|
|
| Cristine Reyes, TV's 'Sexual Fantasy Queen'?![]() Author: Julie Bonifacio Diretsahang inamin ni Cristine Reyes sa ABS-CBN.com na zero ang lovelife niya ngayon. Maging ang leading man niya sa teleseryeng Kahit Isang Saglit na si Jericho Rosales ay hindi raw niya nararamdaman kung nagpapalipad-hangin sa kanya dahil mas close siya sa Malaysian actress na si Carmen Soo. "Hindi ko po masyadong napapansin 'yon Kasi madalas kami ni Carmen ang magkausap sa set. Tapos minsan tini-text niya (Jericho) ako na napapanood niya 'yung mga eksena ko. Ang galing-galing mo, ganyan," lahad ni Cristine. Masaya si Cristine sa mga papuring natatangap niya sa kanyang leading man pero hindi lang naman daw si Echo ang texter niya ng ganito. "Natutuwa ako at naa-appreciate ko po 'yun. Pero hindi lang naman po siya. Nakakatanggap din ako ng text message from Direk Jerry (Sineneng, Kahit Isang Saglit director)." Tiyak na magiging sentro ng inggit si Cristine ng ibang Kapamilya stars dahil bukod tanging siya lang ang artista ng network ang may dalawang teleserye na pinapalabas sa Primetime Bida ng ABS-CBN - ang Kahit Isang Saglit at Eva Fonda. Siya na nga ba ang bagong reyna ng ABS-CBN? "Hindi naman po reyna. Prinsesa lang daw po sabi nila," natatawang sagot ni Cristine. "Ano, thankful ako kasi hindi lahat nabibigyan ng ganitong opportunity. Kaya lahat ng binibigay nila sa akin na project ginagalingan ko talaga para hindi naman masayang. Gusto ko ipakita na may talent po ako na ipapakita sa industry na 'to." Marami ang nagtanong bakit hindi niya nailabas ang kanyang acting skills noon sa kabilang network at sinagot ni Cristine na asa project na rin kasi ito nakadepende. "Ah, kasi hindi pa po ako nabibigyan ng ganitong klaseng role na pwede ko'ng ipakita ang talent ko." Sobrang happy si Cristine sa mga nangyayari sa kanyang career ngayon. "Masaya, super saya dahil hindi ko lubos akalain na darating sa ganitong punto. Minsan overwhelming siya. Naiyak talaga ako nu'ng nalaman ko 'yung rating. Sobrang na-appreciate po nila." Type ba niya ang titulong Primetime Teleserye Princess? "Oo, hahaha!" natutuwang sagot ni Cristine. However, may feedback sa viewers na hindi raw maganda para sa mga kabtaan ang mga eksenang seksi sa Eva Fonda. Ano ang masasabi niya rito? "Pero ano po, well, contrast naman kasi kapag napanood ninyo si Eva, okay may sex scenes, pero 'pag tumagal na po makikita nila hindi kasi siya nanlalaban, eh. Hindi katulad ng ibang mga bida na kahit mga bata pwede pala nilang gawin 'yon." Marami ring comments na puro halikan daw ang nangyari sa unang episode ng show. "Actually, dalawa lang ata ang halikan namin ni Jason (Abalos). Si Joross (Gamboa) at si Hazel Ann (Mendoza). Sila ang marami. Sila talaga pero kami hindi. At least hindi naman talaga si Eva mismo. Ang target naman doon si Hazel 'di ba? Para example doon sa mga bata na huwag mag-asawa ng bata. Kasi si Eva talagang ano..pini-preserve niya ang virginity niya." Nagpasalamat naman si Cristine sa nakarating sa kanyang feedback mula sa isang binatang 15-year-old na para raw sa kanya si Cristine ang pinakamaganda sa lahat ng artista. Dahil dito, posibleng si Cristine na ba ngayon ang sexual fantasy ng mga kabataang lalaki? "Huwag na po nating isipin 'yun. Mas maganda akting na lang," ngiti ni Cristine. If ever, type rin ba niya ang title na Sexual Fantasy Queen? "Primetime Princess na lang po," sabi ng young actress. "The more, the merrier? Well, kung 'yun po ang ibibigay nila sa akin why not? Hindi naman ako tatanggi doon." Hindi naman itinanggi ng co-star niya sa Eva Fonda na si Jason Abalos na gusto niyang ligawan si Cristine. Nanghinayang si Jason dahil nu'ng time na ginagawa nila ang show, si Dennis Trillo ang karelasyon ni Cristine. At nu'ng maghiwalay naman daw sila ni Dennis saka natapos ang taping nila ng Eva Fonda. "Bakit sa inyo nanggagaling 'yan?" natatawang tanong ni Cristine sa press. May pag-asa ba si Jason sa kanya? "Uhm, depnde. Kasi napakatahimik ni Jason, e. Hindi ko alam." Parehas daw tahimik si Jason at ang kanyang ex na si Dennis, so posible nga bang magustuhan niya rin ang kanyang Eva Fonda co-star? Natawa muna si Cristine bago sumagot. "Actually, 'yung eksena namin kagabi po para siyang ano, e. ilap. Ilap siya sa akin. Ako pa ang nagsabi sa kanya na, mas ako 'yung ano hindi naman bumigay. Mas ako 'yung nag-encourage sa kanya, 'Okay ka lang?' sabi ko. Kasi kahit nu'ng workshop namin aloof siya sa akin, eh. Nahihiya siya sa akin. Nahihiya siya talaga sa akin." What about Baron Geisler? Aloof rin ba ito sa kanya? "Si Baron...ano naman siya, 'Okay lang ba if I do this?' Nagpapaalam siya palagi. So, okey naman. So, kapoag may sinabi siya, 'Pwede ba kitang halikan dito?' Sinasabi ko, 'Ay, ayoko.' Hindi naman po niya gagawin." Ano 'yung ayaw niyang ipagawa? "Kasi gusto niya laging may kiss, eh. 'Pag ano, kasi ang daming nangyari sa amin ni Baron. So, minsan tinatanong niya ako kung pwedeng gawin ganito, ganyan. MInsan pumapayag ako, minsan hindi." Ano 'yung hindi niya pinapayagan? "Masyado siyang nanabunot. Masyado siyang nagga-ganu'n Sabi ko, 'Medyo mellow lang kasi ang sakit, eh," natatawang pagkwento muli ni Cristine. Paano humalik sa kanya si Baron? "Hindi po niya ako nahalikan (sa lips) kasi 'yung sa kanya rape, eh." Sa success ng dalawang teleserye ni Cristine sa ABS-CBN, binati na ba siya ng kanyang Ate na si Ara Mina? "Hindi ko po alam. Baka hindi pa niya napapanood o busy lang." Nasaan ngayon ang Ate niya? "Hindi ko po alam. Baka busy. Hindi ko po alam, eh." Maraming naglalabasan ngayon sa mga tabloids na mas sikat at mas magaling daw siya sa kanyang Ate Ara. Agree ba siya sa mga naisulat? "Parati ko po'ng sinasabi kapag sinasabi nila sa akin 'yon kasi kapatid ko si Ate 'di ba? Ayokong ma-hurt siya. Mamaya marinig niya 'yon, lagi ko'ng sinasabi na malayo na ang narating niya, marami na siyang award. Isang award na lang grandslam na siya. Ilang beses na po siyang nag-Best Actress hindi ko pa po naabot 'yon. Wala pa po akong napapatunayan." Source: ABS-CBN Interactive |