|
|
| Cristine, Jennylyn, Eugene at Ruffa, labu-labo sa 'Working Girls 2010'!![]() Author: Rey Pumaloy Kinumpirma na ni direk Joey Reyes na tuloy na tuloy na ang pagri-remake ng pelikulang Working Girls. Working Girls of 2010 raw ang magiging title nito, at ang Viva Films pa rin ang magpuprodyus. Kinumpirma ni direk Joey na sina Cristine Reyes, Jennylyn Mercado, Eugene Domingo at Ruffa Gutierrez daw ang magiging bida sa pelikula. Pag-amin ni direk Joey, sobrang excited siyang gawin ang pelikula, dahil kasama pa rin sa cast sina Gina Pareño, Maria Isabel Lopez, Carmi Martin at Rio Locsin. Sila raw ang siyang gaganap na mga nanay sa pelikula. Sa ngayon, binubusisi raw nang husto ang script, at malamang na sa April 2010 na ito maipalabas. Anyway, kinumpirma na rin ni direk Joey na nabili na ng Fearless Productions nina Ronald Singson at Jomari Yllana ang Makisig Network, na may local program sa cable na Channel V Philippines. Prangkang inamin ni direk Joey na tinanggal silang mga nakaupo roon, pero wala siyang hinanakit sa nangyari dahil normal daw `yon na nagtatanggal ng mga empleyado ang isang kumpanya na nabili ng ibang kumpanya, para bigyang daan ang mga bagong papasok. Anyway, natutuwa naman si direk Joey sa magandang takbo ng career ng kaibigan niyang si Ryan Agoncillo, na bagong co-host ng Eat Bulaga. “Wala siyang kontrata sa kahit na sino.?Malaya siyang makakapili ng mga projects na gusto niyang gawin and I'm happy for him bilang kaibigan nilang dalawa ni Judy Ann Santos. “Si Ryan lang ang artistang nakakatawid ng ABS CBN, TV 5 at GMA. Kay Ryan sumakto ang kasabihang walang Kapamilya, wala ring Kapuso at Ka-Shake mo. Ito ay trabaho lang!” sabi na lang ni direk Joey. Source: Abante |