|
|
| Controversial couple, matagal nang 'di nag-uusapAuthor: Nitz Miralles Matagal na raw hindi nag-uusap nang personal ang controversial couple dahil sa aktres na nauugnay sa male celebrity. Gustuhin mang awayin ng babae ang asawa, iniisip nitong baka masira ang focus nito sa big project na pinaghahandaan. Kaya kahit galit na, alalay pa rin si misis at ayaw magpa-interview. Ang hindi niya ma-take ay kung bakit kinukunsinti ng pamilya ng aktres ang pagsunud-sunod nito sa kanyang asawa. Gusto ring malaman ni misis kung break na ang aktres sa matagal nang boyfriend at kung bakit hindi ito nagre-react sa pagsunud-sunod ng aktres sa lalaking may asawa na. * * * Ang real-life couple na sina Jopay Paguia at Joshua Zamora ang dalawa sa mga bida ng season 24 ng Daisy Siete na My Shuper Sweet Lover sa direction ni Rowell Icamen, produced ng Focus E ni Joy Cancio at magpa-pilot na sa Monday, October 19, after Eat Bulaga. Magkaaway sa umpisa na magkaka-inlaban ang kanilang role. Sabi ni Joshua, medyo pressured sila ni Jopay at kailangang pagbutihin ang trabaho at agree rito ang dalaga. Five years na ang kanilang relasyon na nagsimula sa Daisy Siete. Ipinakilala na ni Joshua si Jopay sa relatives niya at tanggap ito ng mga anak na ang eldest ay 17 years old at college student sa La Salle at very close sa GF ang kanyang bunso. Naipakilala na rin ni Jopay ang nobyo sa pamilya niya at bago namatay ang ama, ipinagbilin siya kay Joshua na alagaan. Itinanggi ng dalawa na live-in sila, pero inaming nagdadalawan sa kani-kanyang bahay. * * * May bago nang leading man ang GMA-7 at ito'y si Akihiro Sato, katambal ni Rufa Mae Quinto sa SRO Cinamaserye presents Moshi Moshi I Love You sa direksyon ni Andoy Ranay at magsisimulang umere sa Thursday after Shining Inheritance. Nagkautal-utal si Akihiro sa pagpapahayag ng tuwa sa big break na ibinigay sa kanya ng network. Sabi nito: "It's scary kasi you have Rufa Mae as your partner who's a big star and I'm just new. She has a perfect body, a Spanish body, she smells good, ang sarap-sarap. " Mabait, maganda at sexy daw si Rufa Mae at masaya sila sa taping. Ang boobs ng aktres ang big attraction nito sa kanya, pero wala raw malisya 'yon. Mrami silang kissing scenes at may eksenang naka-underwear siya, na ikinakilig ng mga bading at tiyak na aabangan. Sikat na Japanese actor ang role ni Akihiro sa series at half-Japanese siya, pero hindi marunong ng Nipponggo at mas marunong pang mag-Tagalog. * * * NGAYONG Miyerkules sa Darna, mawawalan ng malay si Eduardo (Mark Anthony Fernandez) nang atakihin ni Valentina (Iwa Moto), pero pupukpukin ni Consuelo (Janice de Belen) si Valentina at tatawaging halimaw dahil sa mga ahas sa ulo. Wish ni Gabriel (Alfred Vargas) na nababasa ni Darna ang pag-atake ng Babaing Tuod sa next town. Kaso, wala ang bato ni Narda sa drawer, hindi na siya magiging Darna. Kinuha ni Serpina ang bato at ibibigay kay Kobra (Paolo Contis). Walang magawa si Darna sa pag-atake ng Babaing Tuod na lalaki nang husto at gagawing pain si Consuelo. * * * Sa Rosalinda, magkaka-dengue si Erika at mangangailangan ng dugo at pupuntahan ni Rosalinda ang anak sa ospital nang patago, pero makikilala siya ni Fernando Jose. Hindi papayag si Fedra na makuha ulit ni Rosalinda ang lahat sa kanya lalo na si Fernando Jose. Si Rosalinda ang magbibigay ng dugo kay Erika, tutol si Fedra. Source: People's Tonight |