Cristine Reyes, black and blue because of new boyfriend? Author: Bernie Franco Tila ayaw talagang tigilan ng mga intriga ang kontrobersyal na aktres na si Cristine Reyes. Sa tuwing mamamatay ang isang intrigang kinasasangkutan niya ay may bago na namang susulpot. Gaya ngayon na sinasabing diumano'y may bumugbog sa aktres dahil sa mga nakitang pasa nito sa katawan. Kamakailan kasi ay nagkaroon ng pictorial ang aktres bilang bagong endorser ng isang clothing line at sa ginawang pictorial ay tumambad sa mga naroroon ang mga pasa sa braso at hita ng dalaga. Tuloy, nagkaroon ng mga ispekulasyon na binugbog siya diumano ng isang lalaki na kaagad namang binigyan niya ng linaw. "Naaksidente ako sa taping ng Banana Split. Yung head ko nag-bounce sa floor," ani Cristine. Paliwanag niya, nagbibiruan daw sila sa set nang mangyari ang aksidente."Kasi hinahabol ko si Pooh ng spider, tapos naka-heels ako, so 'yun nadulas ako," pagtatapat niya. Si Cristine ay isa sa mga main cast ng nasabing gag show, kasama sina Angelica Panganiban, Valerie Concepcion at Roxanne Guinoo na recently ay nasangkot rin sa isang bugbugan issue. Hinggil naman sa isyu kung may bago ba itong boyfriend, ang maikling sagot ni Cristine: "Wala, walang bago. Ayoko munang mag-boyfriend." Nang magsimula ang kasalukuyan niyang teleserye, ang Kahit Isang Saglit na pinagbibidahan din ni Jericho Rosales, sinabi ni Cristine na crush niya ang aktor at mula noon ay nagging tampulan sila ng biro kung mauuwi sa totohanan ang kanilang pagtitinginan. Prangkang sagot naman ni Cristine: "Promo lang yun, eh," sabay tawa nito. Source: ABS-CBN Interactive |