|
|
| Concert nina Martin at Gary V himalang hindi inulanAuthor: Beth Gelena AS expected, jampacked ang As 1 concert nina Gary Valenciano at Martin Nievera last Sept. 19 sa SM Mall of Asia Concert Grounds. Kahit may agam-agam ang audience na baka bumuhos ang ulan ay hindi nila ito alintana. Maging ang mga artistang nanood ng concert tulad nina Sharon Cuneta, Toni Gonzaga at dyowang si Direk Paul Soriano, at Zsa Zsa Padilla ay talagang nag-enjoy sa panonood ng concert. Napatunayan din sa concert na opposite talaga sina Gary at Martin. Himala ring hindi talaga bumuhos ang ulan lalo na ng kantahin ng dalawa ang ilang Christian songs. Talagang mabait ang Di-yos at hindi talaga bumagsak angulan sa mahigit 40,000 audience na nano-nood ng As 1. Nakalulungkot din na nu'ng gabing 'yun ay kinailangang isugod sa ospital si Martin after the show dahil sa dehydration. Sa portion pa lang pala ng mga anak nilang Ram (Martin) at Gab (Gary) ay masama na raw ang pakiramdam ng Concert King. Sa bawa't gap ng show ay hindi mapigilang magsuka at pagpawisan nang husto ni Martin hanggang tuluyan na itong mag-collapse. Pero dahil true ace performer si Martin, nagawa pa niyang tapusin ang concert alang-alang sa libu-libong fans na nanoood sa kanilang concert. * * * SAMU'T SARI ang naging reaksiyon ng mga tao sa mu-ling pagbabalik sa Wowowee ni Willie Revillame last Monday. Kung hindi magkamayaw sa pagsuporta ang loyal Wowowee fans sa pagbabalik ng kanilang favorite TV host, may iba rin namang nagtaasaan ng mga kilay dahil "nakabalik" pa rin si Kuya Wil. Maging ang staff, crew at co-hosts niyang sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, RR Enriquez at Pokwang ay sobrang happy na muling makasama si Willie. Ilan sa mga kilalang personalidad at malalapit na kaibigan na nag-welcome kay Willie ay sina Ben Chan, Dr. Vicky Belo at ang anak nitong si Crystalle Belo Henares. Nagpasalamat din siya sa mga naging guest-host ng show habang siya ay wala. Teary-eyed din si Willie nang magpasalamat kay Direk Johnny Mana-han na siya umanong nagtanggol sa kanya sabay sa-bing hinding-hindi niya malilimutan ang ginawa ng direktor at head ng Star Magic Artists. Pinagbotohan din via text sa Showbiz News Ngayon ang pagtakbo ni Willie sa pulitika at nakararami ang sumagot na ayaw siyang kumandidato at mas gustong mag-host na lang ito. Nominado rin sa first Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music ang Giling-Giling ni Willie bilang Dance Album of the Year at ang Ikaw na Nga bilang Pop Album of the Year. Gaganapin ang first music award ng PMPC sa SkyDome SM North EDSA sa October 29. * * * MATAPOS ang limang buwang pamamayagpag sa SM Malls sa Metropolis, huling nagtanghal ang Mommy Talk Live sa SM Centerpoint sa Sta. Mesa last September 12 na nagsimula last May. Tampok sa Mommy Talk Live! mall tour si Maricel Laxa-Pangilinan, kung saan ibinahagi niya ang kanyang personal experiences bilang isang mommy. Ilan sa na-ging celebrity guests ni Maricel sina Christine Bersola-Babao, Amy Perez, Melissa de Leon, Kata Inocencio, Candy Pangilinan, well-respected trainor and speaker and husband Anthony Pangilinan; family experts Dr. Donna Simpao at Felichi Buizon; at home management specialist Faye Tanada. Iba't ibang paksa na may kaugnayan sa ka-lusugan, pagba-budget, safety for kids, managing stress at home organizing ang tema ng kanyang mall tour. Nagpapasalamat din ang Mommy Talk Live mall tour sa The Parenting Company, Inc. at SM Supermalls. ; Nestle Koko Krunch, Biogesic for Kids, Goldilocks at Qualibet, sa lahat ng support, gayundin sa kanilang media partners na 106. 7 Dream FM, Lifestyle Network at CBN Asia. Source: Taliba |