Apr 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Comic duo Maverick and Ariel to shoot "mockumentary" in U.S.

Maverick (left) and Ariel (right) will fly to the United States to shoot a "mockumentary" for GMA Films titled Maverick and Ariel's First Ever Ever Movie Hollywood or Else... (Ang Pinakamahabang Title ng Movie sa Balat ng Lupa).

Author: Balot Antazo

Bongga ang career ng comedy duo na sina Maverick Relova at Ariel Villasanta sa kuwadra ng GMA-7 ngayon. Bukod sa kaliwa't kanang TV guestings nila sa mga Kapuso shows ay part din sila as comic sidekicks sa pinakabagong action-adventure series na Joaquin Bordado, na pinagbibidahan ng action superstar na si Robin Padilla.

This time, big break din para sa tandem ang ipinagkaloob na pelikula sa kanila ng GMA Films na halos sa Amerika pa kukunan ang kabuuan. Kauna-unahang pagkakataon din sa Philippine movie industry na isang "mockumentary" ang gagamiting konsepto para sa isang commercial movie.

Ang mahabang title ng movie ay Maverick and Ariel's First Ever Ever Movie Hollywood or Else... (Ang Pinakamahabang Title ng Movie sa Balat ng Lupa). Balak din kasi ng comic duo na mapasama sa listahan ng Guinness Book of World Records ang kanilang movie bilang pelikula na may pinakamahabang pamagat.

Sikat na ang dalawang komedyante sa Pilipinas kaya't ang susunod na pangarap naman nila ay makapasok sa Hollywood bilang mga artista. At hindi lang 'yon, balak pa ng dalawa na sumali at mag-audition sa bonggang-bonggang American Idol (AI).

Para sa comic duo, isang ganap na pagkakataon ang American Idol upang  maabot ang pangarap nila. Fans din daw kasi sila ni Paula Abdul na isa sa mga judges sa naturang singing search. Pinayuhan na nga sila ng mga executives ng GMA Network na tapos na ang auditions ng AI ngunit ang nasabi lang nila ay: " No, we're fine. Don't worry. We will get special auditions."

Sa send-off presscon na ibinigay ng GMA Films para sa dalawa last February 11 sa 17th floor ng GMA-7 ay obvious na masayang-masaya sina Maverick at Ariel sa napakalaking tiwala at opportunity na ibinibigay sa kanila ngayon. Paalis na ang production team nila bukas, February 14, para mag-shoot sa  California, San Francisco, at Las Vegas.

"This is really something big for us ni Ariel," sabi ni Maverick. "Ang ganda ng pasok ng Year of the Rat [2008] sa aming dalawa and we're hoping that we would live up to the expectations of the people and especially sa lahat ng nagtitiwala sa amin dito sa bago naming tahanan, ang GMA 7. We just want to make people happy through our humor and jokes, and we're hoping that nag-e-enjoy sila sa style namin ng pagpapatawa."

ON-CAM FRIENDS? In real life, super friends sina Maverick at Ariel. Pero may nasagap kaming intriga na off-cam ay hindi raw magkasundo ang dalawa, hindi nag-uusap, at laging nag-aaway. Balitang may kumpetisyon kasing namumuo sa kanila. Totoo ba ang balitang ito?

"Actually, sawa na kasi kaming mag-usap e. Di ba, 'pag talagang kaibigan mo, actually, minsan nga hindi mo babatiin ng happy birthday, pero nagkakaintindihan kayo?" pabirong sagot ni Ariel.

Sabi naman ni Maverick, "We've been friends since 1993 until now, so more than thirteen years na kaming magkaibigan. We really know each other well. There's no competition between us becuase we're working as a tandem here. We support each other at walang rason para mag-away kaming dalawa."

Si Ariel ay graduate ng kursong Management sa San Juan de Letran, at si Maverick ay nagtapos naman sa San Beda.

Gaano na ba kalalim ang friendship nila at ano ang sikreto sa lasting friendship nilang dalawa?

Anila, "'Pag wala kayong pakialamanan. Yung lang naman ang rules, e. Respetuhan lang naman. Professional din dapat ang friendship ninyo. Hindi lang puro emosyon kasi 'pag nagkagalit kayo, isipin n'yo, wala ring mangyayari sa inyo."

So, hindi magiging problema ang billing sa kanilang dalawa?

"Walang problema sa amin ang billing. Hindi importante sa amin 'yon," sagot ng dalawa.

THE BIG SHIFT. Tinanong din namin sila kung magkano ba ang offer ng GMA-7 sa kanila at napirata sila sa ABC-5, kung saan sila nagsimula.

"Well, ang negosasyon ay nagsimula sa point something. Naku, 'wag na! Nakakahiya e, baka sabihin ninyo mayabang ako. Mga ano lang, point zero, zero something lang. Maliit lang. Alam n'yo naman, pamalengke lang natin 'yan, e. Gusto ko nga ibigay sa charity foundation namin, yung tinatawag namin na Iahon Sa Putik Foundation," pabirong sagot ni Ariel.

Sa pagpasok nila sa GMA-7, ibig bang sabihin nito ay totally wala na sila sa Channel 5?

"Opo. Solid na talaga kami sa Kapuso. Although kinukuha ulit kami sa Totoo TV, dumive na talaga kami sa Siete," sambit nila.

SARILING SIKAP. Naikuwento rin ni Ariel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kung ano man ang tinatamasa at nakukuha nilang break sa GMA-7 ay sariling sikap nila ng ka-partner niyang si Maverick. Never daw humingi ng tulong si Ariel sa pinsan niyang si Joey de Leon. Magkapatid pala ang mommy ni Ariel na si Elvie Villasanta at ang mother ni Joey kaya magpinsang buo sila. May mga nagsasabi na puwedeng-puwedeng pumalit si Ariel sa yapak ni Joey.

"Huwag naman pumalit, sumunod lang siguro. Actually, matagal na niya akong itinatago at ayaw lang niya akong pasikatin," pabirong sagot ni Ariel.

Patuloy niya, "Sariling sikap at hindi ako humingi ng tulong kay Joey para maka-penetrate sa industry. Talagang dumaan ako sa butas ng karayom at sobrang gumapang ako para marating ang anumang kinalalagyan namin [ni Maverick].

"May style talaga kami [ni Joey] na walang palakasan, e. Pero siyempre, noong una, gusto ko rin magpatulong kay Joey, pero siguro tine-train niya ako. Basta walang tulungan, but I know proud siya sa akin. Langgam pa lang kami kung ikukumpara sa kanya, pero I know malayo ang mararating namin, given the opportunity."

So nasaang estado na siya ngayon in terms of popularity?

"Sa totoo lang, sa akin, mas importante yung maging effective kesa sa sumikat ka. Kaya ngayon, naka-focus ako more sa ginagawa ko, sa craft ko," sagot ni Ariel.

OFF TO HOLLYWOOD. Ngayong papunta na sila sa Amerika, sino bang Hollywood celebrity ang gusto nilang makita at makilala?

"Gusto ko si Oprah [Winfrey], idol ko talaga siya dahil matulungin siya," sabi ni Ariel.

Sino naman sa mga local celebrities natin ang type or crush nila?

Sagot ni Ariel, " Type ko si Diana Zubiri, gusto ko siyang ligawan talaga. Malaman ko lang na wala pa siyang boyfriend, baka pormahan ko siya."

Ayon naman kay Maverick, "Naku may asawa na ako, e. Pero type ko sina Marian Rivera, Iwa Moto, at Ehra Madrigal. Sana type din nila ako."

 

Source: Philippine Entertainment Portal