|
|
| 'Con-SUHOL-tant' ng Dos? No one should be absent!![]() Author: Alfie Lorenzo Na-misplaced ko ang mga photos taken during Deo Endrinal�s birthday party at the Teatrino in Greenhills kaya na-delay ang report na ito. As soon as I had some copies reprinted, heto at send ko na agad sa Abante. The place was teeming with celebrities as I�ve guessed, lahat as in LAHAT ng kunektado sa ABS-CBN ay tiyak na nanduon. At hindi nga kami nagkamali. From Papa Gabby Lopez to Freddie Garcia, Charo Santos, Cory Vidanes, Cathy Perez, Julie Ann Benitez were there. As soon as we arrived in the party place, pumuwesto kami sa table outside Teatrino, the table belonging to Starbucks, so it was coffee for me all night. Hindi kami pumasok sa loob ng teatrino dahil marami ngang tao at hindi kaya ng aircon. Nanduon ang food and drinks pati mga bading na performers as if na-transfer na ang Club Mwah sa Teatrino. Maganda ang puwesto namin dahil bago papasok sa loob ng Teatrino to greet the celebrator ay kami muna ang dadaan ng mga bisita kaya parang kami ang may birthday dahil nauuna pa kaming nababati kesa kay Deo Endrinal. Pero may tumalbog sa amin at naging usherette at tagasalubong sa mga dumarating at nauuna pang bumebeso-beso bago kami ang ma-beso. Sino ang karakter na �yun? Eh sino pa kundi ang sosyalera ng bansa, si Bernard Cloma! Tsika kami nina Claudine Barretto and Raymart Santiago. Pinahimas pa nga ni Claudine ang tiyan niya sa amin at humihingi ako ng isa kung kambal ang ipagbubuntis niya. Nagbiro naman ang Freddie Garcia nung tanungin ko siya "if he�s back as CONSULTANT" ng ABS-CBN. "Con-SUHOL-tant lang ako," biro niya (biro nga kaya?), "Suhulan nila ako, makukunsulta nila ako," followed by a friendly laughter. There was Pops Fernandez in front of him. �Yung ibang naguluhan na sa loob sa dami ng tao ay nakiupo sa mesa namin like Angge na kailangan na raw umuwi at bedtime na niya. Nakiupo rin for a while sa amin sina Tonton Gutierrez, Jestoni Alarcon, then si Mother Lily, sumunod si Annabelle Rama. Na-late ng dating si Dennis Padilla dahil of all people eh siya pa ang nakatiyempo sa bag-snatching kay Ciello, the visiting Diva from New York who raised funds for the Bantay Bata Foundation coursed thru Tina Monzon-Palma. Dinala pa raw niya sa ospital ang nabukulan sa ulo na singer. Then there was Diether Ocampo and Kristine Hermosa, John Prats, Cogie Domingo and Lovie Poe, ang kaibigan naming si Lawrence Tan, Edu Manzano, Arnell Ignacio, mahigpit ang yakap sa amin ni TJ Trinidad (missed na niya kami?), nakiupo for a while sa amin ang PBB matron na si Linggit Tan at ang Papa Lauren Dyogi na nag-iimbita sa amin na pumasok sa Pinoy Dream Academy house. Sige naman ang kalilibot ng apo kong si John-John na nung makapili ng isang character mula sa sangkatutak na performers ay pa-picture kaagad siya syempre! Maraming nameless ang dumalo, pati na mga mina-magic pa lang ng talent agency nila, so wah na mention and take pictures, noh! So from us all here in Abante, mula sa bagong office namin, we wish Deo Endrinal more birthdays to come para marami pa siyang PAPA na matulungan! They say better late than never, so heto advance naman: Merry CHRISTmas too! Source: Abante |