|
|
| Cristine, bagong 'darling' ni Vic Sotto!Author: Jun Nardo JACKPOT na naman si Cristine Reyes sa kanyang next project after Patient X with Richard Gutierrez! Aba, siya ang lalabas na “darling” ni Vic Sotto sa Filmfest entry ng Eat Bulaga host na Ang Darling Kong Aswang! Palaisipan nga ang lalabas na “darling” ni Bossing sa festival entry niya nu'ng mapasali ang movie niya sa December Filmfest. Isa si Pia Guanio na pumasok sa isipan ng entertainment press for obvious reasons, ika nga. Pero nang makausap namin si direk Tony Reyes, kinumpirma niyang si Cristine ang bagong “darling” ni Vic sa movie. “Pang-lifetime naman kasi si Pia!” depensa ni direk Tony kung bakit hindi ang real girlfriend ni Vic ang kinuha. Ngayong si Cristine na ang bagong babae ni Bossing sa Ang Darling Kong Aswang after ni Paula Taylor sa Love On Line, start na silang mag-shooting ngayong Huwebes. Kung matutuloy, nasa cast din si Billy Crawford na lalabas na aswang sa movie. Mula sa Octo Arts Films, M-Zet at APT Entertainment ang Ang Darling Kong Aswang! Umiwas na lang sa problemang legal ang GMA Network kaya pinalitan ang title na Now That I Have You to Ikaw Sana na bagong drama series nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Naging title kasi ng Star Cinema movie ang Now That I Have You at kahit kayang lumaban ng GMA Network sakaling magkaroon ng problema, minabuti na lang na palitan ang title upang hindi na magkaaberya pa. 'Yan ang nakuha naming dahilan ng pagpapalit ng title ng series nina Mark at Jen na ookupahin ang time slot ng All My Life nina Kris Bernal at Aljur Abrenica simula next week. Source: Abante |