|
|
| Claudine sinisiraan!![]() Author: Lolit Solis Nauna nang pumunta sa Los Angeles, California sina Pauleen Luna, Wally Bayola, Jose Manalo, Allan K. at Anjo Yllana noong Martes ng gabi para sa Eat Bulaga show bukas, Sabado. Susunod sa kanila sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Ang ibig sabihin, wala si Papa Joey sa Startalk bukas dahil may show nga sila sa Kung kailan sold-out na ang tickets at malapit na ang show, saka nagkukumahog sa paghahanap ng tickets ang mga kababayan natin sa Amerika na gustong ma-sight ang kanilang favorite stars. Pagkatapos ng show, pupunta sa * * * One season lang talaga ang Songbird ni Regine Velasquez kaya malapit na itong mag-goodbye sa ere. Hindi ko pa alam ang programa na ipapalit ng GMA 7 sa Songbird pero baka maglagay sila ng isang drama show na itatapat nila sa Maalaala Mo Kaya ni Mama Charo Tuwing Sabado na mapapanood ang Maalaala Mo Kaya, isa sa mga show ng Kapamilya network na mahaba ang buhay. Alam na alam sa buong Pilipinas na iba na ang araw at timeslot ng MMK dahil maya't maya ang plugging nito. * * * Kumakalat sa internet ang mga e-mail ng paninira kay Claudine Barretto mula nang makumpirma na true at hindi basta tsismis ang away nila ni Angel Locsin. Masyadong personal ang nilalaman ng e-mail kaya unprintable ito at puwedeng lalong magpatindi sa gap ng dalawang aktres, itsurang may balita na gumagawa ng paraan ang ABS-CBN para magkasundo sila. Pinagdedebatehan pa ng fans kung sino ang tunay na prinsesa sa bakuran ng ABS-CBN. May ganoon? Hindi ako interesadong malaman kung sino ang prinsesa sa Kapamilya compound. Ang tanong, sino ang tunay na reyna sa ABS-CBN 2? Bakit ako magkakaroon ng interes sa prinsesa kung puwede ko namang maging friend ang reyna debah? * * * How true na hindi raw happy ang isang sexy star sa puwesto niya sa 100 Sexiest atsutsutsu ng FHM kaya pumayag siya na mag-pictorial para sa kalaban na magazine ng FHM? Hindi raw matanggap ng sexy star na hindi siya kasama sa Top 5 ng listahan ng mga seksing babae ng FHM. Nabababawan ako sa emote ng sexy star dahil kung talagang gusto niyang siya ang maging pina-seksing girl ng FHM, sinabihan niya ang kanyang fans na iboto siya. 'Yon eh kung may fans pa siya 'noh? O kung mabibilang sa daliri ang kanyang mga tagahanga, gumastos Source: The Philippine Star |