|
|
| Claudine, walang tampo sa DosAuthor: Leo M. Bukas WALANG hinanakit o tampo si Claudine Barretto sa ABS-CBN. Nagpasya lang daw siyang pumirma sa Viva Films para sa dalawang pelikula dahil wala naman siyang natatanggap na alok mula sa Star Cinema. Maging ang dapat sana'y teleserye daw ng gagawin niya dapat sa Dos with sister Gretchen Barretto ay hindi na rin malinaw kung matutuloy pa. "Siyempre, kailangan namang magtrabaho nu'ng tao. Alangan namang nakatengga lang siya at parang naghihintay na wala namang kasiguraduhan. Kailangan niya ng outlet," pahayag sa amin ng isang malapit kay Claudine. Sa huling palitan ng text message namin ng aktres, nabanggit niya na mananatili pa rin naman siya sa Star Magic. "Ang gusto lang naman niya ay 'yung iko-comanage siya with Star Magic. Malaki ang utang na loob niya do'n at kahit wala na siyang kontrata, ABS-CBN pa rin ang priority niya," dagdag pa nito. * * * KAHIT wala pang elektrisidad ang maraming area sa Maynila at ibang probinsiya, masaya ang ABS-CBN dahil patuloy na umaarangkada sa ratings ang Lovers In Paris na pinagbibidahan nina KC Concepcion, Piolo Pascual at Zanjoe Marudo. "Tiyak na mas lalo kaming aariba kapag full restored na ang electricity sa mga probinsiya. Pero so far, masaya kami sa takbo ng Lovers," pahayag ni Mico del Rosario ng ABS-CBN promo. Puro magagandang feedbacks din ang natatanggap nila sa email regarding KC, Piolo and Zanjo's performance. "Nire-rave sila ng televiewers. Gustung-gusto nila ang acting ng tatlong bida," dagdag pa ni Mico. * * * NGAYONG Lunes na magsisimula ang 24th season ng Daisy Siete na pinamagatang My Shuper Sweet Lover na pinagbibidahan ng real life sweethears na sina Jopay Paguia at Joshua Zamora. Si Felix Roca ang ka-love triangle ng dalawa. Sa dami ng cast ng My Shuper, hindi na namin sila natandaan nang makaharap namin sila sa presscon na ipinatawag ni Joy Cancio. Pero siyempre, priority sa cast ang member ng Sexbomb at ang iba pang talents ni Joy. Now that Daisy Siete is on it's 24th season, isa lang aibig sabihin no'n. Kahit pa anong itapat sa kanila, hindi sila puwedeng matinag. "Kapag inilagay mo talaga si Lord sa gitna ng mga bagay na ginagawa mo, you will never go wrong. I am blessed pati ang show namin kaya masaya kaming lahat," pahayag ni Joy, ang manager ng Sexbomb at producer ng Focus Entertainment. Source: People's Tonight |