Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cristine, bawal tumuntong sa GMA-7

Cristine, bawal tumuntong sa GMA-7

Author: Nitz Miralles

Napaaga ng isang araw ang balik sa bansa ni Nadine Samonte dahil siya ang napili ng GMA-7 na pumalit kay Sunshine Dizon sa role ni Lorna at asawa ni Marvin Agustin sa Tinik sa Dibdib.

October 18 ang unang schedule ng balik ng aktres mula sa Germany sa pagbisita sa ama at paternal grandmother niya, pero sabi ng GMA Artist Center, bukas na ang balik nito.

Sa Monday na magsisimulang mag-taping si Nadine ng Tinik sa Dibdib at sunud-sunod tiyak ang taping niya dahil five taping days yatang natigil ang taping ng series.

Ang Darna ang pinakahuling show ni Nadine bilang si Roma na may kakambal na impakta.

Samantala, hindi pa pinapangalanan kung sino naman ang ipapalit kay Sunshine na isa sana sa three council members ng StarStruck V na magsisimula na sa November.

* * *

Ang taas ng fear factor ng Patient X kahit trailer pa lang ang napapanood, parang gusto na ayaw mong panoorin dahil tiyak na nakakatakot, pero mas gusto mong mapanood para malaman kung bakit siya nakakatakot.

Gets n'yo?

Nakailang presscon na ang Patient X, pero hindi pa nakakaapak sa GMA-7 si Cristine Reyes, natanaw niya lang ang dating home network.

Malabo rin yata siyang makapag-promote sa Channel 7 dahil may exclusive contract siya sa ABS-CBN.

Nakikita namin ang billboards ni Richard ng Patient X na bigay ng Flawless at Bench, pero mukha lang niya ang nakikita gayung sa original poster kasama si Cristine. Understandable ito dahil ibang clothing line at cosmetic clinic ang ini-endorse ng dalaga.

Sa October 25 ang premiere night ng pelikula sa SM Manila. Tuluy-tuloy din ang mall tour ng cast to promote the movie.

* * *

Isa si Sherwin Ordoñez sa mga bida ng I Love Dreamguyz ng DMV Entertainment na showing sa November 4.

Dahil dancer muna bago nag-artista, hindi siya nahirapan sa role bilang isa sa sa Dreamguyz dancers na tutungo ng Japan.

Kabado si Sherwin sa magiging reaction ng moviegoers 'pag napanood ang kissing at bed scenes nila ni Jao Mapa na gumaganap na gay manager nila at lover niya. First time niyang gumawa ng ganitong eksena na walang daya dahil ayaw ni Direk Joel Lamangan ng daya.

Nag-usap sila ni Jao na galingan nila para 'di paulit-ulit ang take, pero na-take-two pa rin sila dahil nailang sa mga nanonood.

Nakahinga raw siya matapos kunan ang eksena at 'di sigurado kung gagawa uli ng mga ganu'ng eksena in his next movies.

Showing ang I Love Dreamguyz sa Robinson's Galleria at Ermita, Gotesco Grand Central, Remar, Cinerama Isetann Recto, Roben at Ultra Vista Cebu.

* * *

Balik-pelikula si Mark Anthony Fernandez sa Diablo episode ng Shake, Rattle & Roll XI dahil siya ang kapareha ni Maja Salvador sa episode na ididirek ni Rico Gutierrez.

At least, bukod sa Darna, may pelikula nang maikukuwento ang actor.

Samantala sa Darna, pinili ni Eduardo (Mark Anthony) na mamatay kesa ibigin si Valentina (Iwa Moto), kaya umalis na lang ang dalaga.

Alam ni Valentina na monster siya dahil sa mga ahas niya sa ulo at naaawa sa kanya si Narda.

Worried si Narda kung kaya niyang mging Darna at GF ni Eduardo at palalakasin ni Ding (Buboy Villar) ang kanyang loob.

Mabubuhay si Impy (Mura) dahil sa formula na ginawa ni Apollo at una nitong pinuntahan ang puntod ng kakambal niyang si Roma (Nadine Samonte) na that time, binisita rin ni Gabriel (Alfred Vargas).

* * *

Pasok na sa cast ng Rosalinda si Jackielou Blanco at gagampanan ang real mom ni Fernando Jose.

Noong Wednesday siya nagsimulang mag-taping at next week, baka mapanood na siya.

Mamaya sa Rosalinda, magwawala si Fedra (Katrina Halili) dahil alam na ni Fernado Jose na iisang tao sina Rosalinda at Paloma.

Patatawarin na ni Abril (Ryza Cenon) si Alfredo (Ariel Rivera), pero hindi si Beto (Mart Escudero).

Ligtas na si Erika sa dengue at magpapaliwanag si Fernando Jose kay Rosalinda na hindi niya ito niloko kahit kailan.

* * *

NGAYONG Biyernes sa Stairway to Heaven, may surprise party kay Cholo (Dingdong Dantes), pero wala ito sa mood nang malamang 'di pa rin pumapasok sa office si Jenna (Rhian Ramos).

Inis si Eunice (Glaiza de Castro) na hindi na-a-appreciate ni Cholo ang efforts niya.

Hihilingin ni Jovan (Jestoni Alarcon) kay Cholo na makita uli si Jenna dahil ang feeling niya parang nabuhay ang anak niyang si Jodi kay Jenna.

Dadalhin ni Jovan si Jenna sa kanilang bahay at makakaharap ng dalaga sina Eunice at Maita (Jean Garcia).

* * *

Suspense ang hatid ng 5Max Movies ng TV5 today na Closer & Closer starring Kim Delaney as a successful writer tungkol sa serial killer.

Bukas at sa Linggo, featured ang award-winning and critically acclaimed film na Meet Joe Black starring Brad Pitt as Death na bababa sa mundo.

Kasama niya sina Claire Forlani at Anthony Hopskin.

Mamimigay ang TV5 ng pases sa special screening ng Astro Boy The Movie sa Oct. 28 sa Greenbelt 3.

Mag-subscribe sa 5Max Movies Interactive para manalo ng two VIP passes.

Source: People's Tonight