Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Claudine sa Star Magic aalis, hindi sa ABS-CBN

Author: Leo M. Bukas
Column: Footloose

MAY tumawag sa amin kahapon na isang concerned friend ni Claudine Barretto. May mga nilinaw siya sa nasulat namin the other day. Hindi raw totoong aalis na sa bakuran ng ABS-CBN ang aktres. Sey pa nito, homegrown talent si Claudine ng Dos kaya hinding-hindi niya iiwanan ang istasyon.

Labas din daw si Angel Locsin sa mga gagawing desisyon ni Claudine sa kanyang career.

"Okey na sila ni Angel. Mas gusto lang ni Clau na manahimik, para talagang matapos na yung isyu," sabi pa nito sa amin.

Ang totoong isyu pala, na kasalukuyang pinag-aaralan pa ni Claudine kung itutuloy niya o hindi ay ang balak niya na magpalit ng manager. Sixteen years na si Claudine sa Star Magic.

Ayon pa sa kausap namin, walang pinirmahang kontrata ang aktres sa Star Magic and yet, naging very loyal siya rito.

"Sa 16 years na 'yon, wala naman silang narinig kay Claudine. Kung gugustuhin niyang umalis, puwede niyang gawin, 'di ba? Pero naging loyal siya," kuwento pa nito.

Eh, bakit nga ba binabalak ni Claudine na umalis sa Star Magic at magpa-manage sa iba?

"Naku, hindi ko pa alam ang eksaktong dahilan. Basta ang alam ko, naramdaman niya na nakulangan siya ng suporta from her Star Magic family, kaya 'yon, na-realize niya ang mga bagay-bagay," tugon pa ng kausap na-min.

Nag-text kaagad kami kay Claudine para alamin ang totoo tungkol sa isyu. Kaagad naman siyang tumawag sa amin at sinabing everything is okey.

"Don't worry, I'm fine Leo. Ikukuwento ko na lang lahat ng plano ko sa 'yo kapag okey na ang lahat. Basta ngayon, puro work lang muna ako," wika pa niya.

Busy si Claudine nga-yon sa taping ng Iisa Pa Lamang na in fairness, humahataw na ratings. Kasama niya rito sina Diether Ocampo, Gabby Concepcion, Angelica Panganiban at marami pang iba.

* * *

NAAAWA naman kami dito kay Jenny Miller. Ayaw na kasi niyang magsalita tungkol sa "twisted" kuwento ni Valerie Concepcion tungkol sa nangyari sa kanila sa anniversary ng Belo Medical Group last week.

"Bahala na sila kung sino ang gusto nilang paniwalaan sa amin. Ayoko ng magsalita," pahayag niya sa amin.

Napanood ni Jenny ang interbyu ni Valerie sa The Buzz at napailing na lang siya rito. Isang close naman kay Jenny ang nag-text sa amin at nagsabi na baligtad ang kuwento ni Valerie.

"Bakit kasi hindi magsalita si Ellize (secretary ni Belo), para makorek ang lahat at malaman kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo," sabi pa sa text ng isang tao na nandu'n din sa Belo event na nakakita ng pangyayari.

"Kaya lang, siyempre, kung ako kay Ellize, tatahimik na rin lang ako dahil parehong Belo babies sina Jen at Valerie. Mahirap nga naman kung kakampi siya kay Jen dahil hindi naman ito kasing sikat ni Valerie," dagdag paniya.

'Nga pala, nilinaw ng isang taga-Belo na walang nagiging pahayag si Ellize kahit kaninong reporter about the tarayan issue nina Jenny at Valerie.

Kaloka talaga ang showbiz, huh!

Source: Taliba