Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cristine at RR, malabong magbati!

Cristine at RR, malabong magbati!

Author: Abante

TIKOM na tikom pa rin ang bibig ni Valerie Concepcion tungkol sa away nina Cristine Reyes at RR Enriquez.

As in, sini-zipper talaga niya ang bibig para wala siyang masyadong maisagot o maibigay na reaction.

“Wala! I don't wanna comment kasi, ano nila 'yun, eh, sila 'yun. Basta, ayokong magsa­lita. Kasi, si RR katrabaho ko. Si Cristine naman, kaibigan ko. I don't wanna really meddle because I don't wanna offend one of them.”

Pero alam niya ang both sides?

“Nakausap ko sila, yes!” dahan-dahan niyang sagot.

“Sorry! Sorry! Ngayon lang ako hindi magsasalita, sorry,” pakiusap ni Valerie.

Nasabi ni Cristine na alam mo raw ang nararamdaman niya dahil nangyari rin sa iyo 'yon with RR?

“Ayoko pong mag-comment talaga. Sorry, ngayon lang po talaga ako hindi magsasalita. Lahat ng questions niyo, sasagutin ko, pero, 'yun lang po talaga. Sorry,” paulit-ulit na sabi niya.

Tinanong namin si Valerie kung nagbago na ba si RR, na tipong yumabang na ito ngayon?

“Ayokong mag-comment. Okey kami ni Cristine. Magkaibigan kami ni Cristine. Okey na kami ni RR. So, wala kaming problema. Ayokong magkaroon ng kahit na anong isyu. Ayoko na. Ayoko na ng problema!”

Naiipit ba siya sa dalawa?

“Actually, I tried calling... Ayoko na! No!” biglang tili at bawi nito sa sasabihin.

Pero sa kakakulit, nasabi na rin niyang...

“Basta, I tried calling lang and hear the side of Cristine. I tried calling lang and then, kami naman ni RR, nag-usap kami in person. Ganoon lang.”

Hindi ba niya type maging mediator sa da­lawa?

“Parang malabo! Parang hindi sila nagkakaintindihan. Masama ang loob ni Cristine kay RR. Si RR, masama rin ang loob kay Cristine. Siguro in time, all wounds heal naman. Sana maayos din nila, soon. Kasi, ang hirap ng may kaaway sa showbiz. Maliit lang itong mundo natin.”

Anyway, focus si Valerie ngayon sa bagong series niya sa ABS-CBN, ang Pat is Tin, na ang makakasama niya ay sina Jon Avila at Joross Gamboa.

Source: Abante