Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Congratulations Ateng Koring and Sen. Mar!

Author: Ambet Nabus
Column: Showbiz Extra

CONGRATULATIONS sa wedding nina Senador Mar Roxas at Ateng Korina Sanchez.

Tiyak na pag-uusapan ang matagal nang inaabangang kasal ng dalawa lalo pa't hindi na sila magkakaroon pa ng bonggang salu-salo gaya ng una nilang pla-no.

"Pero siymepre may mga kainan naman. May handaan pa rin the traditional way para sa bisita pa ring makikisaya," kuwento ng isa sa mga punong abala na aming nakausap.

Ngayong alas-tres ng hapon ay tiyak na magiging matindi ang traffic sa kahabaan ng Quezon Avenue, partikular sa Sto. Domingo Church, kung saan gagana-pin ang kasal ng dalawang sikat na personalidad.

Tuloy pa rin ang maliit na reception sa Araneta Coliseum, pero 'yung sing-along portions sana ng ilan sa mga nag-commit gaya nina Wil-lie Revillame at iba pa, ay hindi na mangyayari.

Gayunman, ngayong lehitimo nang Mrs. Korina Sanchez-Roxas ang batikang komentarista, tiyak na mas magiging masigasig ang tapang nito para sa pagha-handa naman sa 2010 kung saan tatakbong Vice President ang asawang si Sen. Mar.

***

MUKHA ring magiging masalimuot para sa mga taga-showbiz ang 2010.

Ngayong kasal na sina Ateng Koring at Sen. Mar ay makikita na talaga ang mga posibleng makasama nila sa kampanyahan.

Tandem na uli sina Kris Aquino at Korina dahil sa team-up nina Sen. Noynoy at Mar.

Pero may mga narinig kaming hindi rin 'yun applicable sa ilang common friends nila na may ibang gustong suportahan.

Kahit daw very good friends at magka-text araw-araw sina Lucy Torres at Kris, nasa ibang kampo naman daw ang Family Feud host na si Richard Gomez.

Isang bagay na kinaila-ngan pang pag-usapan ng magkaibigan dahil sa partido ni Sen. Villar sasama si Goma na tatakbong congressman sa Ormoc City.

Nakakaloka nga rin ang tsismis na kahit nga raw nag-commit ang mag-asawang Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan ay hindi raw ito nangangahulugang papabor ang mga ito kay Senador Roxas?

Hala, this early pa lang ay may mga ganyan nang tsika.

Hindi pa kasama si Gov. Vilma Santos, na patuloy pa ring inaawitan ng administrasyon para maging runningmate diumano ni Sec. Gibo Teodoro.

Sina Senador Chiz Escudero at Loren Legarda din ay may kanya-kanyang hatak at supporters sa showbiz.

At pahuhuli ba ang dating Pangulong Joseph Estrada na panay mga betarano naman ang nasa likod at tumutulong?

Napakaaga pa and yet, masalimuot at tila magulo na!!!

* * *

Speaking of masalimuot, ganyan ang naging pakiramdam namin sa panonood ng ng Patient X nina Richard Gutierrez at Cristine Reyes.

Nakakaloka ang pelikula dahil kakaibang aswang ang pinag-uusapan kumpara sa mga nakasanayan na nating aswang movie.

Ambisyoso nga ang di-rektor nitong si Yam Laranas pero makikita mo naman ang pagsisikap niyang magkaroon ito ng international flavor at appeal.

Nakakagulat ang movie at medyo madilim para sa amin ang ibang mga eksena (o baka dahil lang sa projector ng SM Cinema?), pero sadyang kinailangan at nakatulong 'yun para lalong magulat ang mga manonood.

In fairness, mahuhusay ang mga kapatid ni Richard bilang mga kalabang aswang.

Okey din ang chemistry nila ni Cristine Reyes at may mga kinikilig pa nga.

Aliw na aliw kami sa eksenang hinihila sa putikan si Miriam Quiambao at dinukot ang puso ni TJ Tri-nidad.

Naku, kung gusto ninyong matakot at magulat bago mag-Undas, watch ninyo ang Patient X. Sang-ayon kami sa nagsasabing masaya pa ring tumili sa loob ng si-nehan. Hahahaha!!!

Source: Taliba