|
|
| Cristine Reyes hindi pababayaan ng ABS-CBNAuthor: Ricky Calderon BETTER late than never, and so the 26th Luna Awards gets underway ngayong Linggo sa Mandarin Oriental Suites sa Gateway Mall. Gaganapin ang awards night simula ika-7 ng gabi. Ipinahayag na ang winners sa Luna Awards last December, pero ngayong Linggo pa lang gaganapin ang awards night. Pararangalan sa gabing ito ang 12 winners sa iba't ibang kategorya. Hosts para sa awards night sina Sen. Ramon 'Bong' Revilla, Jr. , Lorna Tolentino, Gina Alajar at ang actor-director Ro-bert Arevalo. Ang Star Cinema film na A Love Story -- ang kakaibang istorya ng mag-asawa at isang mistress -- ang top winner with five awards, kabilang ang best picture at best director trophy pa-ra kay Direk Maryo J. delos Reyes. Ang top acting ho-nors naman ay nakamit nina Maricel Soriano (Best Actress para sa Bahay Kubo ng Regal Entertainment) at Paolo Contis (Best Actor para sa Banal ng Comguild Productions). Sina Dante Rivero at Angelica Panganiban ang napiling Best Supporting Actor at Best Supporting Actress respectively para sa A Love Story na siya ring nagwagi ng award for Best Screenplay para kay Vanessa Valdez. Ang iba pang nagkamit ng parangal ay sina Renato de Vera (Best Ci-nematography -- Ataul For Rent ), Jess Navarro (Best Editing -- Silip), Rodell Cruz (Best Production Design -- Resiklo), Ditoy Aguila (Best Sound-- Ouija) at Carmina Reyes (Best Musical Score-- Ouija). Bibigyan din ng special awards ng Academy ang apat na importanteng tao sa industry. Kabilang dito sina Former President Joseph Estrada (Golden Reel Award), the late producer-director Cirio Santiago (Manuel de Leon Award), Boots Anson-Roa (FPJ Lifetime Achievement Award), at ang yumaong sound engineer na si Juanito Clemente na gagawaran ng Lamberto Avellana Award (posthumous). Bibigyan din ng Academy ng plaque of appreciation si Manila City Mayor Alfredo Lim para sa suporta niya sa Academy. Si Mayor Lim ang unang Metro Manila executive na nag-turn over sa Academy ng share nito mula sa 25-centavo cultural development tax na kinolekta ng mga sinehan mula sa admission tickets retroactive mula noong 1992. Ito ay umabot sa P2. 1 million. Nais magpasalamat ng Academy sa Film Development Council of the Philippines sa inihandog nilang financial assistance na P600 thousand na naging daan para matuloy ang awards night. * * * Cristine Reyes turned 20 last Feb. 5, at ang kanyang birthday wish ay good health. Happy naman daw si-ya sa takbo ng kanyang career at natutuwa siya sa suportang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN at ng Viva Artist Agency. Bagama't malapit nang magtapos ang Eva Fonda, busy pa rin si Cristine sa Banana Split, ang all-female gag show tuwing Sabado sa Kapamilya network. Hindi pa raw niya alam kung ano ang magiging next show after Eva Fonda, pero ayon daw sa VAA ay may pinaplano na for her ang ABS-CBN. Siyempre, inaabangan din ni Cristine ang kanyang first solo movie under Viva Films. Si Boss Vic del Rosario mismo ang nagsabi noon na may projects silang nakalinya para sa younger sister ni Ara Mina. Source: Taliba |