Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Cristine deserving maging sexiest woman of the world

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

Paglabas na paglabas pa lang ng Medical Hospital mula sa pagkaka-confine at hindi pa gaanong nakapagpapahinga at nakaka-recover ay diretso agad sa ta-ping ng kanyang dalawang shows sa Siyete ang GMA Artist Center prime artist na si Iwa Moto.

Ayon kay Iwa nang kamustahin namin sa text ang kanyang lagay ay walang kaabug-abog na sinagot nito na nasa ta-ping na siya ng Adik Sa 'Yo at pagkatapos doon ay pupunta naman sa taping ng Darna.

"Dito po ako sa ta-ping ng Adik sa 'Yo, kalalabas ko pa lang ng hospital diretso na ako ng taping. 'Di pa nga ako masyadong magaling pero kailangan ng magtrabaho," sagot ni Iwa sa text nang kumustahin namin siya.

Marami nga ang nagsasabing baka mabinat ito dahil kahit hindi pa masyadong magaling ay sumasabak agad sa trabaho.

Tsika nga ng malapit sa young star, baka humina ang resistensiya ni Iwa dahil na rin sa ginagawa nitong pag-reduce.

Tabain daw kasi si Iwa, kaya naman no choice daw ito kung hindi magpapayat.

Kaya naman sa loob ng isang buwan ay dalawang beses na itong isinusugod sa ospital dahil sa ginagawang paglalagari sa dalawang shows, bukod pa sa TV guestings at shows sa labas.

* * *

Speaking of pagka-kasakit balitang nag-collapse habang nasa bahay ang isa sa contender ng Are You The Next Big Star na si Bobby Solomon, nakakabatang kapatid ng sexy/comedienne na si Chariz Solomon at miyembro ng Dance Squad Singers.

Ayon sa malapit kay Bobby, bigla na lang daw itong bumagsak malapit sa kanilang CR habang naghahanda para sa kanilang weekly mall tour bilang promo ng pinakamalaking singing competition sa bansa.

Mabuti na lang daw at nakita ito ng kanyang uncle at ito ang nagdala kay Bobby sa ospital.

Ayon daw sa tumingin kay Bobby ay sobrang pagod, puyat at stress ang dahilan ng paghina ng resistensiya ng batang singer.

Kaya naman imbes na isama ito sa mall tour ay pinagpahinga na lang ng staff ng Are You The Next Big Star?.

Hindi rin daw ito nakapag-SOP para agad gumaling at makapagpahinga nang husto at makapag-taping sa Tuesday.

* * *

MARAMI ang nagtatanong kung totoo nga bang mawawala na si Oyo Sotto sa TV5 at iiwan na niya ang suspense-comedy show na Midnight DJ nang ma-tsugi ang character ni-yang si Samboy sa isa sa mga nakaraang episode nito.

Turns out, it was only a twist in the story for its season finale, dahil nag-extend pa ulit ang show ng another season as expected.

Talaga naman kasing tinututukan na rin ito ng maraming televiewers.

In fact, the top-rating show has grown quite a following.

At sa milyun-milyong viewers na sumusubaybay sa cryptic adventures and mysteries that Oyo has been solving, siguradong masaya siya sa pagiging bida niya sa show with co-stars Desiree del Valle, Jenny Miller, and Joaqui Tupas.

* * *

Deserving at walang puwedeng magtaas ng kilay sa pagkakahirang bilang number one Sexsiest Women in the World ng FHM si Cristine Reyes dahil sexy at napaka-flawless naman talaga ng kapatid na ito ni Ara Mina.

Pero kung meron mang nagulat sa pagkakapanalo ay si Cristine mismo.

Feeling daw ni Cristine ay ang taba-taba niya kasi mahilig siyang kumain at walang time pagpunta ng gym at magpapayat.

Nagkasakit lang daw siya kaya siya pumayat, kaya kahit anong kain niya ay hindi siya tumataba.

"Naku ang totoo lafang kung lafang ako malakas ako sa kanin. Si-guro kaya ako pumayat kasi nagkasakit ako ngayon.

"Natututo na akong kumain ng fruits. Dati ayaw ko talaga, pero vegetables kumakain ako. Ngayon kumakain na rin ako ng pork and meat. "

Pero ngayon daw na no. 1 siya ay kakaririn na niya ang pagpapapayat.

"Sabi ko nga, ngayon mas magiging conscious na ko sa katawan ko kasi number one na ako," natatawang sabi ng dalaga.

"Kailangan kong i-maintain 'yung katawan ko baka mamaya bawiin sa akin ang title pag tu-maba ako. "

Basta ngayon daw ay focus muna si Cristine sa kanyang trabaho at wala munang oras para sa kanyang lovelife.

Pahinga raw muna siya sa buhay-pag-ibig at ang mga dumarating na proyekto muna ang kanyang aatupagin.

* * *

Nais naming batiin ng belated happy birthday ang aming ala-alagang si Sunshine Dizon last July 3, Arron Villaflor noong July 5 at advance happy birthday naman kay Ford Valencia sa July 15 at sa mabait at napaka-lovable na owner ng Ever Bilena at Careline na si Ms. Kristine Gabriel.

Source: Taliba