|
|
| Cristine Reyes on being an actress: 'Gusto kong malaman ng iba na hindi lang ako basta-bastang artista'![]() Author: MJ Felipe Masayang humarap sa entertainment press last Thursday, November 27, ang buong cast ng pinakabagong primetime soap ng ABS-CBN, ang Eva Fonda. Napakaganda ang bida ng naturang teleserye na si Cristine Reyes kasama ang kanyang mga co-stars na sina Baron Geisler, Jason Abalos, Janna Dominguez, Hazel Ann Mendoza, Joross Gamboa, Sylvia Sanchez at Dick Israel. Kinuwento ni Cristine Reyes kung gaano siya kasaya sa proyektong ito na pinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN. Walang mapaglagyan ng ngiti si Cristine at sinabing, "This is my biggest project. Kasi this is my first lead role at primetime pa." Wala siyang pinagsisihan sa kanyang naging desisyon na lumipat sa Kapamilya channel. "Yes, natutuwa ako siyempre. Kasi ang daming blessings na dumating sa akin simula nang lumipat ako dito sa ABS. Hindi nila ako pinabayaan at sobrang pinagkatiwalaan pa nila ako sa lahat projects na binigay nila. Hindi ko sila bibiguin. Gagalingan ko talaga," tugon ng batang aktres. Ibang Cristine daw ang makikita nila dito sa Eva Fonda dahil kakaiba rin ang takbo ng istorya nito. "Actually heavy drama siya talaga. Tragic yung buhay ni Eva Fonda. Maraming pagsubok sa buhay niya na dinaan niya. Hindi lang ito sexy, more on drama siya." Maraming maseselang eksenang kinunan sa teleseryeng ito, at kasama na rito ang mga sexy scene at ang maiinit na eksena nila ni Jason Abalos. "Pinag-bonding na kami before the taping. Pinag-workshop na kami. Pinag-bonding na yung buong cast, so nung tinake na namin yung kissing scene namin ni Jason. Wala nang ilangan factor, gentleman siya, alam kong hindi siya magte-take advantage." Napahalakhak naman si Cristine nang ikuwento namin sa kanya ang naging pahayag ni Jason na nakakadala daw ang kissing scene nila sa soap. "Talaga? Sinabi niya yun? Kasi hindi ko iniisip yun nung nagte-take kami e. Parang si Joel, yung character niya. Torpe. Parang nahihiyang humalik. Pareho kasi yung character namin na naive e. In character kasi kami e," ani Cristine. Pinuri din niya ang naging acting at professionalism ni Baron Geisler sa kanilang mga eksena lalo na yung rape scene nila sa may tabing dagat. "Hindi siya nag-take advantage. Good boy naman siya." Hangad at hiling ni Cristine na magbago ang tingin ng publiko sa kanya sa teleseryeng ito. Pagod na siya sa mga negative rumors at image na dinidikit sa kanya. Aniya, "Gusto ko, tangkilikin ng mga tao yung pinaghirapan namin. Saka gusto kong magbago ang tingin ng tao sa teleserye na, eto inaapi, magiging okay. Ibang klase kasi itong Eva Fonda e. Pinaglaban niya (yung buhay niya), pero hindi siya nag-revenge." "Actually nung lumipat ako dito sa ABS, sabi nga nila sa akin nung mga boss, bago magsimula ito, ibibigay namin sa iyo itong project na to, pinagkatiwalaan nila ako. Sabi ko, hindi ko pa talaga kayo bibiguin dahil gagalingan ko talaga. Gusto ko talagang may marating." "Ayokong tingin lang nila sa akin e Cristine Reyes na siya yung kapatid ni Ara, girlfriend ni ganito. Gusto kong maging aktres! Gusto kong malaman ng iba na hindi lang ako basta-bastang artista, gusto kong in the future respetuhin nila ako bilang aktres!" pagtatapos ng aktres. Mapapanood ang Eva Fonda sa Primetime Bida ng ABS-CBN simula sa December 1, Lunes. Tutok na Kapamilya! Source: ABS-CBN Interactive |