Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Close friends ni Daboy, kumuha ng kuwarto sa ospital

MATATAG na nga talaga si Jennylyn Mercado, dahil hindi ito umiyak sa birthday celebration niya sa SOP kahapon, kahit marami ang bumati sa kanya. Sabagay, sinabi na nitong ayaw na niyang umiyak para sa kanyang baby boy na isisilang sometime in Septembe...

 

Close friends ni Daboy, kumuha ng kuwarto sa ospital

Column: Basta
Author: Nitz Miralles

MATATAG na nga talaga si Jennylyn Mercado, dahil hindi ito umiyak sa birthday celebration niya sa SOP kahapon, kahit marami ang bumati sa kanya.

Sabagay, sinabi na nitong ayaw na niyang umiyak para sa kanyang baby boy na isisilang sometime in September.

Sa interview sa kanya sa Startalk, sinabi ni Jennylyn na two months siyang magpapahinga after niyang magsilang at bago bumalik sa showbiz.

Balita namin, may trabaho nang inihahanda ang GMA-7 para sa kanya.

Sa rami ng naiipong baby stuff ni Jennylyn sa sunud-sunod na baby shower na binibigay sa kanya, hindi na niya kakailanganing mamili ng gamit ng bata. Hihintayin na lang niyang lumabas ang baby.

Nabasa pala naming gusto ni Patrick Garcia na narito siya 'pag nanganak si Jennylyn, kaya lang, bawal siya sa delivery room.

Ang alam namin, sina Becky Aguila (Jen's manager), Mel Pulmano at ang PA niyang si Leng lang ang pinayagan ng actress na makapasok sa delivery room.
Wala nga sa listahan ang adoptive mom niyang si Mommy Lydia at baka himatayin daw ito habang nanganganak ang anak.

* * *

IT'S good to hear Rudy Fernandez voice sa Startalk last Saturday.

Marami ang natuwa at may mga naiyak din nang marinig siyang nagsasalita at kahit mabagal at mahina ang boses, nagawa pa nitong magbiro't mahina raw ang audio ng GMA-7. Hahaha!

Tuloy ang pagbabantay kay Rudy ni LT, mga anak nila, ni Mark Anthony Fernandez at mga kaibigan ng mag-asawa.

Kumuha ng kuwarto sa Cardinal Santos Medical Center ang mga kaibigan ni Daboy para may naiistambayan sila at 'di kailangang pumasok sa kuwarto ng actor.

* * *

PANALO ang two-night Greatest Hits of the '80s concert nina Randy Santiago, Gino Padilla, Louie Heredia at Raymond Lauchengco sa Music Museum.

Klik sa audience ang repertoire na binubuo ng hit songs ng dekada '80 at mga kantang pinasikat ng apat at maganda ang direksyon ni Junjun Santiago.

Nagmistulang disco party ang concert nang magsayawan ang tao, non-stop 'yun at ilang minuto ring tumagal.

Pati sina Direk Maryo J. delos Reyes, Toni Rose Gayda, Bayani Agbayani at Ogie Alcasid at Regine Velaquez (very sweet) na nanood ay humataw din ng sayaw.

Nakausap namin si Veronique del Rosario-Corpus after the show at kinumpirmang may provincial at U. S. tour ang concert at inaayos na ni June Torrejon ang schedule.

Pag-aaralan ng Viva Concerts & Events ang request ng press na magkaroon ng part 2 ang concert, dahil marami pang songs ng '80s ang 'di nasama sa repertoire.

* * *

MAGSISIMULA ang Joaquin Bordado this week na matutuklasan na ni Sofia (Iza Calzado) ang tunay niyang pagkatao mula kay Jason (Mark Herras) at itatakas siya ng bayaw mula kay Jerome (Ian Veneracion).

Si Cecille (Ryza Cenon) ay inooperahan na sa mata, habang nawawala si Aratu (ang dagang tattoo ni Joaquin) na hinahanap ni Erenea (Kylie Padilla).

Hindi nito alam at ni Joaquin na kasama ito ni Jimboy at naging best friend pa.

May bagong babaing mai-involve kay Joaquin, si Brianna (Margaret Wilson. Abangan ang mga eksena nilang dalawa na lalong magpapaganda sa istorya ng JB.

* * *

TINUPAD ni Direk Joyce Bernal ang sinabi noong una na gagawin niyang very light ang Dyesebel para pati mga bata ay maka-appreciate, kaya aliw ang mga eksena every night.

Gaya na lang ng episode mamaya, gumagawa ng commercial si Fredo (Dingdong Dantes), kaya bawal lapitan ni Dyesebel.

Ang standee na lang ng binata ang susundan nito na ipinasok sa building at tuluy-tuloy sa elevator, kung saan siya na-trap. Sobrang nakakatawa ang eksenang ito, kaya 'wag palampasin.

Sa Sirenea, makakapasok si Berbola (Michelle Madrigal) sa cave ni Amafura (Rufa Mae Quinto) at pakikialaman ang treasure boxes nito.

Matuklasan kaya niya ang pagkatao ni Lucia, dating reyna ng Sirenea?

* * *

MAKISAYA sa Enpress o Entertainment Press, Inc. , sa kanilang Bonggang Bongga! A Star-studded Night of Kantahan, Sayawan at Kasiyahan, bukas, May 20, sa The Library, Malate, Manila.

Kasabay nito ang Golden Screen Awards '08 Nominees Night for only P300 pesos!

Source: People's Tonight