|
|
| Concert ni Sharon 'di dapat gawing variety show ng ABS-CBN![]() Column: Dream MAGKAKAROON naman daw ng isang concert si Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum in celebration of her 30th year in showbusiness. Palagay namin, ayos lang naman iyan at siyang nararapat dahil nagsimula naman si Sharon 30 years ago bilang isang singer, hindi naman bilang isang aktres. Iyong pagiging artista ni Sharon came three years later, noong sikat na siya bilang isang singer. Kaya lang, dapat pag-handaan nila nang husto iyan. Iyong pelikula na dapat sana ay inilabas in celebration of her 30 th year in showbusiness ay hindi maganda ang feedback. Kumikita naman ang pelikula, siyempre Sharon Cuneta iyan eh. Sa buong career yata ni Sharon tatlong pelikula lang niya ang pumalpak. Lahat ng movies niya ay kumita nang husto. Hindi rin naman tama ang sinasabi ng ibang namimintas na masama raw ang pagkakagawa ng pelikula. Siguro, masasabi nga lang namin, na mas maraming nagawang pelikula si Sharon na mas magaganda. Medyo nag-suffer nga lang siya by comparison sa mga iba pang nagawa na ng megastar kung pag-uusapan itong latest movie niyang Caregiver. Kaya nga iyang concert na gagawin, kailangan mas pagbutihin nila at planuhing mabuti. Naalaala namin, nag-karoon ng concert noon si Sharon in celebration of her anniversary din, na mali-mali ang research nila, bukod doon kung sinu-sinong starlets din ang pinakanta nila kaya nagmukha tuloy isang musical variety show ng talents ng ABS-CBN. Kunsabagay, incidental lang kasi ang concert na iyan. Ang talagang pakay kaya ginagawa iyan ay dahil sa isang special na kanilang ipapalabas sa kanilang istasyon, pero sana naman pagbutihin na nila. Alalahanin nila na hindi karaniwang star lang si Sharon. * * * HINDI namin alam kung papaano nagsimula ang issue na ang pagkakaalis daw kay Precious Lara Quigaman sa show nila ay dahil nagpa-power trip lang si Willie Revillame. Kasi, mukhang kay Willie raw yata nanggaling na bawal sa kanyang co-host s na magsama ng boyfriend sa Wowowee. Palagay namin ay unfair naman kay Willie iyong sabihing nagpa-power trip siya. Talaga bang maituturong siya ang nag-impose ng rule na iyon? Pero, kung iisipin mo naman, ano ang masama kung ang isang TV talent ay kasa-kasama sa kanyang show ang boyfriend kung hindi naman nakikialam iyon sa kanyang trabaho at hindi naman masasabing istorbo siya? * * * TAKOT ngayon ang isang male singer dahil nagsisi-mula nang sumingaw ang mga milagrong ginawa niya in the not so distant past. Mukhang nagsisimula nang magkuwento ang da-ting driver na nagtrabaho sa kanya tungkol sa mga nakaka-date niya nang palihim. Makasisira iyon dahil medyo matinee idol image pa naman ang singer, at ano nga ba ang magiging reaksyon ng fans kung malalaman ang totoo na siya ay bading at ang mga nakaka-date niya ay mga lalaki rin? Iyan na nga ba ang sinasabi namin, eh! Mag-ingat kasi kayo! Source: Taliba |