|
|
| Criselda hiniwalayan ni Cris dahil nagbubuhay-dalagaColumn: Tiyempo BAGAMAT atubili, ipinagtapat ni Cris Villanueva ang tunay na dahilan kung bakit hiniwalayan niya si Criselda Volks. Ilang beses na raw ginagawa ni Criselda ang mga bagay na ayaw na ayaw ni Cris. Iyon at iyon pa rin daw ang palusot nito. Sino bang asawa ang hindi maaaburido kung nagbubuhay-dalaga nga naman ang kanyang ka-relasyon? May hangganan din ang lahat. May katapusan din ang pagtitimpi. Wala na raw kabuluhan kay Cris kung ano pa ang sasabihin ni Criselda. Wala na ring balikan bagamat nagsisikap nang husto si Cris para matustusan ang pangangailangan ng kanilang anak. Pinauwi ni direk Pinauwi na lang ni direk Chito Roo ang isang character actor na hindi maka-deliver kung ano ang hinihingi ng isang mahalagang eksena sa pelikulang "Sukob" ng Star Cinema. Dati ratiy sisigawan lang niya ito at palalayasin sa set. Hindi naman niya pina-pack-up ang shooting lalot naroon ang iba pang miyembro ng cast, tulad nina Kris Aquino, Wendell Ramos, Boots Anson-Roa at ang nagbabalik-pelikulang si Maureen Mauricio. Napaka-mahal kasi ng upa sa bahay na pinagsu-shootingan nila. Sa totoo lang, matagal nang tinatawaran ang lumang bahay na iyon. Pinakamababa na ang P20 milyones. Pero tumatanggi lagi ang may-ari nito.Di kapani-paniwala Kahit hindi kumikibo si Jay Manalo, marami pa rin ang hindi naniniwala sa mga pinagsasabi tungkol sa kanya ni Keanna Reeves. Kahit ipagdiinan pa ni Keanna na kailanman ay hindi siya nagsisinungaling. Nakalimutan na yata ni Keanna na ito ang issue sa kanya noon, ang pagsisinu-ngaling tungkol sa dalawa niyang anak, ganun din sa tunay niyang edad. Pinata-wad ng lahat ang pagiging escort girl niya at ang madilim niyang kahapon pero hindi ang pagtatatwa niya sa sariling mga anak, lalo na ang pagbawas sa kanyang edad. Hindi rin maubos-ubos ang kanyang mga gimik para mapanatiling laman siya ng mga talk show. Kasama na riyan ang pagkaka-swindle sa kanya ng isang show producer at sumunod naman ang panloloko daw sa kanya ng isang DOM. Gusto ring makiamot ng eksena ang kanyang boyfriend. Baka nga naman matutukan din siya ng camera at maging instant star din kahit isang minuto lang. Machong singer Tinawag na "macho" ni Kris Aquino ang isang bagong singer nang ma-guest ito sa "Game Ka Na Ba?" noong Martes. For once, nagkamali ang magaling na host sa first impression niya. Nang makasama kasi ang singer sa series of concerts na ginawa sa ibang bansa, hindi nito naitago ang tunay na kasarian. Kapag nagsa-shopping, laging sa mapupulang lipstick nakatutok ang attention nito. Ganoon din sa blush on at compact. Hindi nakaligtas sa pansin ng mga kasama niya ang kakaibang choices niya lalot pumapalakpak pa siya at tuwang-tuwa habang tina-try ang mga ito. Paano maitatago ng singer ang pagkagiliw niya sa mga lipstick at iba pa samantalang may financier siya. Isang bagong tagahanga na kahit may asawa nay lokang-loka talaga sa kanya. Lalong naloka ang financier nang ipakilala namin ang singer sa isang machong naka-salubong namin sa isang malaking mall sa Las Vegas. Hindi lang ito kinamayan ng singer, pinisil-pisil pa niya ang ilalim ng kamay nito. Hindi nakaligtas sa amin ang pagkabigla ng macho. Hayun, nagkakatawanan na tuloy. Unti-unti na ring nag-iisip ang financier kung paano niya lalayuan ang singer. Source: Tempo |