|
|
| Confession ng male stars tungkol sa sexy scenes nilaAuthor: Dinno Erece At least nagkabigayan this time ang film producers. Sa pagkakaalam namin, originally tatlo ang local movies na magbubukas on Black Saturday -- Suppa Papalicious ng Star Cinema starring Vhong Navarro, Maki-sig Morales and Valerie Concepcion; ang Viva Films movie nina Robin Padilla and Ai Ai delas Alas na may iba na naman daw title and ang Manay Po 2: Overload ng Regal Films. Actually, the said play date is basically 'owned' by Star Cinema since sila ang nagpaumpisa na magpalabas ng isang movie tuwing Black Saturday for two years na -- D Lucky Ones noong 2006 and Ang Cute ng Ina Mo last year. That's why nagbago na ng play date ang both Viva Films and Regal Films. Masasarili ng Suppa Papalicious ang April 2 play date and papasok ang Viva sa April 9 at sa April 16 na ang Manay Po 2. Kung ganito nang gani-to ang bigayan ng local mo-vie producers, mas kikita sila. Siguro, dahil na rin sa hindi na ganoon karami ang sexy movies, the male stars can't help but be 'impressed' kapag nakakasama ang mga palaban pa ring female stars sa mga eksenang hubaran. During our yosi break ni Paolo Paraiso sa SM Mega Mall for the Half Blood Sa-murai, ikinukuwento niya sa amin kung paano siya na-ging heaven sa scenes niya with Ara Mina and sister sa showing pa rin na Ate. Tapos, heto na nga si Baron Geisler na tinigasan din daw sa eksena nila ni Maui Taylor sa Viva Films . Sa swimming pool area scene nangyari ang pagbabayang magiliw ng kay Baron at nang pinapalipat na sila sa Jacuzzi, nag-excuse muna siya dahil hindi agad makatayo kasi nga kita ang kanyang paninigas ng kalamnan, he he he! At least, mga tunay na lalaki sila na sa babae naapektuhan. Before their number one primetime show in Philippine television ni Marian Rivera, Dingdong was the most conservative matinee idol na ang pinaka-daring for him ay ang mag-sando and shorts. Sa Cosmopolitan this year, first time siyang nagpakuha na litaw ang butt. Again, nang siya pa ang endorser ng another underwear line, the most he can do is wear a low rise pants to show his briefs lining. Sa pagtatapos ng MariMar next Friday, papasok ang kanyang comeback primetime soap Babangon Ako at Dudurugin Kita sta-rring Yasmien Kurdi and JC de Vera. Si Joel lang ang kilala naming direktor na dapat maayos ang kanyang television taping schedule para may time pa siya to do movies. Right now, nasa post production na ang kanyang first movie this year, ang Manay Po 2: Overload from Regal Films na ipapalabas this April 16. Inaayos na rin niya ang kanyang next movie also from Regal Films, ang Na-nay Kong Aswang. Sa April ito sisimulan at dapat nakalatag ito para hindi sumalungat sa Babangon taping. May isa pang planong show si Direk Joel for GMA-7, sana matuloy. Source: Taliba |