Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cristine, bagong 'Pantasya ng Bayan'

Cristine, bagong 'Pantasya ng Bayan'

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'n Spicy

Last Thursday night, nag-text sa amin si Angeli Pangilinan upang klaruhin ang issue tungkol sa napabalita rito sa Pilipinas na naaresto si Gary Valenciano sa Qatar airport.

"Contrary to reports, Gary was not arrested. But detained for 4 hours at Qatar airport (in the business lounge and then in immigration area) in Nov 28 because his passport was lost in the Qatar Airways plane Friday, 12:30 noon.

"They wanted to send him back to Dubai. He was released due to his being UNICEF Ambassador and was given a temporary permit to enter.

"He did back to back concerts in Dubai and Qatar last Nov. 27 and 28. Over 3k (P3,000) went to Dubai while 10,800 tickets were sold in Qatar, the biggest pop concert in Qatar history in a very long time!

"Oman tonight (Thursday, Dec. 4) and Bahrain tomorrow (Friday, Dec. 5). (Last) Sunday, Qatar Airways called to say they found the passport (of Gary). It went to London and back.

"PS: Last Wednesday, he received his 11th Best Male Performance trophy for Sana Maulit Muli at the 21st Awit Awards and Best Duet for a song whose vocals he arranged ang sang with Jed Madela, Hard Habit to Break," ang mahabang text message ni Angeli.

Apparently, sa eroplano naiwan ni Gary ang kanyang passport at nagpunta muna ng London bago nakita ng mga personnel.

* * *

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Komiks Presents Mars Ravelo's Tiny Tony ngayong Sabado, narinig na ni Michelle (Alex Gonzaga) ang masamang balak ni Gil Gante (Mura) sa pamilya ni Tony (John Prats), kaya naman agad niyang pupuntahan ang bida para mabigyan ng warning.

Nalaman na rin ni Tony na si Joaquin (Coco Martin) ang susi ni Gil Gante sa mga shrinking formula.

Ngunit magtutulungan din ang dalawa nang malaman ni Tony na si Joaquin pala ang nagligtas sa kanyang ina sa kapahamakan.

Isang masama at malaking plano ang nais gawin ni Gil Gante — ang paliitin ang lahat ng tao sa pamamagitan ng paglalagay ng shrinking formula sa water supply.

Abangan kung paano ito mareresolba ni Tony ngayong Sabado, pagkatapos ng Singing Bee, sa Channel 2.

* * *

Pagkatapos ng Tiny Tony ni John, ang rumored girlfriend naman niyang si Shaina Magdayao ang susunod na mapapanood sa Komiks Presents bilang Dragonna.

Katambal si Jake Cuenca, bibigyang buhay ni Shaina ang karakter ni Olive, isang matapang na babae na medyo boyish, dahil lumaki sa piling ng tatlong bumbero na nakapulot sa kanya.

Magkakaroon ng pagbabago sa kanyang pagkatao sa bawat pag-usad ng kuwento at lalo na kapag naranasan na niyang ma-in-love.

Pinaghandaan daw talaga nang husto ni Shaina ang proyekto, lalo na ang pagpapatawa dahil malaking aspeto ng Dragonna ay comedy.

"Pinaka-worry ko is 'yung comedy. Sabi ko nga, paiyakin niyo na lang ako, kasi para sa akin, mas madaling umiyak.

"Pero nu'ng sinabi sa akin na makakasama ko sina Kuya Bayani (Agbayani) at Kuya Long (Mejia), natuwa na ako. Magiging magaan sila ka-eksena kasi beterano na sila sa comedy. At hindi ko lang naman project ang Dragonna, project naming lahat ito. Teamwork kami rito. Definitely, gagawin namin 'yung best namin para mapasaya ang mga tao especially 'yung mga bata," say ng nakababatang kapatid ni Vina Morales.

New look din si Shaina sa mini-series na ito.

* * *

Naka-move-on na talaga si Cristine Reyes mula sa breakup nila ni Dennis Trillo dahil nang huli naming makita, blooming na blooming ang young actress.

Say nga namin sa kanya, mas bagay pala sa kanya ang walang boyfriend dahil mas fresh-looking siya.

Ang nakakaloka, napakaraming nagpapantasya sa kagandahan niya. Isa na rito ang kasamahan niya sa Kahit Isang Saglit, si Zeppi Borromeo ng Star Magic.

Ibinuking ni Jericho sa farewell presscon ng KIS na crush na crush ni Zeppi si Cristine.

Nag-blush ang baguhang aktor sa hiya at hindi makatingin sa young actress nang tawagin siya nito.

Pati si Jason Abalos, crush na crush din si Cristine at nanghihinayang na hindi naligawan ang young actress dahil nu'ng time na nagti-taping sila ng Eva Fonda, karelasyon pa raw nito si Dennis Trillo.

Nang mag-break ang dalawa, timing naman na natapos na nila ang KIS.

Well, hindi kami magtataka kung si Cristine na ang tawaging bagong "Pantasya ng Bayan. "

Source: People's Tonight