bubulaga sa Balakubak portion ng Nuts Entertainment kasama ang guests na sina Raymond Lauchengco, Louie Heredia, Gino Padilla at Randy Santiago sa GMA-7 mamayang gabi.

Kaabang-abang din ang salpukan ng Team Ba-Nuts nina Alfred Vargas, Pekto, Ehra Madrigal, John Feir at Say Alonzo laban sa Team Bi-Nuts nina Ariel at Maverick, Paolo Paraiso, Jen Rosendahl at Jana Roxas.

Source: People's Tonight