Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Claudine natalbugan ni Marian

Claudine natalbugan ni Marian

Author: Joferd Nievera

DAHIL sa pakiusap ni German Moreno kaya hindi agad pumunta sa U. S. si Marian Rivera.

Mas pinahalaga-han kasi ni Marian ang kahilingan ni Kuya Germs na dumalo ang aktres sa ibibigay nitong parangal bilang German Moreno Achievement Award recipient sa ginanap na FAMAS awards night sa Centennial Hall ng Manila Hotel last Sa-turday. Kasama ni 'Dye-sebel' na ginawaran ng parangal ng master showman si Ryan Agoncillo

Kahit nakasaklay ay pinilit ni Marian na dumalo sa FAMAS alang-alang sa itinutu-ring niyang 'ama' sa showbiz.

Hindi na pinaakyat sa stage si Marian para tanggapin ang trophy mula kay Kuya Germs dahil napilay nga ito sa aksidenteng kinasuu-ngan sa shooting ng Shake, Rattle & Roll X ng Regal Entertainment.

Ang isa pang dahilan kaya na-udlot ang biyahe ng aktres sa America ay ang isa pang kahilingan ni Kuya Germs na personal silang dumalo ni Dingdong Dantes sa Walk of Fame event ngayong taon sa Eastwood City sa Libis, QC na natupad naman ng mag-loveteam.

* * *

SA pagdiriwang ng ikatlong taong anibersaryo ng Walk of Fame, kasabay ding pinarangalan ang 13 showbiz persona-lities bilang mga Walk of Famer noong Linggo.

Ito ay sina Mila del Sol, Dawn Zulueta, Dina Bonnevie, Claudine Barretto, Dulce, Helen Gamboa, Gina Alajar, Albert Martinez, Tirso Cruz III, namayapang Dindo Fer-nando, QC Vice Mayor Herbert Bautista, Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Talbog si Claudine kay Marian dahil mas pinagkaguluhan ng fans si Dyesebel kesa sa tinagu-riang drama queen ng Phi-lippine television.

In fairness, hindi na kasi napapanood sa tele-bisyon ang wife ni Raymart Santiago pagkatapos ng kanilang teleserye ni Gabby Concepcion sa ABS-CBN 2.

* * *

SA lahat ng mga pinarangalan, si Bistek lang ang hindi nakadalo.

Ang misis na lang nitong si Ms. Dory na nagmula pa sa U. S. A. ang kumatawan sa kanya.

Todo-taas ng kilay ang mga mamamahayag dahil sa hindi pagdalo ng vice mayor lalo na ang malalapit kay Kuya Germs.

May tampo kaya si Herbert kay Kuya Germs dahil sa balitang hindi pinagbigyan ng huli ang kahilingan ng una na ang tatay na lang niyang si Direk Butch Bautista ang parangalan bilang Walk of Famer.

Source: Taliba