|
|
| Claudine, open sa aregloColumn: Tiyempo Nadarang na rin marahil ang binata nang upuan siya (sa tiyan) ni Cassandra minsang nagbibiruan sila. Na-challenge nang magalit sa kanya ang dalaga sa parteng pagsayawin niya ito (with the rest of the girls)ng dirty dancing. Tuluyang bumigay nang lambingin siya ni Cassandra na iduyan siya afterwards. Hindi na rin maitago nina JB at Say ang mutual attraction nila sa isat isa. Hindi lang sila inseparable ano mang activity ang ibinigay sa kanila ni Big Brother, kungdi nakahiyangan nang natutulog sa iisang kama sa loob ng nakaraang tatlong gabi. Regardless of all their housemates na mukhang tino-tolerate naman ang kanilang ginagawa. Samantala, mukhang dumidistanya na si Rico kay Chyx. Kung noong una ay lagi silang magkadikit, ngayon ay nawala na ang sigla ng binata na ipinakita niya noong unang mga araw. Posibleng may kinalaman ito sa takot na ma-evict agad ngayong gabi, Sabado. Huwag naman sana pagkat malaki ang laban niya as far are televiewers are concerned. Ang lakas kasi ng dating ni Rico, lalo na noong first few days. Machong-macho ang dating niya, kahit iniiyakan niya lagi gabi-gabi ang pag-iwan sa kanya ng kanyang girlfriend. Cute yun. Napag-isip-isip din marahil ni Rico na may kasalukuyang boyfriend si Chyx, na kasama pa ng dalaga nang iwelcome silang lahat sa bahay ni "PBB." * * * * Kalmadong-kalmado si Claudine Barretto nang pagtatanungin tungkol sa counter- charge ng anak ni Jo-Ann Maglipon, editor-in-chief ng YES! mag at managing editor naman ng HI! mag. sa presscon ng pelikulang "Dubai." Unang nag-file ng demanda si Claudine laban kay Jo-Ann. Its an P8M civil suit of injunction and damages. May separate civil suit (not just a libel case) for damages ang anak ni Jo-Ann na si Pat. Dahil, siniraan daw siya ni Claudine nang mag-shooting siya kasama nito sa "Marina" teleserye. Kaiba ang reaksyon ngayon ni Claudine, kung ikukumpara sa unang pagsasampa niya ng demanda, kung saan emotional siya at mukhang galit. Naunawaan niya ang ang ginawa ni Jo-Ann. May ganyan naman talaga," anya. "Siempre, mayroon din naman silang chance na ibigay ang side nila. I welcome this development para mapakinggan din ang kanilang depensa." Sa tono ng pananalita ni Claudine, naaaninag ang posibleng amicable settlement na magaganap, hindi man ngayon pero, in the very near future baga. Kahit nang magkita kami sa comfort room ng ABS-CBN, masayang-masaya pa rin si Claudine. Posibleng may kinalaman ito sa pagiging secure niya sa pagmamahal at suporta ni Raymart Santiago, her future groom. Yong bang right or wrong ay nasa tabi lang niya ito lagi. * * * * Samantala, ipinaalala ni direk Rory Quintos na minsan ay nangako si Maam Malou Santos ng Star Cinema na gagawa siya ng isang pelikula para sa mga subscribers ng The Filipino Channel (TFC) sa Dubai. Nangyari ito nang i-premiere ang pelikulang "Milan" sa Dubai may dalawang taon taon na ngayon ang nakararaan. Actually, delayed na nga ang pagtupad sa pangakong iyon. Gusto kasi ng Star Cinema na maiba ang proyekto sa "Milan" na tumatalakay sa mga kawawang OFW. Ng mga magulang o anak na nawawalay sa kanilang mga magulang dahil sa mahigpit na pangangailangan. Ang pinili nilang istorya tungkol sa "Dubai" ay umiikot naman ngayon sa mga naroong may mataas na katungkulan sa kumpanyang kanilang pinnagta-trabahuhan. Tulad ng characters nina Aga Muhlach, Claudine Barretto at John Lloyd Cruz Ipakikita rin kung gaano kaganda ang lugar kung saan nakakita ng pangalawang tahanan ang mga kababayan natin. At kahit may karangyaan ang buhay doon, may mga conflict pa ring nagaganap kahit sa dalawang magkapatid na mahal na mahal ang bawa"t isa. May universal theme ang pelikula, kung saan makaka-relate ang lahat ng uri ng tao, Pilipino man o hindi. Kaya, hindi kataka-taka sakali mang ipremiere night ito nang sabay-sabay sa Pinas, Dubai, Milan, Saipan, at Vienna Austria sa darating na Setyembre 28. Source: Tempo |