|
|
| Controversial young actress tinanggihang makasama sa show ng magaling na aktresAuthor: Nitz Miralles KUNG tutuusin, puwede nang tumigil sa pag-aartista si Marvin Agustin at mag-concentrate na lang sa pagiging restaurateur, pero masaya at enjoy pa rin siya sa showbis at good projects pa rin ang dumarating, gaya sa Dear Friend nila ni Jolina Magdangal na magsisimula na sa Sunday, sa GMA-7, after Pinoy Idol Extra. Nagbiro itong libre ang Saturday niya at puwede siyang mag-Startalk. Ang lakas ng tawa nito nang kantyawan ng press na parang gusto pa niyang manulot ng trabaho at ang hirit ay dahil workaholic siya. Kung tama ang bilang ni Marvin, magiging pito na ang restaurant na kasosyo siya sa pagbubukas ng Marciano's sa Greenbelt 3 sa August 8. Italian-American ang specialty nito at susunod na magbubukas ang Japanese resto sa Eastwood City sometime sa November. Pinuna namin na sa rami ng restos na binubuksan niya, bakit walang under his name? Saka, bakit hindi siya magbukas ng bar? "Nahihiya akong gamitin ang name ko sa restaurant. Ayaw ko ng bar, nakakapagod at mapupuyat ako. Okey na ang restaurant, kahit busy ako, napupuntahan ko at 'di ako puyat. Parang magandang magtayo ng resto na pang-presscon lang," sabi nito at hindi kami magugulat kung isa sa mga araw na ito, may bago na naman siyang bubuksang resto. * * * KINUKUHA ang isang magaling na actress para magkontrabida sa bagong show ng isang controversial young actress. Kahit maganda ang role at pang-primetime ang show, hindi tinanggap ng manager ng magaling na aktres ang offer. Ayaw nitong maulit ang nangyari nang magsama sa isang show (na hindi naipalabas) ang magaling na aktres at controversial young actress na nauwi sa away at batuhan ng cellphone at siya ang lumabas na masama. Remember? Kaya maghihintay na lang ng ibang project ang magaling na aktres, 'yung wala siyang makakaaway. May offer siya sa ibang network at hinihintay na lang simulan ang taping sa iho-host na show. * * * IN-OFFER ng OctoArts Films si Niña Jose na isa sa mga bida ng One Night Only, entry sa Metro Manila Film Festival and to be directed by Joey Reyes. Kaso lang, hindi pinayagan ni Mother Lily ang young star, dahil bukod sa may exclusive contract ito sa Regal Entertainment, inihahanda na rin ang launching movie niyang may tentative title na Bad Girls, kasama ng iba pang sexy actresses at si Joel Lamangan naman ang director. Kung ipinahiram ng Regal sa OctoArts movie, sina Katrina Halili, Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo at Valerie Concepcion sana ang makakasama ni Niña. Habang hindi pa sinisimulan ang launching movie niya, sa My Girl ng ABS-CBN muna siya napapanood at natutuwa ito't hindi lang exposure niya ang natutulungan, pati acting niya. * * * FRIDAY sa Ako Si Kim Sam Soon, mahuhuli ni Chef Dina (Eugene Domingo) sina Cynthia (Sheena Halili) at James (Marky Lopez) na hawak ang love contract nina Cyrus (Mark Anthony Fernandez) at Sam Soon (Regine Velasquez). Aaminin ni Cyrus na kay Chef Dina ang tungkol sa love contract at babalaan siya ni Chef Dina na baka may masaktan sa banding huli. Magpapakilala si Mrs. Ruiz (Carmi Martin) kay Sonia (Tessie Tomas) na siya ang ina ni Cyrus, pero nauwi sa away at sabunutan ang pagkikita ng dalawa. Ipakikilala ni James si Sam Soon kay Cherry (Pauleen Luna), ang una ang natokang gumawa ng wedding cake ni Cherry na fiancée ni Harvey (Wendell Ramos). Itsitsika ni Cherry kay Chef Dina kung paano sila nagkakilala ni Sam Soon at mapapahiya si Sam Soon. * * * USAPANG tattoo ang mapapanood sa Moms sa episode na To Ink or Not To Ink. Guests sina Rio Locsin, Tuesday Vargas, Bhaba Mitra at Dr. Camille Garcia. Skin art ang tawag sa tattoo, pero para sa mga ina, madumi ito. Guest performer si Olivia singing True Blue. Hosted by Lani Mercado, Sherilyn Reyes, and Manilyn Reynes, napapanood ang Moms, Monday to Friday, 5pm, sa Q-11. * * * SA Magdusa Ka, tanggap na ni Rod (Dennis Garcia) na patay na si Christine (Katrina Halili) at pinilit mahalin si Hedy. Nakipag-kasundo rin siya kay Gerry na hindi na idedemanda si Roland (Gabby Eigenmann), kapalit nang pagbibigay kaagad ng mana sa kanya. Nahaharap sa maraming problema ang Pear Garments sa panghuhuthot ni Olivia (Jackielou Blanco) at paniningil ni Gerry sa utang ng mga Doliente. Samantala, tinulungan si Roland na magkita sina Christine at Toyang at muling magtatagpo ang mag-ina. Source: People's Tonight |