|
|
| Comeback ni Vina, suportado ng non-showbiz BFAuthor: People's Tonight MARAMING ginulat si Vina Morales nang humarap na seksing-seksi at blooming na blooming sa presscon ng concert-for-a-cause na Star Magic World Concert Tour Live in Manila para sa victims ng bagyong Ondoy at Pepeng sa Burgoo resto kahapon. Iisa ang komento ng showbiz writers: Parang hindi nanganak ang comebacking singer-actress. Tsika ni Vina, na ang panganay na si Ceana (sa non-showbiz BF na si Cedric Lee) ay five months old na, 25 pounds na ang natapyas sa dating timbang niyang 145 pounds. Pero, hindi pa ito ang normal weight niya at kailangan pa niyang mag-lose ng 10 more pounds para bumalik sa 110-pound shape. So far, successful daw ang pagwo-work-out at pagda-diet na ginagawa niya although paminsan-minsan, sumasagi rin sa isip niya ang pagpapa-lipo. "I watch what I eat. Brown rice ang kinakain ko until now. Kung anu-anong diet ang sinubukan ko. Dati, one week na puro soup lang. Mahirap, pero kung pursigido ka...I have to go back to work din kasi," sey niya. Suportado raw ni Cedric ang pagbabalik-showbiz ni Vina. In fact, nakaka-dalawang guest appearance na siya sa ABS-CBN bago humarap sa presscon ng Star Magic World Concert Tour Live in Manila. Sa Sunday, nakatakda siyang magkaroon ng post-birthday celebration sa ASAP '09, pero nang tanungin kung ilang taon na siya, ang sey niya: "'Wag na lang, secret! Basta may baby na, line of 3 na lang (meaning, nasa 30s na ang edad niya). " Dagdag na pahayag ni Vina sa suporta ni Cedric: "Maski na anong decision ko, suportado ako nu'n. I have to work for myself and for Ceana also. Ayaw ko naman umasa sa kung sino lang. Hindi rin naman ako sanay na may sumusuporta sa akin. Kahit nu'ng bata pa ako, I really support myself. " Hindi pa ba nila napag-uusapan ang kasal? "Yikes! Alam mo naman ang aking lovelife, in a span of four years, away-bati, away-bati. It's so hard to talk about it 'coz he's not from the business. "Whatever I have with...kung anuman 'yung relasyon ko ngayon, hindi ko masyadong naiisip, kasi I'm so concentrated on Ceana. With her alone, buo na ang buhay ko, kumpleto na ako. "It doesn't matter to me, magkabati man, magkaaway man. What matters to me is my daughter. Kasi kailangan kong alagaan ang sarili ko para maalagaan ko si Ceana. "I do believe na 'pag mommy ka na, iba na, eh. Feeling ko nga, it was not me who gave birth to Ceana, it was Ceana who gave birth to me to become a better person. Kasi ang laki ng nabago sa sarili ko, eh. I'm more grateful, feeling ko maski anong bagyo ang dumaan sa buhay ko ngayon, pasalamat pa rin ako sa Diyos. Mas naging thankful ako. " Super excited nga raw ang singer-actress sa partisipasyon sa Ondoy/Pepeng benefit concert ng Star Magic dahil siya mismo, biktima rin ng mapanirang bagyo. Lagpas-tao raw ang tubig sa basement ng bahay niya sa may Wilson St. , Greenhills, dahil katabi nila ang creek. Hanggang tuhod naman ang tubig sa kitchen at sala nila. Ang swimming pool, umapaw sa bahang may kasamang putik. Sinaklolohan naman daw sila ni Ceana ng ama nitong si Cedric, lolo (sa side ni Vina), iba pang kapamilya at kawani ng barangay. For now, mahirap pa raw sabihin kung lilipat na si Vina ng tirahan. Aniya, "We'll see if that happens again. I'll pray na sana hindi na mangyari sa ating lahat 'yon. Nakakatakot!" Siyanga pala, ang Beginnings at Twenty Plus Inc. nina Stanley at Pelita Uy, presentor ng Star Magic World Tour sa Los Angeles, California, kamakailan, katuwang ang Star Records Inc. at Blue Dream Entertainment ni Christian Andoy, ang nasa likod ng Star Magic World Concert Tour Live in Manila sa Araneta Coliseum sa November 13. More than 70 Star Magic artists ang nagboluntaryong mag-perform nang libre - walang talent fee. Ang ilan sa mga ito ay sina Piolo Pascual, Claudine Barretto, Sam Milby, Diether Ocampo, Kristine Hermosa, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Jake Cuenca, Angelica Panganiban, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Roxanne Guinoo, Gabby Concepcion at marami pang iba. Ang proceeds ay mapupunta sa ABS-CBN Foundation Inc. -Sagip Kapamilya at ididirek ng Star Magic head na si Johnny Manahan. Para sa tickets, tumawag sa Ticketnet, 911-5555. Source: People's Tonight |