|
|
| Concert ni Gabby Concepcion may malaking repeat next monthAuthor: Ed De Leon Mukhang unfair namang sabihin na flop ang concert ni Gabby Concepcion. Aaminin namin, hindi rin namin napanood 'yun kasi ti-namad na kami matapos na-ming makita iyong haba ng pila sa hagdanan pa lang ng Music Museum. Naisip nga namin, malamang sa hindi, kung magpipilit kaming ma-nood ng show na 'yun ay ta-tayo na lang kami sa sides. Kaya, saka na lang kami manonood dahil tiyak mag-kakaroon 'yun ng repeat dahil sa rami ng taong nanood. Hindi nga kami nagkamali dahil sa September 19, hindi lamang repeat kung 'di sina-sabi nga nilang isang mas ma-laking concert ang gagawin ni Gabby sa mas malaking venue, sa Aliw Theater. Hindi biru-biro iyan, ha! Alam ba ninyo na iyang Aliw Theater ay 2,700 seats ang ca-pacity? Kamakailan lang, nagka-roon ng concert diyan ang apat na singers, hindi nila na-puno ang venue na iyan. Halos kalahati lang ang nanood sa kanila. Iyong isa pang singer na sinasabi nilang sikat sa mga kabataan, may schedule din sana sa Aliw, umurong matapos na mag-flop iyong concert ng apat na singers, kasi natakot na maging flop din sila. Pero, alam ba ninyo na kahit sa Sept. 19 pa ang concert ni Gabby, at nagsisimula pa lang ang paghahanda, napakarami na raw ang tuma-tawag para sa ticket reservations. Kung bibilangin daw ang confirmed reservations sa ngayon, mahigit na kalahati na ng tickets nila ang na-benta. Iniisip nga namin, ano bang suwerte mayroon si Gabby at ngayon ay kinikilala siya bilang isang singer at concert artist pa ganoong noon naman ay hindi siya talaga kumakanta? * * * PARA namang tanga iyong nagsasabing dahil lang may isang artistang kumita ang pelikula ay tinalo na raw nito si Sharon Cuneta. Sabi nga namin, masyado naman silang ambisyosa. Tingnan muna nila kung ano ang track record ng mga pelikula, recording at TV shows ni Sharon bago sila magsalitang talo na nila ang megastar. Baka ang bayad sa kanila sa commercials ay barya lang kung ikukumpara sa offers kay Sharon. Mabuti pa'y manahimik na muna sila. Hindi namin maintindihan kung bakit may mga taong sa paghahangad na sumikat, tinatapakan pa ang iba sa kanilang publisidad. Crab mentality 'yan, eh! Utak talangka. Hinahatak pababa ang nasa itaas para umangat siya. * * * HINDI maitanggi ng isang TV personality ang sama ng loob nang sabihan siya ng produ ng kanilang TV show na babawasan na ang kanyang paglabas-labas sa prog-rama dahil napag-usapan ng management committee na hindi naman daw siya naka-tutulong sa show. Ang feeling ng TV perso-nality, lahat ay ginagawa niya para sa kanilang show. Pero ang palagay ng management, wala na siyang hatak sa au-dience at nagiging pabigat pa nga siya sa show. Nagmumukha raw laos ang show dahil sa kanya. Source: Taliba |